Hapon pagkatapos ng duty ni aria, naghanda at nagbihis na ito dahil sinabi ni mika sa kaniya na susunduin siya nito. Gusto kasi ng daddy at lolo ni mika na isama siya sa birthday party ng daddy ni joey, Blue fitted dress naman ang napiling suotin ng dalaga para sa okasyon.
" Oh aria, sasabay kaba sa akin ngayon?
" Hindi steph susunduin kasi ako ni mika birthday daw ng daddy ni joey, gusto ng daddy at lolo niya na isama ako."
" Naku, mamimeet mo pala ang mga maimpluwensiyang tao rito sa atin eh. "
" Oo nga kaya medyo kinakabahan ako, sanay naman ako humarap sa tao pero hindi naman sa ganito ano, tapos party pa hays. "
" Masanay kana aria dahil hanggat girlfriend ka ni mika palagi mo ng makakasalamuha yung mga maiimpluwensiyang tao na yan."
" Fake girlfriend po!
" Whatever ganun rin yun aria yun ang alam ng mga tao pero kumusta naman kayo ni mika?
" Ewan ko hindi kami magkasundo eh, ang sama ng ugali kung maka-utos sa akin ganun nalang hays, kung makapagsalita pa ang sakit palibhasa anak mayaman, binili niya nga yung bar na pinagtatrabahuan ko tapos pinatigil niya na ako magtrabaho dun, Hanggat daw binabayaran niya ako bilang girlfriend niya hindi na ako puwede tumanggap ng ibang trabaho maliban dito sa bangko hays! Nakakainis na siya."
" Binili niya yung bar? Yung lumang bar na yun ay wow jowa lang? Binabakuran kana teh. "
" Oo kaya sobrang naiinis ako sa kaniya tapos tuwing magkikita kami nag-aaway lang kami."
" Ay wow magjowa lang talaga? Hindi pa nga kayo sa totoong buhay LQ agad?
" At never na magiging kami steph!
" Sus hindi ka sure teh!
" Ewan ko sayo Stephanie! sige na, labas na ako, dun ko nalang siya hintayin bye!
" Bye, aria!
---
Habang naghihintay sa labas ng bangko sa pagdating ni mika ay may bumati naman sa dalaga mula sa likuran nito.
" Aria?"
" Oh, achilles? Pauwi kana?
Si achilles ay katrabaho rin ni aria sa bangko ngunit may mas mataas na position ito at matagal ng nanliligaw sa dalaga.
" Oo pauwi na rin, gusto mo sumabay kana sa akin aria?
" Naku hindi na may hinihintay rin kasi ako eh."
" Hmm okay sige aria, next time nalang?
" Oo next time nalang."
" Ahm aria, baka naman puwede ka mayaya ng lunch or dinner next time matagal na kasi ako nagyayaya pero lagi mo akong tinatanggihan eh."
" Hindi naman sa tinatanggihan kita achilles sobrang busy lang talaga ako sa trabaho eh.
" Okay sige pero siguro naman aria hindi mo ako iniiwasan diba? Alam mo yun matagal na rin akong nanliligaw sayo pero hindi mo pa rin ako sinasagot.
" Pero achilles, alam mo naman kung ano ang priority ko sa ngayon diba?
" Alam ko pero gusto kong malaman mo na hindi pa rin ako titigil sa panliligaw sayo aria, gusto kita, gustong gusto talaga kita at handa ako maghintay para sayo.
Lingid naman sa kaalaman ng dalawa ay may mga mata nang nakatingin sa kanila.
Nang dumating si mika sakay ng kotse nito at maipark sa harap ng bangko ay nakita niya na may kausap na lalake ang dalaga at hindi nga nito nagustuhan ang nakita.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...