CHAPTER 11

39.4K 815 87
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas nang maipakilala ni mika si aria sa kaniyang magulang at lolo nito ay hindi pa rin sila ulit nagkikita. Naging usap-usapan naman sa buong kumpanya nila ang pagpapakilala nito kay aria bilang nobya sa kaniyang pamilya.

" Balita ko ang ganda raw ng girlfriend ni ceo, ah? Artistahin daw."

" Oo nga, ipinakilala na nga raw ni ceo sa lolo niya, eh."

" Oh, talaga? Ang swerte naman nang babaeng 'yon, tapos tayo ang tagal-tagal na natin dito hindi man lang tayo mapansin, hays!"

" Artistahin eh, malamang mapapansin talaga siya. Hindi naman tayo artistahin at lalong-lalong hindi kagandahan." Natatawang saad ng isa.

" Naku, hmm baka isa lang din 'yan sa mga magiging collection niya at lolokohin, katulad ng mga naging babae dati ni ceo. "

" Oo nga ano? Pero ang swerte niya pa rin, sobrang yaman kaya ni ceo ang pogi pa!"

" Mayamang poging babaero!" Sabay na sambit ng apat na babae at nagtawanan sa loob ng banyo.

" Kaya good luck na lang kay girl kung matatagalan niya at magtatagal sila ni master. " Muling nagtawanan ang mga ito.

" Halina nga kayo at magtrabaho, malapit nang matapos ang break natin."

Hindi na bago sa mga empleyado ng kumpanya nila mika, lalo na ang mga babae rito. Ang iba't-ibang babaeng nakakasama at nakaka-date niya ngunit ngayon lamang mayroon siyang ipinakilala sa pamilya at ipinaalam pa ito sa lahat.

———

Maaga pa lamang ay ipinatawag na si danny ni mika para kumustahin sa trabahong ipinapagawa rito.

" Master. " Yukong bati nito pagpasok sa loob ng opisina at harap sa amo.

" Danny, kumusta?" Alam na agad ni danny ang pakay ni mika sa kaniya.

" Master, nalaman kong nagtatrabaho si ma'am aria sa umaga sa bangko bilang bank teller, pagdating naman ng gabi tuwing Mon, Wed, Fri ay pumapasok siya sa bar simula 9pm to 1am at minsan ay pumapasok din siya ro'n kahit sunday. Tumatanggap din siya ng trabaho paminsan sa pagmomodelo.

" Bakit parang ang dami naman niya yatang trabaho, danny?" Kunot noo na tanong ni mika dahil sa pagtataka.

" Sa pagtatanong ko master, nalaman ko pong may sakit sa puso si Mr. Arceta at labas pasok na sa hospital. At kailan lang ay na-hospital ulit. Nalaman ko rin na kailangan 'tong maoperahan sa puso."

" Sige, salamat danny. Makakaalis kana, pero bantayan niyo pa rin si aria, okay?" 

" Yes, master! Mauna na po ako. " Yukong paalam ng bodyguard bago lumabas ng kuwarto.

Ngayon ay malinaw na kay mika kung bakit naroon si aria sa bar, noong gabing sinundan niya ito. At kaya rin tinanggap nang babae ang pagpapanggap na maging girlfriend niya ay dahil nangangailangan ito ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng ama.

—————

TIME SKIP.

Nagkayayaan ang magkakaibigan na uminom pagdating ng gabi dahil matagal-tagal na rin ang mga ito na hindi lumalabas. Naunang dumating sa bar sila cley, joey at mika huli naman dumating si gabby.

" Huy, bakit ngayon ka lang gabby?" Bungad ni cley rito. Umupo naman agad ang kaibigan sa mahabang sofa katabi ni joey. Sa kabilang sofa naman ay sila mika na katapat niya at si cley na katabi nito.

" Nagpaalam pa ako kay mayi eh, ayaw nga akong payagan, nagsabi lang akong hindi magpapaumaga kaya pumayag na rin." Agad din itong kumuha ng maiinom na beer. Ang pinsang si mika sa isang tabi ay tahimik lamang nakikinig sa kanila.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon