CHAPTER 30

53.7K 728 233
                                    

THE NEXT DAY.

Nagising si aria na masakit ang buong katawan nito, hindi naman iyon kataka-taka pagkat pangalawang beses pa lamang na mayroong nangyari sa kanila ni mika. Maya-maya ay napansin niyang wala na siyang katabi sa kama. Napansin din niya ang suot-suot na singsing sa kaniyang daliri.

" Good morning, pretty?" Bungad ni mika pagpasok nito sa loob ng kuwarto na kinaangat ng ulo at tingin ni aria rito.

" Saan ka galing?"

" May kinausap lang ako sandali sa labas, baby." Ngiting tugon nito sa kaniya.

" Hmm okay." Ngusong saad nito na kinangiti ni mika.

" Bakit, baby? Akala mo umalis ako, ano?" Nakauslis pa rin ang nguso ni aria at tumango na lang sa kaniya. Lalo naman siyang napangiti sa asta nito sa harap niya.

" Cute mo. " Mabilis na humalik si mika sa labi ng nobya at pinisil ang ilong nito. Napansin din kasi niya ang suot nitong polo longsleeve niya.

" Baby boy, kumusta ka diyan sa tummy ni mommy?" Tanong ni mika pagkataas ng suot na damit ni aria at inilapit ang tenga sa tiyan nito.

" Huh? Bakit baby boy, love?" Malambing na hinaplos-haplos ni aria ang buhok ni mika.

" Hmm gusto ko lang po ng baby boy." Patuloy pa rin ito sa paghimas sa tiyan ni aria.

" Paano kung baby girl?"

" Hmm okay lang naman po sa akin kung boy or girl, pero gusto ko lang sanang boy kasi siya ang magdadala ng pangalang lim eh." Umayos ito ng upo at hinarap si aria.

" Basta ako, ang gusto ko girl." Malambing na saad nito at iniangat ang mga braso niya sa leeg ni mika. Tumango-tango naman ang isa bilang pagsang-ayon sa kaniya.

" I love you." Marahang hinila sa baywang ni mika si aria upang umupo sa kandungan niya at hinalikan ito sa labi.

" I love you, mika lim." Malambing na yumakap si aria sa kasintahan ngunit mayroong tanong sa kaniyang isipan na gustong malaman mula kay mika. — " love?" Sa tuno nitong may lambing din.

" Hmm?" Humigpit pa ang yakap ni mika sa baywang ni aria.

" Si angela, naging girlfriend mo ba siya?" Natigilan at hindi agad nakatugon si mika sa hindi niya inaasahang tanong ng nobya.

" Uhm bakit mo naman natanong 'yan?" Nakakunot ang noo nito ngayon.

" Wala lang, kasi 'yong sa bar? Noong nakita ko kayo." Pag-angat ng ulo ni aria at tinitigan si mika sa mata ngunit ilang siya sa mismo niyang tanong.

" Wala kaming relasyon, aria." Mabilis na depensa nito ngunit umiwas sandali ng tingin bago muling tumitig sa kaniya. — " Hindi ko siya girlfriend at never ko siyang naging girlfriend. Ang nangyari sa bar isa lang 'yon sa mga kagaguhan ko." Maririnig ang pagkairita ni mika sa boses nito.

" Love, g- galit kaba?" Dahil nahalata ni aria pagkainis nito.

" Hindi ako galit baby, ayoko na lang kasing balikan ang mga nagawa kong kasalanan sa'yo." Umiiling na saad nito at kinuha ang kamay niya't hinalikan.

" I'm sorry, hindi lang kasi mawala sa isip ko eh, na baka may relasyon talaga kayo? Na- girlfriend mo siya." Umusli na naman ang labi nito kaya't napangiti si mika.

" Nagseselos kaba kay angela, baby?" Lalong lumapad ang mga ngiti ni mika sa labi.

" Bakit ganyan ka makangiti? Magseselos ako syempre, hays! Kaselos-selos naman talaga ang nakita ko." Mataray nitong tugon at umirap sa kaniya.

" Okay-okay! I'm sorry baby, please huwag na lang natin balikan 'yon, baka awayin mo na naman ako eh, tsaka wala talaga kaming relasyon ni angela. Ang sa aming dalawa-

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon