CHAPTER 34

36K 608 139
                                    

2 MONTHS AFTER THE WEDDING.

Ngayon ay tatlong buwan at dalawang linggong pagbubuntis ni aria, at sa wakas ay nakalipat na rin sila ng asawang si mika sa kanilang bagong tirahan. At tulad ng napag-usapan nila ng asawa ay nagpatuloy siya sa pagtatrabaho sa bangko bilang bank teller. Sa ilang buwang pagsasama ng dalawa bilang mag-asawa ay mayroong maliliit na ring pag-aaway ang mga ito dahil na rin sa pagiging mainitin ng ulo ni mika at sa paminsan-minsang pagseselos ngunit sa huli ay naaayos naman agad ito pagkat iniintinditi na lamang ni aria ang asawa dahil minsan kahit siya ay nagseselos din sa mga babaeng lumalapit dito. Ang kaibigan naman niyang si Stephanie ay tuluyan nang umalis sa bangko bilang bank teller upang tulungan ang magulang nito sa pagpapatakbo ng kanilang coffee shop. Nagkaroon kasi ng apat na branches ito kaya't napilitan na ang kaibigan tumigil at mag-resign sa trabaho. Ang magkasintahang mayi at gabby naman ay nanganganib na ang relasyon dahil sa palaging pag-aaway ng dalawa sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin si gabby sa nobya na mayroong itong ibang kinalolokohang babae. Makailang beses na ring gusto na lamang hiwalayan ni mayi ang kasintahan ngunit ito mismo ang hindi pumapayag. At ayaw naman ni mayi na basta na lang siyang susuko sa relasyon nila dahil lamang sa pagseselos niya na wala namang matibay na basehan. Si Audrey naman ay muling bumalik na muna ng america upang asikasuhin ang negosyo ng kanilang pamilya roon, nililigawan na rin ngayon ito ni joey.

Morning at mika and aria's house.

" Love, may alam kaba about sa promotion ko?" Bungad ni aria sa asawa pagkalabas nito ng banyo. Sandali itong napaisip at titig sa kaniya.

" Anong promotion, baby?" Maang-maangang tugon naman nito habang nagpupunas ng basang buhok.

" Promotion ko sa trabaho?"

" Wala akong alam diyan, love. " Mariing pagtanggi ni mika at nagpatuloy sa pagpunas ng buhok pagkatapos ay tumungo sa harap ng cabinet upang magbihis pagkat naka-boxer short at white sando lamang ito.

" Alam kong kaibigan mo isa sa mga executive ng bangkong pinapasukan ko, love." Nakapamaywang na pag-usisa ni aria. Napatiim bagang dito si mika pagkat pakiramdam niya ay iniinteroga siya ng asawa.

" Baby, bakit mo pa ako tinatanong kung ipipilit mo rin naman pala 'yang iniisip mo sa akin?" Tila iritang tugon nito.

" Kasi love, hindi ako naniniwala na wala ka talagang alam doon." May lambing naman sa boses ni aria at lumapit sa asawa para tulungan itong isarado ang botones ng sinusuot na long-sleeved na polo. Napahinga naman ng malalim si mikha pagkat nahuli na siya ni aria.

" Okay, okay! Oo na— kinausap ko lang naman ang kaibigan ko, nalaman ko kasi na matagal kana ro'n pero hanggang ngayon hindi ka pa rin nila pinu-promote." Nalaglag ang balikat ni aria sa narinig at hindi nga siya nagkamali.

" Sabi ko na eh, mika ayokong tataas ang position ko sa trabaho dahil sa'yo. Ano na lang iisipin ng mga tao?" Muling nagtiim ang bagang ni mika sa narinig ngunit nagpigil pa rin ng sarili pagkat ayaw niyang ma-stress ang asawa lalo na at buntis ito.

" Aria, bago ka naman maging subject for promotion. I'm sure tiningnan naman nila ang performance mo sa company. At sigurado akong deserving ka ro'n. " Kunot noo nitong saad pigil na mainis.

" Kahit na mika, may influence mo pa rin 'yon at ayokong umaangat ako dahil lang sa asawa kita." Bagamat nasa gitna ng diskusyunan ang dalawa ay tinutulungan pa rin ni aria ang asawa sa pag-aayos ng damit nito. 

" Ang hirap naman kasi sayo aria, mag-asawa na tayo pero parang gusto mo pa rin maging independent, eh!" Mataas na tuno ni mika na kinagulat ng asawa.

" Eh, bakit nagagalit kana? Nag-uusap lang naman tayo. Ang sa akin lang, okay naman ako sa pagiging bank teller sa ngayon. Hindi naman ako nagmamadali." 

Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon