CHAPTER 9

43K 965 198
                                    

" Mika?" Napaangat ang ulo nito sa lalakeng tumawag at pumasok sa opisina niya.

" Chico, anong ginagawa mo rito?" Malamig na tungo niya rito.

Si chico ay CFO at anak ng COO na mayroong malaking shares sa lim corporation. Isa ito sa palagi niyang katunggali pagdating sa position sa kompanya.

" Hmm balita ko nanganganib daw ang position sa pagka-ceo, ah?" Ngiting-ngiti nitong saad na kinadikit ng bagang ni mika.

" Saan mo naman nasagap ang balitang yan, chico?" Kunot noo na tugon niya.

" Well, bulong-bulongan siya ng mga emplayado natin dito, kahapon pa." Naupo pa ito sa may sofa na kinataas ng kilay sandali ni mika.

" Kung ano man ang mga narinig mo, hindi 'yon totoo." Mariing pagbulaan ni mika na blangko ang mukha.

" Talaga? Hmm okay, kung ganun eh, good luck na lang sa'yo. Sa paghahanap ng babaeng ihaharap mo kay Mr. Lim, mika." Muling nagdikit ang bagang ni mika sa tila pang-aasar ni chico.

" Kung tingin mo chico, mapapalitan mo ako sa puwesto ko nang ganun na lang kadali? Nagkakamali ka." Ismid niya rito. Napatayo naman ang lalaki at lumapit sa kaniya.

" Tingnan na lang natin mika, kung hanggang kailan ka mauupo diyan sa puwesto mo." Mukhaang saad ni chico rito at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa ni mika pagkatapos ay ngimiti ito bago tumalikod at lumabas ng kuwarto.

Sa galit ni mika sa ginawa at narinig mula kay chico ay napasandal ito sa swivel chair niya. Agad nitong kinuha ang telepono at tinawagan ang pinsang si gabby.

" Hello gabby, kumusta na ang pinapagawa ko sa'yo? Ano nakausap mo na ba? Pumayag ba?" Sunod-sunod na tanong niya rito pagkasagot ng telepono sa kabilang linya.

" Tatawagan pa lang sana kita ngayon, para sabihin sa'yo ang tungkol doon pinsan, eh. "

" Oh, ano nga, gabby?" Inip na saad ni mika at apura niya sa pinsan.

" Teka lang naman, nagmamadali pinsan?" Napapakamot na ulo ni gabby sa kabilang linya.

" Oo, gabby dahil niyayabangan ako nitong si chico eh, masyadong sabik sa position ko. " Natawa naman dito ang pinsan.

" Ah kaya naman pala ang pangit ng bungad mo sa akin eh, anyways oo nakausap ko na at napapayag ko nang magpanggap na maging girlfriend mo." Umuwang ang ngiti ni mika pagkat may solusyon na sa problema niya.

" Talaga, pumayag?"

" Oo nga pinsan, pumayag na. So kailan kayo magkikita?"

" Bukas din sabihin mo sa kaniya, at sumama kana rin." Mabilis na tugon ni mika rito.

" Okay sige pinsan, sabihin ko. Kita na lang tayo bukas." Pagkasabi nito ay agad na ibinaba ni mika ang telepono at tila biglang nagbago ang mood nito dahil sa pagngiti.

-----

THE NEXT DAY.

Maagang gumising si aria upang maghanda sa pagkikita nila ng pinsan ni gabby. Hindi nito maintindihan ngayon kung bakit siya parang kinakabahan eh, sanay naman siyang humarap sa mga tao. Before lunch ang usapan nila kaya't nag-asikaso at naligo na siya upang hindi ito ma-late sa pagkikita nila. Inalok ito ni mayi na daraanan na lamang siya sa kanilang tahanan dahil kasama rin naman nila si gabby na makikipagkita sa pinsan nitong si mika ngunit tinanggihan niya ito pagkat out of way ang magkasintahan. Matapos na makapag-make up ng simple lamang ay sandaling tinitigan ni aria ang sarili sa salamin at ng makontento ito sa hitsura at ayos niya ay agad itong umalis. Sa kabilang banda ay maagang nakarating sila mayi at gabby sa mamahaling restaurant na pina-reserve ni mika sa kaniyang secretary. Maya-maya ay dumating na rin si mika na nakasuot ng blacksuit. Kasama nito ang dalawa niyang bodyguard, pati na rin ang kaibigang si joey. Hindi naman nakasama si cley dahil mayroong importante itong meeting na pupuntahan.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon