CHAPTER 31

41.2K 692 145
                                    

THE WEDDING

Sa hotel habang naghahanda ang lahat para sa kasal.

" Tol akalain mo yun ikaw pa pala ang unang ikakasal sa atin? Paguumpisa ni joey.

" Oo nga ang pinakababaero ng grupo mauuna pa'ng ikakasal pero sigurado kana ba diyan tol wala ng atrasan 'to ha? Biro ni cley.

" Tingin nyo pakakawala ko pa si aria ngayong magkakaanak pa kami? Pero kinakabahan ako kagabi pa eh."

" Bakit naman tol? Ito na nga oh ikakasal na kayo." Tanong ni joey.

" Kinakabahan si pinsan kasi baka si aria yung umatras sa kasal nila." Pangaasar naman ni gabby.

" Gago! Inis na sagot ni mika at tinawanan lang naman siya ng mga ito.

" Oh iwan ko muna kayo nakabihis na daw si audrey hinahanap ako eh. " Pagpapaalam ni joey.

" Ako rin hintayin kana lang namin sa labas at congrats uli tol ah magpakabait kana. " Dagdag ni cley.

" Sige sige salamat." Sagot ni mika at huminga ng malalim.

" Kinakabahan ka talaga pinsan? Tanong ni gabby habang natatawa ito.

" Oo nga hindi ko rin maintindihan eh bakit ako kinakabahan."

" Tingin ko natural lang yan tapos 3 days na rin kasi kayong hindi nagkikita ni aria simula nung maayos niyo itong kasal niyo mawawala rin yan pinsan." Sagot ni gabby at tumango lang naman si mika dito.

Sandaling natahimik naman silang dalawa at napansin agad ni mika na parang wala sa sarili at malalim ang iniisip ng pinsan nito.

" Gab may problema ba?

" Wala pinsan."

" Hmm hindi ako naniniwala gabby."

" Pinsan normal lang ba na magkagusto sa iba kahit may girlfriend kana? Seryosong tanong nito.

" Bakit mo naman natanong? Hmm hindi ko kasi alam. Kasi aria palang naman ang nagustuhan ko sa buong buhay ko eh."

" Oo nga pala hays."

" Huwag mong sabihin na may nagugustuhan kang ibang babae gabby?"

" May nakilala kasi ako pinsan ibang iba siya kay mayi sobrang lambing ang layo ng ugali niya kay mayi na lagi akong dinudomina tingin ko gusto ko na sya."

" Tangina gabby! Kung kailan tatlong taon na kayo ni mayi ngayon kapa magloloko? Anong real score sa inyo ng babaeng yun?

" Wala pa naman pinsan nag-kiss lang kami?

" Gago kaba gabby? Ikaw pa naman pinakamatino sa ating apat tapos gagaya kapa sa akin? Hindi mo na ba mahal si mayi?

" Mahal ko pinsan iba lang talaga kapag kasama ko yung isa eh."

" Ayusin mo yan gabby kung ayaw mo mawala si mayi sayo, na ilang taon mo'ng hinintay, bago naging kayo tapos sasayangin mo lang? Inis na sabi ni mika habang napapailing ito at natahimik lang naman si gabby.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon