Natulog si aria na wala sa tabi niya ang asawang si mika at nagising din siyang wala pa rin ito. Hindi tuloy maalis sa kaniya ang mag-alala rito dahil umalis ito ng bahay na galit at sakay pa ng motor. Hindi naman tinawagan ni aria ang bagong personal bodyguard ni mika dahil ayaw niyang parang binabantayan na ang asawa kung saan man ito pupunta. Alam ni aria na kasalanan niya ngayon kung bakit sila nag-away ng asawa at kailangan niyang makabawi rito kapag nakauwi na ito ng bahay. Maya-maya ay nagdesisyon na itong bumangon sa higaan pagkat kailangan din niyang pumasok sa trabaho. Dahil sa naka-night long dress lamang si aria ay nagsuot muna ito ng bathrobe bago lumabas ng kuwarto. Sa kitchen sana ang tungo niya upang magluto ng agahan ngunit pagdating niya sa may hagdan ay bumungad sa kaniya ang asawang si mika na nakaupo at nakayuko. Hawak din nito ang mga tuhod na kaniyang pinagtaka.
" Mika?" Kunot noo niyang tawag dito. Nilingon siya nito at napansin niyang parang may hangover pa ang asawa.
" Baby?" Malambing nitong tugon sa kaniya.
" Saan kaba galing, love? Hindi ka umuwi kagabi nag-alala ako sa'yo." Maririnig sa tinig ni aria ang pag-aalala nga nito ngunit umiling-iling lang ang asawa.
Maya-maya ay lumuhod si mika sa baba ng hagdan paharap sa asawa na kinagulat nito nang husto kaya't humakbang ito pababa ng hagdan.
" Love, ano'ng ginagawa mo?" Tanong ni aria habang pababa na ito ng hagdanan.
" Huwag mo 'kong iwan aria, please? Huwag mo akong iiwan, hindi ko kayang wala ka, mamatay ako." Lumuluhang saad ni mika. Nakayuko at nakaluhod pa rin ito na tila nagsusumamo sa asawa. Umupo si aria upang harapin ito at magkatapat sila.
" Love, ano ba'ng sinasabi mo, bakit naman kita iiwan?" Pagtatakang tanong ni aria at hindi maiwasang matakot sa inaakto ngayon ng asawa.
" Baby, please? Mangako kang hindi mo ako iiwan?" Sa tuno ni mika ay maririnig ang labis na takot at bilang tugon ay niyakap ito ni aria.
" Hindi kita iiwan, mika." Kahit hindi niya alam kung ano ba ang pinanggagalingan ng takot ng asawa.
" Mahal na mahal kita, aria. Mahal na mahal kita." Patuloy pa rin sa pagluha si mika habang nakasiksik ang ulo nito sa leeg ng asawa.
" Mahal na mahal din kita mika, hin- hindi ko maintindihan. Ano ba'ng problema? Hindi porket nag-away tayo iiwanan na kita." Hinagod-hagod ni aria ang likuran ni mika upang aluin ito.
Sandaling tumahimik ang paligid ng mag-asawa habang magkayakap. Maya-maya ay iniangat ni mika ang mukha nito at biglang sinunggaban ng mga halik ang labi ng asawa. Nagulat man si aria sa ginawa ni mika ngunit hinayaan niya lamang ito at sinagot din ang mga halik nito sa kaniya.
---
You are not blind, you are not stupid you can read. There is a warning. So if you are not comfortable with these kinds of scenes and themes. Don't read it. ⚠️🔞
Mga ilang minuto na silang nagpapalitan ng mga halik sa isa't-isa nang biglang bumitaw si aria upang kumuha ito ng hangin dahil tila mauubusan na siya ng hininga sa mga ginagawang paghalik sa kaniya ng asawa ngunit muli siyang sinundan nito ng mga halik sa labi kaya't itinukod niya na ang mga kamay sa balikat nito.
" Love, stop!" Ngunit tila hindi siya nito narinig at muli siyang sinunggaban ng mga halik. - " Wait, love? Hi- Hindi ako makahinga." Awat niya rito sa pagitan ng kanilang mga labi ngunit hindi pa rin nagpatinag sa kaniya.
Maya-maya ay inalalayan ni mika ang asawa sa pagtayo ngunit ang labi niya ay nasa mga labi pa rin nito at hindi nagsasawa rito. Alam na agad ni aria kung saan patungo ang gusto ng asawa.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...