CHAPTER 41

27.5K 518 254
                                    

3 months.

Pumapasok pa rin si aria sa bangko kahit buntis na ito ngunit mas nagdoble pa itong mag-ingat upang hindi na maulit ang nangyari noon dahil ito pa rin talaga ang kinakatakot niya na huwag na sanang maulit pa. Nagpaalam ngayong araw si aria sa asawa na mag-grocery muna habang wala itong pasok sa trabaho. Kasama pa rin ni aria ang personal bodyguard na si danny pati na ang kaibigang si audrey. Dito siya nagpasama dahil matagal na rin ang dalawang hindi nakakapag-bonding pagkat lagi itong wala sa bansa at busy rin ang dalawang kaibigan nilang si mayi at steph.

" Huy aria kailan ka magli-leave sa trabaho mo? Tanong ni Audrey habang nagiikot ikot ang dalawa sa loob ng grocery store.

" Hindi ko pa alam kaya ko pa naman tsaka tatapusin ko muna yung mga tambak kong papeles sa office. "

" Huwag ka masyadong magpaka-stress na naman aria ha baka alam mo na." Magpapaalala ni audrey sa kaibigan.

" Alam ko naman yun at ayoko na rin mangyari ulit yun sa baby ko ngayon."

" Eh Kumusta naman kayo ng asawa mo'ng si mika, aria?

" Okay naman kami pero itong mga nakaraang mga buwan hirap siyang matulog nagti-take na nga siya ng sleeping pills para makatulog lang minsan, kaya tuloy hindi ko na rin maiwasang hindi mag-alala."

" Baka masyado lang stress sa kompanya niyo o hindi kaya masyadong nag-aalala sayo aria lalo na pumapasok kapa rin kahit buntis kana. "

" Siguro nga. " Maiksing sagot ni aria kay audrey at muli silang nagpatuloy sa pagiikot.

" Eh kayo ni joey kumusta kayo?

" Okay lang rin mabait pa rin naman siya hanggang ngayon buti nalang nga naiintindihan niya yung sitwasyon namin eh."

" Mabuti nalang kamo hindi babaero yang si joey mo kasi kung babaero yan hay naku magkaka-problema kayong dalawa diyan sa paalis alis mo na yan."

" Hmm bakit naman si gabby? Hindi rin kaya yun babaero pero ayun, yung tatlong taon nila ni mayi nasayang lang. Kaya minsan hindi ko rin maalis na matakot na baka magaya kami sa kanila. "

" Magkaiba naman kayo ng sitwasyon at magkakaiba rin naman ang tao. Yung nangyari sa kanila ni mayi at gabby puwede naman hindi mangyari sa inyo, ang kailangan mo nalang talaga ay ang magtiwala kay joey ngayon."

" Sabagay. " Maiksing sagot ni audrey at napa-buntong hininga nalang ito.

Habang nagiikot ikot naman ang dalawa ay may lumapit sa kanilang babae at bahagyang ibinunggo ng mahina ang cart na dala nito sa cart ni aria na ikinagulat naman ng isa familiar ito kay aria dahil nakita niya na ito isang beses.

Habang nagiikot ikot naman ang dalawa ay may lumapit sa kanilang babae at bahagyang ibinunggo ng mahina ang cart na dala nito sa cart ni aria na ikinagulat naman ng isa familiar ito kay aria dahil nakita niya na ito isang beses

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" May problema po ba seniorita? Tanong ni danny paglapit nito sa amo ng makita ang ginawa ng babae.

" Wala danny okay lang ako. "

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon