CHAPTER 8

41.8K 1K 59
                                    

ARIA

Papunta kami ngayon ni steph sa office ni mayi. Niyaya niya kasi akong dalawin 'to, para naman kahit paano raw ay makahinga ako mula sa mga isipin at problema ko. Pumayag na rin ako dahil friday naman at walang pasok bukas. Naiuwi na rin pala namin si papa sa bahay kahapon lang. Kailangan niya na lang na magpahinga muna at magpalakas ng katawan para sa magiging operation niya pero ang isipan ko ngayon ay nando'n pa rin sa kung saan ako kukuha ng malaking halagang panggastos doon.

" Huy! Ang lalim na naman ng iniisip mo diyan, aria." Tapik sa akin ni steph, habang nagda-drive ito.

" Huh? Pasensya na steph, may iniisip lang ako." Lingon ko rito.

" Papa mo na naman, ano? 'Yong sa operation niya?" Napabuntong hininga na lang ako at tango rito. — " Sinabi ko naman sa' yo, aria. Humiram ka na lang muna sa'min. Inaalok din kita ng tulong pero ayaw mo naman tanggapin, kahit si mayi at audrey tinanggihan mo rin." Wala akong naitugon dito dahil malayo pa rin ang isipan ko. — " Hmm nga pala, sabi ni mayi nandito na si audrey sa pilipinas. Mabuti naman at naalala niya pang umuwi rito. Ang dami niya nang utang sa atin na kuwento at gala ah, papunta na rin daw siya sa office ni mayi." Patuloy na kuwento nitong mayro'ng tila pagtatampo. .

Si audrey ang kikay ng grupo. Nakilala namin siya noong 2nd year college kami ni mayi pero sila talaga ni steph, ang unang nagkakilala. Siguro kasi pareho silang makulit at madaldal. Mabuti na lang ngayon medyo naging seryoso na 'yon. Simula nang tumutulong na siya sa textile company nila. Graduate si audrey ng fashion designing well hindi naman nakakapagtaka na 'yon ang kinuha niyang course dahil malapit ito sa negosyo nila. Nitong mga nakaraang buwan nag-i-stay na siya sa US para tumulong sa negosyo nila ro'n.— Maya-maya dahil sa pag-iisip ko sa gitna ng pagkukuwento ni steph ay hindi ko namalayang nakarating na kami sa office ni mayi. Pagpasok namin sa loob ay nandito na rin si audrey at naunang dumating sa'min.

" Kumusta kayong dalawa? May mga lovelife na ba kayo hmm?" Bungad nito sa'min ni steph na kinangiti ko lang.

" Ano kaba kararating mo lang lovelife na agad ang tinatanong mo sa'min ni aria." Tugon at pagbeso ni steph dito.

" Aba syempre, ano pa nga ba ang itatanong ko? Tsaka lalo na 'yang si aria. Campus crush kaya 'to noon sa school natin. Imposible namang walang manligaw diyan, diba?" Muli lang akong napangiti rito at bumeso rin. Ang daldal niya pa rin talaga at hindi nagbabago.

" Hays! Tama ka na nga muna dyan audrey, paupuin mo muna kaya sila." Sabat ni mayi.

" Aba, sino ba ang malayong pinanggalingan dito? Hindi ba ako? Ako dapat ang paupuin niyo eh, dahil ako ang galing ng amerika." Nakapamaywang saad nito kaya't lahat kami rito ay natawa.

" Hay naku audrey, makulit at kikay ka pa rin hanggang ngayon." Naiiling kong saad dito at nagtawanan na lang lahat kami sa huli.

Bago kami naupo ni steph ay inilapag na muna namin sa mesa ang mga pagkaing binili sa labas.

" Oo nga pala, kumusta na si tito, aria?" Tanong ni mayi habang iminimeryenda namin ang pagkaing nabili.

" Oo nga aria, muntik ko nang makalimutang kumustahin si tito, kumusta siya?" Si audrey na kumakain na ngayon ng pizza.

" Ayun, okay naman na si papa, naiuwi na namin siya kahapon sa bahay. Kailangan niya na lang magpahinga at magpalakas para sa magiging operation niya."

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon