CHAPTER 49

31.5K 487 646
                                    

3 YEARS LATER.

" Oh, mika, you look good ah?" Masayang bungad nito pagpasok sa clinic at makita ang dating pasyente.

" Thank you, doc." Ngiting tugon nito na ngayon ay nakaupo sa gilid ng mesa ng doctor at tumayo para makipagkamay rito.

" Kahit tapos na ang rehab mo pumupunta kapa rin dito, mabuti rin 'yon at nakikita kong okay kana talaga." Tapik naman nito sa kaniyang balikat.

" Gusto ko lang din talagang magpasalamat sa'yo doc, sa mga tulong mo sa akin." Masasabing malaki ang utang na loob ni mika sa matandang babaeng doctor dahil ito ang tumutok sa kaniya noong kasagsagan ng kaniyang problema.

" Ano kaba, tungkulin ko 'yon bilang doctor. Hindi mo kailangang magsalamat, mika. "Ngiti ng doctor na tila nahihiya sa kaniya.

" I know, pero thank you pa rin- uhm paano doc, dumaan lang talaga ako sandali rito para kumustahin kayo. Alis na muna ako may pupuntahan pa kasi ako, eh." Tumingin pa ito sa suot na relo upang sumipat ng oras.

" Okay sige, mag-iingat ka, ha?" Tinapik muli ng doctor ang kanang balikat niya at nakipagkamay.

" Thank you, doc. "

Dumaan si mika sa matinding therapy at rehab dahil sa problema nito pagdating sa pagiging mainitin ang ulo at hindi mapigilang galit na maaaring magresulta sa pananakit kaya upang maagapan ito kinailangan niyang humingi ng tulong sa espesyalista. Nag-iba na ang buhay nito ngayon, wala na ang mga bodyguard nito na laging sumusunod dito noon. Hiniling niya ito sa kaniyang ama dahil hindi na rin naman siya ang CEO ng kompanya ngayon at gusto niyang maranasan naman ang maging ordinaryong tao lamang kaya't kahit hindi sang-ayon ang ama ay pumayag na rin sa gusto ng anak. Wala na rin ang mga night life nito pati ang pag-iinom ng alak at paninigarilyo ay itinigil na rin at naging clean leaving na lamang. Malaki talaga ang ipinagbago nito malayo sa dating mika na palagi seryoso, mainitin ang ulo at pabigla-bigla sa mga desisyon nito. Matapos dumaan sa clinic ng dating doctor at bago dumiretso sa impotanteng pupuntahan niya ay naisip muna nitong dumaan sa paboritong coffee shop para bumili ng kape. Malapit lang kasi ito sa clinic ng kaniyang doctor.

" Good morning!" Ngiting bati ng babae kay mika

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Good morning!" Ngiting bati ng babae kay mika.

" Hi! Step, kumusta?" Ngiting bati rin niya rito.

" Okay naman, maganda pa rin, mika. " Sa pagbiro nito ay nailing ng ulo at natawa siya.

" Hindi kapa rin nagbabago talaga, makulit kapa rin."

" Oo naman pero ikaw ha, sobrang laki nang ipinagbago mo at mas lalo kang pumogi ngayon." Napakamot ulo si mika sa papuri nito sa kaniya.

Malaki na talaga ang ipinagbago nito ngayon sa noon. Ang dating palaging naka-suit noon ay nakasuot ng white polo long-sleeved at naka-khaki pants na lamang. Simple na lang din ito manamit madalas gaya ng shirt at pants. Ang dating buhok na hanggang leeg ay nakatali na't undercut ang gupit. Malabo na rin ang mata nito kaya palaging nakasuot ng salamin. Ang dating payat na pangangatawan nito ay nagkalaman na rin dahil sa paggi-gym.

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon