CHAPTER 47

25.4K 472 311
                                    

FAST FORWARD.

Labing siyam na araw nang hiwalay ang mag-asawang mika at aria ngunit araw-araw pa rin na pinupuntahan ni mika ang asawa sa bahay ng magulang nito, sapagkat umaasa pa rin siyang makakausap ito subalit sa maraming gabi na pumupunta ito roon ay hindi pa rin ito hinaharap ng asawa. Simula nang umalis sa bahay nila mika si aria ay wala na ring humpay ang pag-iinom nito. Araw-araw, gabi-gabi walang tigil, tulog na lamang ang pahinga nito sa pag-iinom at minsan nga'y wala pa. Kaya't lalo niya nang napabayaan ang trabaho bilang ceo ng kompanya, kaya nga lahat ng matataas na leader ng kompanya ay gusto na siyang patalsikin. Kung hindi lamang ito anak ng chairman ng kompanya ay matagal na itong napalitan sa puwesto. Ngayon ring araw lalabas ang desisyon ng board ng kompanya kung mananatili si mika sa kaniyang puwesto o hindi ngunit tila'y wala na itong pakealam. Ngayong araw rin lalabas ang resulta sa DNA ng bata. Dapat noong ipinagbubuntis pa lang ito ni angela ay pina-test na nila ngunit nakiusap ito na pagkalabas na lamang ng bata. Ngunit napaaga ng sampung araw ang panganganak ni angela sa bilang na inaasahan sana nila kaya't paglabas ng bata ay pina-DNA agad ito ng ama ni mika, dahil ang anak nito ay tila wala nang pakealam kung anak niya ba ang bata kay angela o hindi. Tanghali na ngunit natutulog pa rin si mika inumaga na kasi ng uwi ito galing sa party at bar.

" Pinsan gumising kana tanghali na natutulog kapa hays." Bungad ni gabby pagpasok nito sa kuwarto ni mika kasama ang kaibigan na si joey.

" Tol, mika gising na." Pagtapik pa dito ni joey.

" Ano ba?! Natutulog yung tao eh." Iritang tugon ni mika na halatang may hangover pa.

" Tumayo kana diyan pinsan dala ko na yung result sa DNA ng bata."

" Edi mabuti mamaya titingnan ko, matutulog muna ako gabby puwede ba please?

" Pero pinsan hindi kaba excited na makita resulta nito?

" Ano pa ikaka-excite ko gabby? Iniwanan na ako ng asawa ko, tingin mo mababago pa niyan noon? Nailing nalang dito ang pinsan.

" Tol, ngayon rin araw ang labas ng desisyon ng board tungkol sa case mo kung mananatili ka sa position mo hindi."

" Hays! Ano ba ang kukulit niyo wala na akong pakealam dun, sa kanila na yun mga istorbo kayo." Tumayo ito at nag-tungo sa banyo para maghilamos.

Papungas-pungas pa ito suot ang white jagger at black shirt nito at pagkatapos maghilamos ay dumiretso agad ito sa fridge sa loob ng kuwarto at kumuha ng beer, naiiling nalang ang dalawa sa ginagawa ni mika.

" Oh ano ngayon gising na ako, sige buksan niyo na yan." Umupo ito sa sofa at binuksan ang dala nitong beer.

" Ayaw mo ba na ikaw ang magbukas tol?

" Sabi ko nga joey, wala na akong pake, kung anong resulta niyan kaya bahala na kayo.

" Hay sige pinsan ako na lang magbubukas." Presinta ni gabby at hinayaan lang ito ni mika.

Mabilis naman na tinanggal ni gabby sa loob ng envelope ang papel nito at binasa panandalian na tahimik ito at iniabot kay joey ang papel.

" Bakit tol? Binasa rin ni joey ang lamang ng papel at natahimik rin ito sa nabasa.

" Ano? Takang usap ni mika.

" Pinsan 99.9% anak mo ang bata."

Hindi rin naman makapaniwala si mika sa narinig kaya kinuha nito ang papel sa kaibigang si joey, napahinga nalang naman ng malalim si mika sa nabasa nito.

" Anong balak mo niyan tol?

" Hays! Ano pa nga ba joey, edi susuportahan ko ang bata." Tugon ni mika at muling uminom ng beer.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon