"Asan na si Kim, Kelly? Hindi ba at engagement niya ito? Bakit para mas ako pa ang aligaga dito."Naku, ate hayaan mo na si Ate Kim , syempre inaayusan din sya sa kabilang kwarto." Sagot naman ni Kelly na abala sa kanyang Tablet dahil isa na naman importanteng event ang kanyang inaasikaso.
Makalipas ang ilang taon ay isa na syang ganap na Event planner. May sarili na syang kumpanya at syempre ang kanyang mga kapatid ang kanyang top clients.
"Nakita mo ba ang mga anak ko? Baka naglilikot na naman ang mga yon? Pag naiwan pa naman sa ama nila ang mga iyon eh parang nakawala sa kalikutan." Tila ng papanic pa si Kirsch at parang buong umaga ay di nya nakita ang mga anak.
"Kasama nila si Kuya Diego at syempre ang mga Mamala at Mommyla nila. Alam mo naman ang mga yon parang kulang na kulang ang oras pag kasama ang mga apo nila. Dagdagan mo na kasi para madagdagan ang libangan nila. Gawa ka triplets naman." Pagbibiro pa ni Kelly sa Ate nya.
"Aba kung makaorder ka para lang pinagagawa sa factory ang pag anak ah. Si Kim mag aasawa na, madadagdagan na ang pamangkin mo. Asan naman si Diego, bat di nya dalhin ang mga bata dito." Kinuha na ni Kirsch ang Cellphone nya, tila tatawagan ata ang asawa.
"Hay naku Ate, aminin mo na miss mo lang si Kuya Diego, masyadong clingy. Five years na kayong mag asawa di ka pa nagsasawa kay Kuya Diego." Tila nanunudyo pang sabi ni Kelly sa Ate nya.
Yon na nga eh 5 years na, actually 5th year anniversary nila ngayon pero simula kaninang umaga eh di pa sya binabati ng asawa nya. Nakalimutan nya ba na anniversary namin?
Natapat kasi na engagement party ni Kim at Marcus ngayon. Nakahanda ito sa isang engrandeng hotel at doon na din sila natulog kasama ng buong pamilya.
Asan na ba kasi ang mag-aama ko. Naisip ni Kirsch habang nagpapatuloy sa pag ayos sa sarili.
"Bakit ba naka puti ako parang ako naman ang ikakasal tsaka engagement lang naman ito, ikaw di ka naman naka puti?" Medyo nag aalangan si Kirsch sa suot nya. Di naman ito gown pero isa itong off shoulder na white, mahaba sya na pwede na masabing gown.
"Ate, syempre engagement kaya parang purity. At ako eh Event planner ako dito pwera sa kapatid ko ang bida sa event kaya di ako pwede mag gown at mag puti dahil mamaya busy na din ako." Paliwanag naman ni Kelly, sabay may tinawagan sya sa kanyang phone.
"Ready ka na ba Ate?" Tanong ni Kelly sa kapatid.
"Bakit ako? Si Kim dapat tinatanong mo. Tsaka bakit kasi sa akin ka nakatutok dapat kay Kim ka nakatutok kaloka 'to." Mataray pa na sabi ni Kirsch sa kapatid.
"Eh ikaw favorite Ate ko masama ba." Nakangisi pang sagot ni Kelly na tila tinutukso pa ang kapatid.
-----
"Remember what I told you guys? You go to Mommy's room and you two need to bring Mommy to walk with you in that stairs. " Malinaw na paliwanag ni Diego sa kanyang mga anak.
"Then after this we will go to Disneyland Daddy? " tanong ni Dylan sa ama.
"Yes son, pag nagawa nyo ng maayos 'to we will go to Disneyland." Pangako naman ni Diego sa mga anak.
"Yehey!" Sabay naman napasigaw ang mga bata.
"Ok go with yaya na to Mommy's room Tita Kelly said Mommy's ready na." At pinalabas na ni Diego ang mga anak para matuloy na ang plano nilang sorpresa para sa asawa.
-----
"Mommy!" Sigaw ng dalawang bata pagpasok sa kwarto kung nasaan ang mga bata.
"My babies!" Tili din ni Kirsch ng makita ang mga anak, pinaghahalikan nya ito, di maiwasan na mamarkahan ng lipstick ang mga pisngi ng mga anak.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...