CHAPTER 2

58.7K 923 311
                                    

" Linda, hindi pa ba bumababa si mika?" Tanong ni Mr, Alfred lim sa kanilang mayordoma pagkaupo nito sa hapagkainan.

" Uhm hindi pa po sir eh."

" Hmm sige, tawagin niyo na siya at para makapag-breakfast na, sabihan niyo rin na kanina pa nandito ang lolo niya at hinihintay siya." Sandali pa itong tumingin sa ama na tahimik lamang at tila naiinip na.

" Opo sir."

" Sarah, pakitawag na si master sa kuwarto niya." Baling na utos agad ni linda sa isang kasambahay.

" Sige po. " Agad na tumalikod si sarah upang puntahan ang amo sa kuwarto nito.

Bukod sa mayordoma ng masyon ay si sarah lamang ang may lakas ng loob na kausapin at katukin ang kuwarto ng batang amo sapagkat kilala nga itong tahimik at hindi masalita sa mga tauhan.

" Master, master?" Katok ni sarah sa labas ng kuwarto, pinagbuksan naman siya agad nito at bumungad sa kaniya ang mukha ng amo na wala masyadong ekspresyon. Bahagya naman siyang kinabahan sa malalim nitong tingin.

" Master, kanina pa po kayo hinihintay ng daddy at lolo niyo sa baba." Tumango lang naman ito bilang tugo sa kasambahay at tumalikod agad dito.

" Hmm magandang gwapo sana 'tong si master kaso ang sungit eh."

---

MIKA

" Oh, apo sa wakas bumaba kana rin, kanina pa akong naghihintay sa'yo rito." Nang makita ako ni lolo sa bungad ng pintuan ng dining area.

" I'm sorry po, lolo." Yukong tugon ko na lang dito at nagmano sa likod ng palad nito.

" Saan kaba galing mika kagabi at ginabi kana naman ng uwi? At may kotse ka naman pero bakit motor ang palaging ginagamit mo? Alam mong delikado sa'yo na umalis ng ikaw lang mag-isa diba?" Hindi pa nga ako nakakaupo at heto na naman ang sermon ng ama ko.

" Pero dad, nakasunod naman sa'kin ang mga bodyguard ko kahit nakamotor ako eh at isa pa kaya ko naman ang sarili ko at siguro naman dad, puwede akong magsaya kahit isang beses lang sa isang linggo diba?" Bata pa lang ako tinuruan na ako ng iba't-ibang klaseng martial arts kahit hindi ko maintindihan para saan ito at hindi ko naman gusto pero mabuti na rin pala dahil nagagamit ko 'to ngayon.

" Oo nga naman tito, tama si pinsan!" Biglang sabat ni gabby na kararating lang. Nandito na naman siya hay!

Si gabby nga pala pinsan ko sa side ni mommy astigin rin gaya ko. Close kami, siguro kasi iisa lang ang takbo ng utak namin at nagkakasundo, dahil na rin sa magkasama na kami simula pagkabata. Wala rin kasi akong pinsan sa side ni daddy, dahil nag-iisa lang rin siyang anak na gaya ko. Kaya kahit bata pa lang tinuturuan na akong magpatakbo ng kompanya namin dahil walang ibang magmamana nito kung hindi ako.

" Hmm sigurado nambabae na naman yan tito, kagabi." Pang-aasar ni gabby sa akin. Napailing naman ng ulo pareho si daddy at lolo sa sumbong ng magaling kong pinsan tsk!

" Wow! parang hindi kita kasama kagabi ah?!" Mabilis na depensa ko.

" Oo magkasama tayo pinsan pero hindi ako nambabae ikaw lang ano, may girlfriend kaya ako." Naupo ito sa tabi ni mommy.

" Oh edi ikaw na loyal!"

" Oo, loyal naman talaga ako, pogi pa!" Ang lakas din ng hangin sa katawan ng pinsan kong 'to, eh.

" Sabihin mo, takot ka lang talaga kay mayi."

" Mahal ko lang talaga!" Depensa rin nito sa pang-aasar ko.

" Oh edi ikaw na si lover boi!" Naiiling naman itong natawa sa akin.

" Pinsan, makakahanap ka rin ng katapat mo. At doon mo lang ako maiintindihan, at sigurado akong magiging ganito ka rin katulad ko. " Tila kumpiyansa nitong saad na sarkastiko kong tinawanan. Hindi ako gagaya sa kaniya na hindi pa sila kasal ni mayi pero under na siya.

" Never!"

" Sabi mo lang 'yan pinsan!" Giit pa rin nito sa'kin.

" Oh tama na nga kayong dalawa diyan. Kumain na lang muna tayo." Saway sa'min ni mommy.

" Apo, mika?" Pagbaling ni lolo sa akin na may seryosong mukha.

" Po?" Tugon ko rito at ewan ba, bigla akong kinabahan.

" Kailan kaba talaga magseseryoso sa babae? Aba mika, tumatanda na ako, kailan kaba magpapakilala sa akin ng girlfriend mo?" Napalunok ako sa huling narinig ko.

" Lolo, I'm only 25 at nag-e-enjoy pa ako sa buhay ko ngayon. Masyadong maaga pa para sa ganiyang mga bagay." Sabay iwas ko nang tingin at sumubo ng pagkain.

" Hmm kaysa naman kung sino-sinong mga babae na lang ang nakakasama mo, apo." Nanatili akong tahimik sa narinig ko, kahit na totoo ang sinabi ni lolo maingat naman ako pagdating sa mga babae.

" Tama ang lolo mo, anak." Napabaling ako ng tingin kay daddy. Nagkampihan pa nga sila hays! Habang tahimik lang si mommy sa upuan niya, pagdating kasi sa mga ganitong usapan hinahayaan niya lang si daddy at lolo pero alam kong sang-ayon din siya sa kanila.

" Wala pa sa isip ko ang magseryoso sa ngayon dad, masyado na akong seryoso sa trabaho. Ayoko nang dagdagan muna 'yon." Hindi ko talaga gusto ang mga ganitong usapan.

" Ah, basta mika, kailangang may maipakilala ka sa akin na girlfriend mo! Isang linggo lang ang ibibigay ko sa'yong panahon para may maiharap ka sa akin, 'yan eh, kung ayaw mong mawalan ng puwesto sa kompanyang siniseryoso mo kamo. Naiintindihan mo ba?

" What?! Lolo, huwag namang ganun!" Reklamo ko at napatayo sa kinauupuan ko.

" Narinig mo ako, mika lim." Madiin na salita ni lolo at sumandal sa upuan niya kaya't alam ko nang seryoso na ito.

" Patay kang bata ka!" Pang-aasar pa ni gabby ngunit inirapan ko lamang ito.

" Sige po lolo, alis na ho ako." Wala na akong ganang ituloy ang breakfast namin, dahil sa inis sa pamimilit nila sa'kin. Napailing na lamang ang mga ito sa akin sa pag-alis ko sa hapagkainan.

" Ako din po, aalis na. " Paalam rin ni gabby at humabol sa'kin palabas ng mansion. Sabay kaming sumakay sa kaniya-kaniya naming kotse.

Ako si mika lim, anak at apo ng mag-amang lim na business tycoon dito sa bansa at nag-iisang tagapagmana ng lim corporation. Ako rin ang tumatayong CEO ng kompanya. At sa edad na 23, ako na ang nagpapalakad nito. Kaya't siguro ganoon na lang ang pamimilit at kagustuhan nila sa akin na magka-girlfriend. May isang bagay ang hindi niyo pa nalalaman tungkol sa akin. Hindi ako normal gaya ng iba. Hindi dahil sa anak mayaman ako, kung hindi sa rare condition ko. Isa akong ( intersex ) meaning may kasarian ako ng lalake at katawan naman ng babae. Rare lang din na mayroong chance na magkaanak at makabuo ng anak ang gaya ko, pero sa rare na 'yon, isa ako sa kanila. Kaya kahit paano mayroong magmamana ng negosyo namin kasunod ko. At kahit na kakaiba ako sa ibang bata noon. Lumaki naman akong parang normal na rin gaya ng iba, dahil na rin siguro sa anak mayaman ako.

---

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon