CHAPTER 29 ⚠️🔞

89.4K 883 1.3K
                                    

THE NEXT DAY.

Sa labas ng bangko pagkatapos ang duty ni aria habang nag-aabang na ito, ng masasakyan niya nagtaka ito sa itim na van na tumigil sa harap niya, ngunit nagulat ito nang meron lumabas na dalawang lalaki at pilit siyang binuhat, pasakay sa loob ng van.

" Teka, bitawan niyo nga ako sino ba kayo? Rinig sa boses ni aria ang takot nito.

" Mam, sumusunod lamang kami sa utos samin hindi po kayo masasaktan kung mananatiling tahimik kayo. " Tugon ng isang lalaki sa kaniya.

" Kung pera ang habol niyo sa akin, wala kayong makukuha, dahil wala akong pera ano mahirap pa ako sa daga."

" Komedyante rin pala 'tong si mam eh, ano?" Natatawang usap ng isang lalaki.

" Pa- Pakawalan niyo na ako please parang awa niyo na! Parang maiiyak na si aria dahil sa takot.

" Hayss takpan niyo na nga lang muna ang bibig at ulo niyan nang manahimik." Sabat ng lalaking nasa driver seat.

Pagkaraan ng halos dalawang oras na biyahe, ay tumigil na rin ang van sa kung saan.

" Nandito na po tayo mam."

" O' tanggalin niyo, na ang piring at nakatakip sa bibig ni mam baka mayari pa tayo."

Hindi pa rin mawala ang takot ni aria, hanggang ngayon kung saan siya dinala ng mga lalaki.

" Dala niyo naba si mam aria?? Tanong ng lalaki sa labas ng van, at parang pamilyar naman yung boses nito kay aria.

" Oo kasama na namin. "

Pag- bukas ng van at nagulat naman ang dalaga sa lalaking bumungad sa kaniya.

" Danny, anong ginagawa mo dito?

" Pasensya na po mam napag-utusan lang, uhm nasaktan po ba kayo? Umiling lang si aria bilang tugon.

" Halina po kayo mam aria." Inalalayan pa ito ni danny sa pagbaba ng kotse, habang si aria, ay nagtataka pa rin kung nasaan siya ngayon.

Pagkababa ni aria sa van ay agad na bumangad sa kaniya ang isang modernong mansyon at ang napakaliwanag na mga ilaw sa buong paligid nito at na pansin rin niya ang mga lalaking naka Amerikana. Naalala naman ni aria ang tatlong bodyguard ni mika ngunit ang mga nakikita niya ngayon ay sobra pa sa sampu.

 Naalala naman ni aria ang tatlong bodyguard ni mika ngunit ang mga nakikita niya ngayon ay sobra pa sa sampu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Papasok sa mansyon isa-isa namang binabati si aria ng mga lalakeng naka- Amerikana.

" Magandang gabi seniorita."

" Magandang gabi rin po." Pagtugon ni aria, dito kahit nagtataka pa rin ito hanggang ngayon.

Sa pintuan ng mansyon ay may tatlong katulong na sumalubong sa kanila ni danny.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon