CHAPTER 48

26K 482 119
                                    

Simula noong umalis si aria ng bansa ay hindi na tumigil si mika sa gabi-gabing pagpa-party nito. Hindi ito umuuwi hanggat hindi gumagapang sa kalasingan, na kahit ang ama ay tila sumusuko na sa paninermo rito araw-araw. May mga gabi ring napapaaway na ito sa mga club at bar na pinupuntahan dahil na rin sa mabilis na pag-init ng ulo. Tila nawalan na ito ng sariling buhay simula nang umalis ang asawa. Nakadagdag pa sa dinadala nito ang pagkawala ng position sa kompanya. At kapag umuuwi naman ito sa bahay nila ng asawa ay nagmumukmok lamang sa kuwarto at patagong umiiyak dahil hindi pa rin niya matanggap ang mga nangyari sa kanila ng asawa, pakiramdam nito ang lahat ng bagay na mahalaga sa kaniya ay kinuha at walang natira. Katulad na lamang ngayon na kahit hapon na ay lugmok pa rin at nakahilata ang katawan sa kama dahil sa magdamag na pagpa-party.

" Pinsan, gising na! Anong oras na, tulog kapa rin?" Tapik ni gabby sa braso ni mika at tila inis na rito.

" Tol, mika?" Paggising din ni joey sa kaibigan.

" Ano? Nandito na naman kayo? Natutulog ang tao, hindi niyo ba nakikita?!" Mataas na tuno ni mika at napakuyumos ng mukha sa pagkainis.

" Tol, ganito na lang ba ang gagawin mo araw-araw at gabi-gabing mag-iinom? Para ka nang walang sariling buhay niyan, ah?" Halata ang pagkadismaya ni joey sa boses nito.

" Ano ba'ng pakealam niyo? Buhay ko 'to!" Ginugulo nito ang buhok.

" Ayaw naming nakikita kang ganyan mika! Dalawang buwan nang wala si aria sa bansa at lalo ka lang lumalala!" Mataas na rin ang tuno ni gabby.

" Pabayaan niyo nalang ako puwede ba?! Hindi kayo ang kailangan!" Sigaw ni mika na kinairita nang dalawa.

" Iyan ang hirap sa'yo mika, makasarili ka. Sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi mo man lang naiisip sila tita at tito, nahihirapan ngayon dahil sa'yo!" Napahawak noo na saad ni joey.

" Ano'ng alam niyo sa nararamdaman ko ngayon ha?! Anong alam niyo?! Wala kayong alam!" Sigaw muli nito na kinadikit ng panga ni gabby.

" Sa ayaw mo at sa gusto mika, tatayo ka diyan! Maliligo ka at aayusin ang sarili mo!" Hinawakan ni gabby ang kuwelyo ng polo ni mika para patayuin ito mula sa higaan.

" Ano ba! Hindi niyo ako maiintindihan kasi hindi kayo ang nawalan, hindi kayo ang iniwanan ng asawa! Ako! Ako!" Pilit na pagtanggal ni mika sa kamay ni gabby sa polo niya.

Sa galit naman ni gabby ay hindi na ito nakapagpigil ng sarili kaya't nasuntok niya ang pinsan sa mukha na siya nitong bahagyang kinatumba sa kama.

" Masakit ba, mika? Sige tumayo ka! Gumanti ka! Ilabas mo 'yang mabigat diyan sa dibdib mo ngayon!" Sigaw ni gabby ngunit natahimik lamang ang pinsan nito sa narinig.

" Gabby!" Pag-awat ni joey pagkat muli pa sana nitong hahawakan si mika sa kuwelyo nito.

" Tangina, mika! Alam ko ang pakiramdam ng mawalan! Alam ko, kung ano ang pakiramdam mo ngayon! Alam kong masakit, kasi hanggang ngayon nandiyan pa rin ako! Pero kailangan nating gumising at maging manhid sa araw-araw at magpatuloy na hindi na ngayon natin sila kasama. Naiintindihan mo ba ako?!" Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni gabby sa pisngi nito. Lalo namang napayuko si mika. - " Masakit, alam ko 'yon pero kailangan nating tanggapin na hindi porket mahal nila tayo mananatili sila sa tabi natin. Mayro'ng hangganan ang tao, mika. At kailangan nating harapin ang kapalit ng mga maling desisyon natin sa buhay." Pinahid ni gabby ang mga luhang tumulo sa pisngi nito at napaupo sa kama.

" Ayaw lang namin tol, na tuluyan kang lamunin ng galit at lungkot diyan sa puso mo, kasi mahal ka namin." Napaluha na rin si joey pagkat hindi ito ang kilala niyang mika.

" Kung gusto mong magpakalunod sa alak at magpakalugmok sa lungkot na nararamdaman mo ngayon. Sige, hahayaan kana namin at kung sa tingin mo diyan ka sumasaya. Sige, bahala kana, mika!" Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama at lumabas ng kuwarto. - " Tara, joey! Hindi na tayo kailangan ng taong 'yan!" Sigaw ni gabby sa labas ng kuwarto ni mika.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon