Chapter 42 - Monthsary

1.5K 64 14
                                    

Nagising si Kirsch sa kakaibang amoy sa paligid nya. Mabango na tila nasa hardin sya. Kinapa nya ang tabi ng kama nya, pero wala syang katabi.

"Nasaan ang asawa ko?" Natanong nya sa isip nya. Madilim pa ang kwarto nila nakababa pa ang kurtina at sarado ang mga bintana kaya napabangon na sya.

At tila nakaensayo na pagbangon nya ay pumasok ang asawa nya may dalang cake at may pakandila pa.

"Happy monthsary Babe!" Masayang bati ni Diego sa asawa. Naka puting tshirt lang ang asawa at boxer shorts.

Kinurap kurap pa ni Kirsch ang mata, at baka nananaginip lang sya.

Third Monthsary nila ng asawa, oo tatlong buwan na ang lumipas simula ng maging mag asawa sila. Bumabawi ang asawa dahil noong first month nila ay masyado syang busy at dinner time na sya nabati nito, noong second month naman nila ay kailangan ni Diego magbyahe ng Hongkong for 2 days dahil umattend ito ng importanteng conference. Pagbigay ni Diego ng cake sa asawa ay binuksan na nito ang kurtina. Saka nalaman ni Kirsch kung saan galing ang amoy kanina. Halos mapuno ng bulaklak ang kwarto nila. At may kinalat pang roses petals ang asawa. Pagkatapos ay may nakahanda na itong breakfast in Bed kaya na touch si Kirsch sa effort ng asawa.

"Ikaw talaga, sinabi ko naman sa'yo na di kailangan icelebrate monthly 'to eh. Pero salamat sa effort, Babe." At hinalikan ni Kirsch ang asawa bilang pasasalamat dito.

Pero syempre bilang si Diego ay di nakokontento sa simpleng halik lang ay diniinan pa nito ang pagkakadikit ng kanilang mga labi hanggang nag init ang palitan nila ng halik. Nang maglakbay na ang mga kamay ni Diego sa mga kaselanan ni Kirsch ay pinigil nya ng asawa.

"Babe, yong breakfast na hinanda mo, matatabig natin, plus papasok pa tayo sa opisina." Sabi ni Kirsch habang pinipigilan ang mga kamay ni Diego na abala pa din sa paghalik sa leeg nya.

"Nagpaalam ako na mag eemergency leave tayong dalawa, tsaka dadahan dahanin ko lang di natin matatabig ang breakfast. Kailangan ko ng ibang breakfast ngayon." Sabi ni Diego sabay hinubad ang suot nyang tshirt.

"Babe, sandali lang naman itabi mo muna kasi tong hinanda mo, kahit anong dahan dahan ang gawin mo matatabig natin to, nakakahiya sa mga kasama natin sa bahay na magkalat tayo na alam nila ang dahilan bakit tayo nagbasag ng gamit dito." Pigil pa din ni Kirsch sa asawa.

Biglang tumayo si Diego kinuha ang nilapag nyan kaninang breakfast tray sa lamesa sa kwarto nila at bumalik sa asawa.

Siniil ni Diego ng halik si Kirsch na tipong, ang tagal nila di ginagawa ang "paglalambingan" na yon. Halos gabi gabi ay "naglalambing" si Diego sa asawa at hanggang ngayon nasa honeymoon stage pa din sila. Sabik na sabik pa din silang dalawa sa "lambingan" na ginagawa nila. Ilang saglit pa ay maririnig ang mga malalalim na paghinga ng mag asawa hudyat na napagsaluhan nila ang isang napakagandang bagay.

Humiga na sa tabi ni Kirsch si Diego. Hinihingal pa ito at may gamunggong pawis sa noo nito kahit na airconditioned ang kwarto nila, pagod ngunit makikita sa mukha nito ang kakaibang saya ng pagkapagod nya. Automatic naman ang pagyakap ni Kirsch sa asawa na tila ayaw nya pa na maghiwalay ang kanina magkaugnay nilang mga katawan.

"I love you, Babe." Nasabi ni Diego habang hinahalik halikan ang sintido ng asawa.

"Talaga ba?" Tila nanunuksong tanong ni Kirsch sa asawa.

Tinitigan ni Diego ang asawa at natawa ito.

"Naku, nanghahamon ng second round ang asawa ko ah." Natatawang sabi ni Diego.

At bago pa makadeny si Kirsch sa kung anong ibig sabihin nya sa tanong nya ay naulit na agad kung ano ang ginawa nila kanina.

Matapos ang "second round" ay naibagsak ni Diego ang katawan nya sa tabi ni Kirsch. Muli ay kita na pagod ang binata sa namagitan sa kanilang ng asawa pero maaliwalas at masaya ang mukha nito.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon