Ika-20 araw na taning kay mika ng ama nito sa kaniya ngunit tila lalong lumalala ang sitwasyon ng kompanya nila. Si aria naman ay hindi pa nakakabalik sa trabaho dahil kailangan pa nitong magpalakas ng katawan. Hindi pa rin nakakapag-usap ang mag-asawa at hindi na rin naman pinipilit ni mika na kausapin pa si aria dahil sa tuwing susubukan niya ito kausapin ay iniiwasan lang siya nito. Tila nagsasama nalang ang mag-asawa dahil sa sinumpaan nila sa isa't-isa. Masakit ito kay mika kaya mas madalas na hindi nalang ito umuuwi ng bahay at kung uuwi man siya ay para maligo at pagkatapos aalis rin muli. Ngunit mas gugustuhin nalang ni mika na ganito sila ni aria kaysa tuluyan siyang iwanan nito. Palagi pa rin naman niyang sinusuyo ang asawa sa araw-araw. Nag-iiwan ito ng bulaklak sa kuwarto nila sa tuwing tulog asawa at doon lang niya nakikita nang malapitan ang mukha nito. Umaga na nang makauwi si mika sa bahay nila, sinadya niya ito para masigurong tulog pa si aria kapag pumasok siya sa kuwarto nila at maiwan nito ang regalo at bulaklak para dito. Dahan-dahang binuksan ni mika ang pintuan para masigurong hindi niya magigising ang asawa at maistorbo ito sa pagtulog.
" Good morning baby." Mahinang sambit ni mika at hinalikan sa noo ang asawa at lumuhod sa tabi nito.
" Happy birthday baby gusto ko ako unang babati sayo ngayon' araw na 'to eh I miss you so much."
" I love you, sorry kung nasaktan kita." Naluluhang sabi ni mika pagkatapos ay tumayo na ito at iniwan ang regalo pati na ang bulaklak para sa asawa.
Tumuloy muna si mika sa masters bedroom para maligo muna pagkatapos ay bumaba na rin ito para muling umalis.
" Master kakain po ba kayo? Tanong ni sarah sa amo.
" Hindi na sarah aalis na ako kayo na bahala kay aria."
" Sige po master magiingat po kayo. " Pagpapaalam ni sarah sa amo ngunit nginitian lang siya nito.
Mga ilang oras pa bago nagising si aria dahil sa kaunting sinag ng araw na dumadapi sa mata nito sandali pa at minulat na rin nito ang mata at doon bumungad sa kaniya ang isang bouquet of flowers.
Alam ni aria na sa asawa ito galing dahil siya lang naman ang gumagawa nito para sa kaniya at sanay makatanggap ng bulaklak ito galing sa asawa.
Umupo ito para tignan ang bulaklak at basahin ang note nito hindi maitatanggi ni aria na kahit galit siya sa asawa ay kinikilig pa rin ito sa tuwing ginagawa ng asawa ang mga ganitong bagay para sa kaniya.
" Happy birthday baby, I love you and I miss you so much." Basa ni aria sa note sa bulaklak na bigay ng asawa, napansin rin ni aria ang regalo ng asawa sa tabi nito.
Sandali pa umupo si aria sa kama bago ito tuluyan tumayo at lumabas ng kuwarto nila at bumaba.
" Good morning seniorita. " Nakangiting bati ni sarah sa babaeng amo.
" Good morning sarah."
" Anong oras nakauwi si master niyo?
" Seniorita ngayon umaga lang rin po. "
BINABASA MO ANG
Girlfriend For Hire ( BINI Series #1 ) Under Revision
Fanfiction" Huwag na huwag kang mai-in love sa'kin." - Mika " Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo!" - Aria Not a typical mikhaiah love story. WARNING : R-18 | INTERSEX Mature content strictly fictional. This story is not for everyo...