CHAPTER 17

38.4K 934 168
                                    

Pagdating nila sa hacienda at pagkaparada ng kotse ay agad na bumaba rito si mika para pagbuksan ng pintuan si aria.

" Aria?" Abot niya rito ng kanang kamay ngunit hindi siya nito pinansin at tahimik na bumaba lamang ng kotse. - " Hays! Okay, rejected!" Bulong niya sa huli.

" Oh, apo? Bakit ngayon lang kayo ni aria?" Salubong sa kanila ng matandang lim.

" Uhm heavy traffic po lolo, pasensiya na po." Kinuha ni mika ang kamay nito at nagmano.

" Hmm okay, but you look good apo ah, si aria ba ang dahilan?" Ngiting baling ng matanda sa babaeng kasama ni mika na ikinangiti nito.

" Wala naman pong ibang puwedeng maging dahilan lolo, eh." Tugon ni mika rito at binalingan ng ngiti si aria ngunit umiwas naman ito ng tingin sa kaniya.

" Kumusta po kayo Mr. Lim?" Magalang na pagbati ni aria at kinuha ang kamay ng matanda at nagmano rin.

" Huwag nang Mr. Lim, aria. Lolo nalang, pasasaan ba at sa kasalan din ang punta niyo ni mika." Napalunok si aria sa huling narinig at napabaling ng tingin kay mika. Maloko naman siya nitong nginitian kaya't agad niyang ibinaling ang mata sa matanda.

" Sige po, lolo." Ngiting tugon na lamang niya.

" Lolo, matagal pa ang kasal, bago lang po kami ni aria." Napahingang malalim si aria sa sinabi ni mika dahil tila sinagip siya nito sa matanda.

" Nasa inyo 'yan apo, pero sana'y bilis-bilisan niyo dahil tumatanda na ako, baka hindi ko na maabutan ang apo ko sa'yo." Nailing ng ulo at hinagod nalang ni mika ang balikat ng matanda. - " Ikaw aria, kumusta ka? Hindi naman ba sumasakit ang ulo mo sa apo ko?" Kumunot ang noo ni mika sa narinig.

" Lolo?" Saway niya rito.

" Madalas nga po lolo, napakamainitin kasi ang ulo, eh." Sumbong ni aria na lalong nagpakunot ng noo ni mika.

" Pagpasensiyahan mo na ang apo ko, sana'y habaan mo pa ang pisi mo sa kaniya, iha?" Marahan na tinapik ng matanda ang balikat ni aria na nagpangiti rito. Napapakamot na lamang ng ulo sa isang tabi si mika.

" Opo, lolo."

Sa gitna ng kanilang pag-uusap at maiksing kumustahan ay mayroong kumuha ng atensyon nila.

" Oh, ceo, nandito ka rin pala?" Nagdikit ang panga ni mika sa presensiya ng lalake.

" Ano'ng ginagawa mo rito, chico?"

" Dinalaw ko lang ang lolo mo, mika." Mayroong yabang sa boses nito at ang mga mata ay nasa babaeng katabi ni mika.

" May pinag-usapan lang kami tungkol sa negosyo, apo." Sabat ng matanda ngunit nanatiling nakatitig lang si mika sa lalakeng nasa kaniyang harapan.

" Hmm sino naman ang magandang dilag na 'to?" Hindi na ito nakatiis na hindi pansinin ang magandang babaeng tahimik lamang na nakikinig sa kanila. Ikinataas naman ng kilay ni mika ang narinig.

" Ah, chico, si aria ang girlfriend ni mika." Ang matanda na ang nagpakilala rito pagkat ang apo ay abala pa rin sa pagtitig ng matiim sa lalake.

" Hindi mo naman sinabi mika na napakaganda pala ng girlfriend mo. Hi aria, I'm chico nice to meet you." Marahan na kinuha ni chico ang kamay ng dalaga at hinalikan ang likuran ng palad nito. Nagulat man si aria sa ginawa ng lalake subalit wala na itong nagawa.

Sa ginawa ni chico ay nagbanggaan ang mga panga ni mika at lalong kumulo ang dugo nito sa lalake. Napansin naman ni aria ang naging reaksyon niya kaya't marahan nitong kinuha ang kaniyang kamay at inilapat ang kanilang mga palad sa isa't-isa para pakalmahin siya.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon