Tinanghali ng gising si Kirsch kahit na halos natulog lang sya maghapon at maaga din syang natulog. Naisip nya na pupunta sya ng ospital pagkatanghalian para bisitahin si Diego. Nahihiya na sya sa mga byenan nya at di na sya pinapansin ni Daddy Bert, kahit hindi ito nagsasalita ay alam nya na umiiwas lang si Kirsch na pumunta ng ospital.
Bago pa sya bumaba ay naligo na sya at nagbihis. Nagtataka lang sya sa ingay sa baba ng bahay nila habang nagbibihis sya. Habang pababa ng hagdan ay natanaw ni Kirsch ang asawa sa hapagkainan na kausap ang ama nya. Napalingon si Diego ng ituro ni Daddy Bert si Kirsch.
"Good Morning Babe." Tumayo pa ito para bumeso sa asawa.
"Nakalabas ka na ng ospital? Papunta pa sana ako doon pagkatapos ko mag almusal." Nagulat si Kirsch na pinalabas na si Diego sa ospital. May benda pa sa bandang ulo nya at may mga galos pa ang braso nito.
"Natapos ko na ang mga test kahapon, nagpractise na din ako maglakad kaya pinayagan na ako lumabas basta magfollow up check up lang ako at inumin ko ang mga natitirang gamot na dapat ko inumin. Nabobored ako sa ospital, lalo lang ako manghihina doon." Paliwanag ni Diego. Iniwasan ni Diego na sabihin na namimiss nya ang asawa at baka mapagsabihan pa ni Daddy Bert si Kirsch. Di nya pinahalata sa byenan na nagtatampo talaga si Kirsch sa kanya.
Kumuha si Kirsch ng plato at binigyan nya din si Diego ng makitang kape lang ang iniinom nito.
Tahimik lang na nagmamasid si Daddy Bert sa kanilang dalawa.
Nag umpisa ng kumain ang mag asawa ng magtanong si Daddy Bert.
"So paano yan, uuwi ba kayong Maynila agad o dito muna kayo? Paano kayo magbabyahe pag babalik kayong Maynila?" Kaswal na tanong ni Daddy Bert.
"Depende po kay Kirsch, 'Dy. Pero kailangan namin siguro umuwi bago sya manganak dahil sa sitwasyon nya. Kailangan mamonitor ang panganganak dahil sa isang baby. Pwede naman ideliver ang baby dito sa atin, pero baka kulang sila sa mga gamit. Mas safe po siguro na doon na sya manganak." Sabi ni Diego at pasulyap na tinitignan si Kirsch sa magiging reaksyon nito.
"Nakaleave pa naman po ako sa trabaho. Baka po iderecho ko na hanggang manganak si Kirsch. Tutal eh kabuwanan nya na po. Baka po gusto nya po muna magstay dito." Dagdag pa ni Diego. Tahimik lang na nakikinig si Kirsch.
"Kung ok ka na, kahit sa makalawa pwede na tayong bumalik sa Maynila." Tipid na sabi ni Kirsch.
"Sure ka na ba na ganoon lang ka igsi? Di ba miss mo na sina Mommy at Daddy? Wala naman problema sa akin pag di pa tayo bumalik eh." Paniniguro ni Diego sa desisyon ni Kirsch.
"Pag usapan nalang natin mamaya kung kailan tayo babalik ng Maynila." Tipid pa din sabi ni Kirsch.
Nakaramdam si Daddy Bert na kailangan ng mag asawa mag usap, tamang dumating ang therapist nya kaya di na sya nahirapan tumakas.
Naging tahimik ang hapagkainan. Tumayo si Kirsch para iligpit ang pinagkainan nila. Sinundan ni Diego ang asawa.
"Babe, usap tayo?" Nakatitig na sabi ni Diego kay Kirsch.
Nagpunas ng kamay si Kirsch at pumunta sa bahay kubo nila sa likod bahay. Sumunod naman si Diego sa asawa.
Pag upo ni Kirsch ay tumabi agad si Diego sa asawa. At inilagay ang braso nito sa balikat ng asawa, habang ang isang kamay ay hinawak nya sa tyan nito.
"Nagtatampo ka pa din ba? Kumusta naman ang mga baby ko? Mabigat na ba sila masyado?" Kaswal na umpisa ni Diego.
"Mukhang ok naman ang mga baby natin. Paminsan minsan ay nagalaw nasisikipan na siguro sa loob." Nangingiting sabi ni Kirsch.
BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanficCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...