Dalawang linggo pa nag-stay si aria sa hospital para maka*recover mula sa late miscarriage nito. Ang sabi ng doctor niya ngayong araw ay puwede na itong makauwi ngunit hindi alam ni mika kung sa bahay pa nila ito uuwi o sa bahay ng magulang ng asawa. Hindi nakausap ni mika ang asawa sa mga panahong nasa hospital ito dahil ayaw pa rin ni aria na makita siya kaya dumadalaw na lang siya para masilip ito sa tuwing tulog na. Hindi na ngayon natutulog si mika sa kuwarto nila ng asawa, dahil sa mas nami-miss niya lamang ito roon kaya't sa master's bedroom nalang ito natutulog sa tuwing umuuwi ngunit madalas ay inuumaga na ito dahil sa pag-iinom nito, kaya pati ang trabaho niya bilang ceo ay napapabayaan na niya. Halos dalawang oras lamang ang tulog ni mika ngunit kailangan niyang pumasok sa opisina dahil mayroong importanteng meeting ang matataas na leader ng kompanya nila at kailangan ay nandoon ito. Pagkatapos maligo at mag-ayos ng sarili ay bumaba na ito para makaalis nang maaga. Tumungo muna ito sa kusina sandali para makainom ng tubig.
" Master, nakahain na po ang pagkain niyo sa mesa." Bungad ng kasambahay kay mika.
" Hays! Diba hindi naman ako kumakain dito? Sinabihan ko na kayo ha, kung magluluto kayo, 'yong sarili niyo nalang ang lutuan niyo." Tila wala ito sa mood ngayong araw.
" So- Sorry po master eh, na sanay lang po kami kay seniorita." Nangingilag na sagot ng kasambahay sa amo nito ngunit tinignan niya lang ito ng masama.
" Hays! Nasaan ba ang ashtray dito? Tinanggal niyo na naman?!" Sigaw ni mika sa kasambahay.
" Sorry po master, n- nakalimutan lang po ibalik, tinapon kasi ang laman kanina." Nakayukong sagot nito.
" Hays!" Malalim na paghinga ni mika at tuluyan nalang tumalikod dahil sa init ng ulo nito.
" Ang aga aga ang init naman ng ulo. "
Palabas na sana si mika ng may dumating na sasakyan sa harap ng bahay nila, pamilyar ito sa kaniya dahil siya ang nagbigay nito sa ama ng asawa. Kaya hinintay niya itong makababa hindi naman na inaasahan pa ni mika na kasama si aria ng ama nito, dahil naisip niya na baka kukuha lamang ito ng gamit ni aria. Unang bumaba ng sasakyan ang ina at bestfriend ni aria na si mayi, kaya nagulat si mika nang makita ang asawa na bumaba sa kotse na ikinatuwa naman niya.
" Aria." Pagsalubog ni mika sa asawa pagkababa nito sa sasakyan ngunit tinitigan lamang siya nito.
Agad namang pinakuha ni mika ang mga gamit ng asawa sa kotse upang dalhin sa kuwarto nila.
" May gusto kaba aria ipabibili ko."
" Wala akong gusto, maliban nalang kung kaya mong ibalik ang buhay ng anak ko mika."
" I'm sorry." Nakayukong sagot ni mika.
" Umuwi ako dito mika, dahil asawa pa rin kita may sinumpaan ako sayo at ayoko lalong makaladkad ang pangalan mo sa kalokohang ginawa mo, pero hindi ibig sabihin okay na tayo at nakalimutan ko na lahat ng ginawa mo. " Mababakas sa boses ni aria ang galit nito sa asawa habang ang magulang at kaibigan ay nakatingin lamang sa kanila.
" Alam ko naman yun aria salamat, sige kung may kailangan ka, nandiyan naman sila danny at sarah sila na ang bahala sayo, paalis na rin naman ako." Ngunit hindi na rin naman siya pinansin ng asawa at tumungo na sa kuwarto nila kasama si mayi.
" Sige ho, alis na po ako sir, mam." Paalam ni mika sa magulang ng asawa.
" Puwede kaba maka-usap mika sandali?
" Sige ho, sir jamie. "
---
" Sir, jamie. " Umpisa ni mika, pagdating nila sa garden, huminga naman ng malalim muna ang ama ni aria bago ito magsalita.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...