Ikaapat na buwan at labing dalawang araw nang nagbubuntis si aria tinanggap na rin nito ang bagong position sa bangko bilang branch manager kaya mas lalong naging busy ito sa trabaho. Nahahalata na rin ang paglaki ng tiyan nito kaya mas dinudoble ni aria ang pagiingat sa sarili.
" Good morning baby." Bati ni mika mula sa likod nito at niyakap sa baywang ang asawa habang nagluluto ito ng breakfast nila.
" Good morning love." Malambing na sagot ni aria at hinalikan ang pisngi ng asawa habang nakayakap ito sa kaniya at nakasubsob ang chin sa balikat.
" Kumusta naman ang junior namin diyan sa tiyan ni mommy? Sambit ni mika habang hinahawakan ang tiyan ng asawa.
Hindi pa rin kasi alam ng mag-asawa ang gender ng magiging anak nila sapagkat gusto ng dalawa na malaman ito sa ika-limang buwan ng pagbubuntis ni aria.
" Sigurado ako babae 'to love."
" Hmm sabagay sabi nila kapag blooming ang mommy habang nagbubuntis eh babae raw yun. " Sagot naman ni mika sa asawa.
" Ganun ba yun pero ang pangit pangit ko na nga love oh." Sagot ni aria habang nakapout ang labi nito.
" Ah alam mo'ng hindi yun totoo baby ang sexy mo pa rin kaya, kahit medyo lumalaki na yang tiyan mo. " Dagdag ni mika at lalo pang isiniksik ang ulo nito sa leeg ng asawa.
" Talaga lang love ha agh--- panandalian napatigil si aria dahil sa naramdaman nitong kirot mula sa tiyan niya.
" Oh okay ka lang love? Pagaalalang tanong ni mika sa asawa.
" Oo okay lang ako love." Sagot ni aria sa asawa habang hawak nito ang kaniyang tiyan.
" Sigurado ka? Umupo ka muna kay sarah ko na yan ipapagawa. "
" Opo okay lang ako love. " Sagot ni aria at hinawakan ang mukha ng asawa.
" Huwag kana muna kayang pumasok love? Punta tayo hospital kasi napapadalas na yan eh."
" Love diba kakagaling lang rin natin last week sa doctor at ang sabi natural lang naman yung nararamdaman ko? Tsaka marami akong trabahong tatapusin bago ako mag-leave eh. "
" Okay sige susunduin nalang kita mamayang gabi pagkatapos ng trabaho mo. " Nakangiting sabi ni mika sa asawa ngunit hindi pa rin maalis sa mukha nito ang pagaalala.
" Oh bakit ganyan pa rin yung mukha mo? Okay lang po ako. " Malambing na sabi ni aria sa asawa at hinalikan ang labi nito.
" Hays! Okay I love you baby. " Sambit ni mika at muling hinalikan ang asawa sa labi.
" I love you too." Nakangiting sagot ni aria.
-----
Sa opisina ni mika habang abala ito sa kaniyang trabaho ay dumating naman ang dalawang kaibigan nitong sila joey at cley.
" Seryosong seryoso na tayo sa buhay may asawa tol ah." Bungad ni joey pagpasok nito sa opisina ni mika.
" Oh ano na naman ginagawa niyo dito?
" Dinadalaw ka lang namin tol ang tagal na natin hindi nakakapag-bonding baka naman puwede ka ng mayaya mamaya? Sabat ni cley.
" Hindi ako puwede susunduin ko, asawa ko mamaya." Seryosong sagot nito.
" Ano ba yan tol ang hirap mo ng yayain ngayon. " Sabat uli ni joey.
" Intindihin nalang natin tol kaibigan lang naman tayo asawa niya yun." Biro naman ni cley.
" Tigilan niyo ako sa drama niyong dalawa tsaka kailangan kong sunduin si aria mamaya at masama pakiramdam nun bago pumasok kanina sa trabaho, hindi na nga maalis yung pagaalala ko sa mag-ina ko eh."
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...