Flashback :
" Nag-iisa ka yata, mika?" Tanong ng babaeng morena sa likuran niya kaya't napalingon dito.
" Angela. " Tugon ni mika at muling uminom ng whisky.
" Gusto mo ba ng makakausap?" Maarteng tanong ng babae muli sa kaniya habang gumagala ang kamay nito sa leeg at balikat niya.
" Gusto ko mapag-isa, angela." Kunot ang noo nitong itinuon ang atensyon sa pag-inom.
" Hmm mukhang hindi maganda ang gabi natin ngayon ah? Nag-away ba kayo ng asawa mo?" Lalong kumunot ang noo ni mika sa tanong sa kaniya habang patuloy pa ring gumagala ang kamay nito sa leeg at balikat niya na kaniyang pilit iniiwasan.
" Wala ka nang pakaealam do'n angela! Please, lubayan mo ako!" Mataas na tunong pakiusap ni mika.
" Woah! Kalma mika, hindi mo ako kaaway. Magkaibigan tayo rito. " Umakbay ito sa kaniya na muling niyang iniwasan.
" Angela, please gusto kong mapag-isa puwede ba?!" Mas mataas na ang boses niya ngayon dito at muling uminom ng whisky at tumayo.
" Saan ka pupunta, mika?" Habol ni angela.
" Ano ba'ng kailangan mo sa'kin, angela? Gusto kong mapag-isa. Mahirap bang intindihin 'yon?! Bulyaw ni mika ni mika rito habang palabas sila ng bar.
" Ang sungit mo naman, mika." Habol pa rin nito sa kaniya at tinitigan niya ito ng matalim. Halata na sa mga mata at boses niya ang apekto ng alak.
" Tsk! Angela! Ano ba'ng gusto mo sa'kin? Ito ba?! Ito ba?! Sige, ibibigay ko na sa'yo!" Sinunggaban ni mika ng halik sa labi ang babae na agad nitong sinagot kaya't mabilis siyang pumiglas at bumitaw sa kanilang mga labi.
" Baliw kana talaga, angela!" Naiiling na ulo niyang saad nalang at akmang tatalikod na sana ngunit bigla itong nakaramdam ng pagkahilo at pagkalabo ng mata. Maya-maya ay nawalan na ito ng malay at napasandal sa babaeng morena.
Papungas-pungas pa si mika at pilit na ibinubuka ang mga mata habang nakadapa ito sa kama. Maya-maya ay bahagya itong napabalikwas at upo sa kama nang mapagtantong wala siya sa kuwarto nila ng asawa.
" Good morning!" Nakangiting bati ni angela sa kaniya na ngayon ay kampanteng nakaupo sa may sofa at tila masayang pinagmamasdan siya.
" Paano ako nakarating dito?" Pagtatakang tanong niya nang makita si angela at ito ang kasama sa kuwarto at hindi ang asawang si aria.
Litong-lito si mika kung bakit niya ang babae at kung ano ang nangyari noong gabi.
" Hindi mo ba naaalala?" Pilyang ngiti nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...