CHAPTER 52 | THE END

54.3K 928 463
                                    

4 YEARS AFTER.

Matapos na makapanganak ni aria sa kanilang kambal ni mika, ilang buwan lamang ay nagdesisyon na rin ang mga ito na bumili ng bagong bahay sa maynila upang dito na muling manirahan. May kaunting takot man ang mag-asawa dahil sa mga hindi magandang nangyari sa kanila noon ngunit muling sumugal ang mag-asawa para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Pagkaraan din ng isang taon muling nakabalik si mika sa kompanya at muli ring naibalik nito sa kaniya ang tiwala ng buong board ngunit hindi na bilang CEO, mas mababa na ang position na ibinigay rito. Hindi naman naging problema ito kay mika na magsimula sa mababang position. Gusto nito na kung makababalik man siya sa puwesto bilang CEO ay dahil pinaghirapan niya ito at hindi dahil sa kaniyang ama. Si aria naman ay nagdesisyong mag-focus na muna sa pag-aalaga ng mga anak at sa pamilya, hindi naman ito pinipigilan ng asawa na muling magtrabaho ngunit ito mismo ang may gusto. Na habang lumalaki ang kambal ay nakikita ito ng kaniyang mga mata at nasusubaybayan.

" Master, kumpleto na po ang board, nando'n na rin po ang lolo at daddy niyo." Ang sekretarya ni mika pagpasok nito sa opisina niya.

" Sige alice, thank you! Susunod na ako." Hindi maiwasan ni mika na kabahan dahil biglang nagpatawag ang ama nito ng board meeting may kinalaman sa position niya sa kompanya.

Iniisip tuloy niya kung mayroon ba siyang nagawang mali at kailangan niyang humarap sa matataas na leader ng kompanya ngayon. Paglabas ni mika ng opisina nito ay sinalubong naman siya ng dating personal bodyguard na labis niyang pinagtakhan.

" Good morning, master." Payukong bati nito.

" Good morning, leo." Ngiting bati niya rito ngunit hindi pa rin nawala ang kaniyang pagtataka at mababasa ito sa mukha niya.

" Master, utos po ng inyong ama ito."

" Ah, okay." Ngunit ang pagtataka ni mika ay lalo lamang nadagdagan.

Sa hallway habang patungo sila sa meeting room ay hindi pa rin nawawala ang kaba ni mika sa dibdib kaya't huminga ito nang malalim upang mabawasan ang kabang nararamdaman.

" Okay lang po kayo, master?" Tanong ni leo nang mapansin ang amo nito.

" Yes, leo, thank you. "

Sa harapan ng meeting room pagtapat nila ay muling huminga ng malalim si mika bago pumasok ng kuwarto.

" I'm sorry, may tinapos pa kasi akong trabaho sa opisina ko." Ngiting bungad niya sa mga tao sa loob ng meeting room at naupo agad ito. — " Uhm para saan po ba ang meeting ngayon at biglaan yata?" Mayro'ng kabang tanong niya.

" Tungkol sa performance mo mika, sa company." Tugon ni chico na CEO pa rin ng kompanya.

" Okay." Maiksing tugon niya at napabuntong hininga.

" Let's start?" Ang lolo ni mika na si Mr. Anthony lim.

" For the past 3 years na muli kang nakabalik dito sa company mika, maganda ang naipakita mo at naging consistent ka. Natuwa ang buong board dahil marami ka ring nakuhang investment para sa company at malaki ang naipasok mong pera dito. " Panimula ng ama niya at napapaisip na siya kung saan patungo ang usapan na ito. — " Matagal na rin akong chairman ng company na 'to at sa tingin ko panahon na para bumaba at magpahinga na rin. At hayaan ang mas mga bata na humawak nito. Nakita ko at ng board na karapat-dapat ka—

" Wait dad, magreretiro na kayo? Hindi ba't parang napakaaga pa ngayon para do'n?" Pagputol ni mika sa sasabihin ng ama.

" Anak, gusto ko namang ma-enjoy ang mga apo ko habang kaya ko pa at makapag-ikot sa ibang bansa kasama ang mommy mo. Ayoko namang magretiro nang uugod-ugod na ako, mika." Napailing si mika rito.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon