Pinasundo nang maaga ni mika si aria kay danny dahil nagkayayaan ang mga magkakaibigan na magbakasyon muna. Tutal isang linggo na rin namang tapos ang operation ng papa ni aria kaya sumama na rin ang dalaga. Sa airport na lang din napagpasyahan ng magkakaibigan na magkita-kita. Habang si mika ay nauna nang umalis dahil naka-private plane naman ito. Napagpasyahan din nilang dalawa na huwag nang magsabay sa pakiusap ni aria kay mika na hindi muna sabihin sa mga kaibigan ang tungkol sa kanilang dalawa at pinagbigyan naman siya nito bagamat hindi sang-ayon. Sa El nido palawan ang napili nilang lugar na puntahan pagkat dalawang araw lamang ang kanilang bakasyon. Pagdating ni aria sa airport ay nandoon na ang magkaibigang si joey at cley. Ilang minuto lamang ay dumating na rin sila steph at audrey, agad naman itong ipinakilala ni aria sa dalawang makukulit na sina joey at cley. Huling dumating ang magkasintahang mayi at gabby. Sandali lamang ang itinagal nila sa airport at nakasakay agad sila ng eroplano. Nagkataong namang magkatabi ng upuan sina aria at cley.
" Mabuti na lang wala ang isa rito. " Bulong ni gabby sa nobya.
" Huh? Sinong isa, babe?" Takang tanong ni mayi.
" Sino pa nga ba, baby? Edi si pinsan."
" Oh, bakit naman?"
" Alam naman nating may gusto si mika kay aria, diba? Tapos makikita niya ang dalawang magkatabi ngayon." Bulong muli nito sa nobya habang nakatingin sa kabilang helera ng upuan.
" Hmm sabagay, pero parang may something."
" Anong something?" Si gabby naman ang nagtaka sa narinig sa nobya.
" Hindi ko rin alam, eh. Ramdam ko lang, basta!" Tugon ni mayi na hindi maintindihan kung saan nanggaling ang sinabi.
Lagpas isang oras ang kanilang ibiniyahe bago silang nakarating sa palawan. Ipinasundo naman sila ni mika dahil nauna itong dumating sa hotel. Pagdating sa hotel ay mayroong napansin agad si mayi sa kaibigang si aria at mika. Palihim kasing tinititigan ni mika ang matalik niyang kaibigang si aria na halatang iwas lamang ang tingin dito kaya nang magbubunutan na sana sila kung sino-sino ang magkakasama sa kuwarto ay mayroong naisip na itong hindi kasama sa plano noong una.
" Basta ako si aria, ang kasama ko sa kuwarto, ah?" Agad napabaling ang tingin ni gabby sa nobya sa narinig.
" Babe? Ang daya naman, napag-usapan natin kanina lang na magbubunutan na lang tayo, tapos ngayon si aria pala ang gusto mong makasama sa kuwarto. Akala ko pa naman maso-solo na kita hays!" Dismayadong saad nito na kinatawa ng mga kaibigan.
" Matagal na kasi kaming walang bonding diba, aria?" Baling ni mayi sa kaibigan at tumango naman ito sa kaniya bilang pagsang-ayon.
" Eh, kung ganun hmm kami na ni cley, ang magkasama sa kuwarto. Hay! Kami na naman ang magkasama. Nagsasawa na ako sa mukha niya. " Naiiling na sabat ni joey.
" Arte mo! Wala ka namang choice. Alangang si audrey o steph ang maging ka roommate mo, ano?!" Angil ni cley rito.
" Puwede rin naman cley, ah?"
" Ang tanong gusto ba nila ha, joey?" Asar ni gabby na dismayado pa rin ang mukha.
" Oo nga, lalandi ka lang, eh." Gatong pa ni cley.
" Pake mo ba? Edi lumandi ka rin, cley! Asar din na bawi ni joey pero inirapan lang siya nito.
Sa asaran ng mga kaibigan ay tahimik si aria sa isang tabi at nag-oobserba lamang sa kanila na palihim na tinititigan pa rin ni mika.
" Tama na nga kayong dalawa. So, kami na ni steph ang magka-roommate." Awat ni audrey at tumabi sa nasabing kaibigan.
" Hmm wala na tayong choice pinsan. Tayo talaga ang roommate ngayon hays!" Naiiling na ulo at ngumiti lang dito si mika.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...