Nanatili nalang si Kirsch sa bahay simula ng pinag ingat sya ni Doc Ninang sa pagbubuntis nya. Naging abala sya sa mga halaman nya, at pinagkaabalahan nya ang magiging nursery room ng magiging Babies nya. Pinili nya ang kwarto na pinakamalapit sa kwarto nilang mag asawa at naghahanap sya online ng magandang theme para sa nursery room. Naisip nya ang kulay violet para neutral, di nya pa kasi alam kung babae ba o lalaki ang mga anak nila. Pero nag reresearch pa sya online ng ibang kulay gaya ng torquise, yellow or gray. Di nya naman mahingi ang opinion ni Diego dahil ipapaubaya lang din sa kanya para may pagkaabalahan daw si Kirsch. Nang mabored sya mga baby articles naman ang tinignan nya. Gusto nya sana mag online shopping ng mga kailangan nya sa panganganak pero parang ang aga naman. At tsaka parang ayaw nya din na online nya bibilhin gusto nya makita at mahawakan bago nya bilhin. Nakakabato talaga pag sa bahay lang. Naglakad lakad sya sa palibot ng bahay parang exercise nya na din. Wala din si Lucio, para mangulit sa kanya dahil nag aaral na ang bata.
Pagdating nya sa bahay ay may gumulat sa kanya. Si Kelly.
"Hello, Ate!" Bati ni Kelly.
"Oh anong ginagawa mo dito, sina Mommy at Daddy di mo kasama?" Lumapit si Kirsch para yakapin ang kapatid.
"Ate, nandito na ako matuto ka din sanang makontento." Sarkastikong sabi ni Kelly.
"Baliw ka talaga, pinayagan ka nila Daddy magbyahe mag isa?" Di pa din makapaniwala si Kirsch na andoon ang kapatid nya.
"Syempre naman, big girl na daw ako. Tsaka gusto naman nila Mommy pumunta pero hirap din sya na iwan ang bigasan. Si Daddy naman alam mo na di naman yon mahilig magbyahe byahe lalo wala si Mommy kaya ako nalang pag tiisan mo. Sasamahan kita dito sa buong sem break ko. Aalagaan kita at mga pamangkin ko." Sabay himas pa ni Kelly sa tyan ng Ate nya.
"Alam ba ni Kim na pupunta ka dito? Para makapunta dito at makapamasyal tayong tatlo. Ipagshoshopping kita." Natutuwang sabi ni Kirsch sa bunsong kapatid.
"Wow ang saya naman, pero syempre kunwari tatanggi ako kasi magagalit sina Mommy, tapos pipilitin mo ako at di ako makatanggi kasi bawal tanggihan ang buntis." Ang daldal talaga ni Kelly.
"Sira ka talaga. Happy ako na andito ka di ako maiinip. Di na kasi ako pinapapasok ni Diego simula ng malaman namin dalawa pinagbubuntis ko at dinugo ako. Masyado akong binaby nabobored na ako. Tsaka matutulungan mo ako sa pagpili ng ideas sa nursery room." Pagplano ni Kirsch ng pagkakaabalahan nila sa pagpunta ni Kelly doon.
"Ate, nagbabakasyon ako dito di para magtrabaho." Reklamo ni Kelly.
"Sorry naman po, ipapasyal nalang kita, tawagan natin si Kim para masaya, pero huwag malayo baka di pumayag si Kuya Diego mo. Hinihigpitan ako pag na iistress ang mga Babies baka kasi lumabas ng alanganin." Mahabang sabi ni Kirsch sa bunso.
"Ate, joke lang 'no. Pinapunta ako nila Mommy dito para may kasama ka, tsaka nagvolunteer naman talaga ako syempre, gusto ko na nasa loob palang sila ng tummy mo alam na nila na love na love sila ni Tita Ninang." May patirik pa ng mata na sabi ni Kelly.
"Ninang talaga? Sure ka na kukunin kitang Ninang?" Natatawang sabi ni Kirsch.
"Ate naman di ba usapan na natin yan noon na magiging Ninang tayo ng mga magiging anak natin." Biglang ngumuso ang bunso sa Ate nya.
"Binibiro lang kita syempre kayo ni Kim ang una sa listahan ng magiging Ninang ng Babies ko." Kinabig pa ni Kirsch ang bunsong kapatid at hinalikan sa ulo.
"Ate naman eh di na ako bata." Reklamo pa ni Kelly.
"Nilalambing ka lang ni Ate eh, pag lumabas na 'tong mga pamangkin mo di na kita malalambing, malamang super busy ako at dalawa 'to plus mas maliit pa ang isa." Sabay turo sa tyan nya na unti unti ng nahahalata ang umbok.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...