Chapter 52: Run Away

1.2K 41 26
                                    

Natapos ang bakasyon ni Kelly sa bahay ng kapatid. Tila nabawasan naman ang pagkamiss ni Kirsch sa pamilya matapos ng halos dalawang linggo na bonding nya sa mga kapatid. Pero di pa din nya napigilan maiyak ng ihatid nila ni Diego si Kelly pauwi ng Masbate.

"Di bali na Babe, sa susunod sila Mommy Karen at Daddy Bert naman papuntahin natin dito. Alam ko naman miss mo na sila eh." Pagpapakalma ni Diego sa asawa habang hawak ang kamay nito. Kapansin pansin naman ang katahimikan ni Kirsch.

"Babe, may masakit ba sa'yo? Gutom ka ba? May gusto ka kainin?" Nag aalalang sunod sunod na tanong ni Diego.

"Wala 'to Babe, naminiss ko lang talaga sila Mommy at Daddy. Kung pwede lang na umuwi ako at doon manganak pero syempre di din kita maiwan. Sana soon makapunta na sila dito. After 2 months full term na si Baby Strawberry. Sana andito sila pag manganganak na ako." Halata ang lungkot sa boses ni Kirsch.

"Sure 'yon, Babe. Pakikiusapan ko sila before ang due date mo na makaluwas na sila dito. Pati si Mommy." Pagpapalubag ni Diego sa asawa.

-----

Mabilis lumipas ang isang buwan at malapit ng manganak si Kirsch. Every week na ang check up nya. Kung gusto nyo malaman ang gender ng mga magiging anak nila, well ayaw malaman ni Kirsch gusto nya paglabas na saka nila malaman. Dahil yon ang gusto ni Kirsch di naman ito kinontra ni Diego.

Nasasanay na si Kirsch sa role nya bilang housewife, maaga na syang nagigising at pinaghahanda nya ng almusal at baon ni Diego. Di ugali ni Diego magbaon, pero dahil hinanda ng asawa ay nagbabaon na sya at kinakain nya naman talaga ito.

"Babe, parang maputla ka?" Sabay sipat ni Kirsch sa noo ng asawa.

"Babe, mainit ka, 'wag ka na pumasok." Nag aalalang sabi ni Kirsch.

"Sinat lang 'to Babe, may importante akong meeting today. Iinuman ko lang ng gamot at pag wala na akong important meeting uuwi na ako. Huwag ka na muna lumapit sa akin baka mahawa ka pa." Bigla ay naubo pa si Diego.

"May check up ako today, dadaan ako sa office after okay tapos mag half day ka nalang Babe please." Pakiusap ni Kirsch sa asawa.

"Okay Babe, sabihin ko kay Mitch na icancel na lahat ng appointment ko after lunch. Yong isang meeting ko lang sa umaga importante na andoon ako." Sabi ni Diego para di na mag alala si Kirsch.

"Ok Babe, eat your baon and drink water to keep you hydrated." Muling paalala ni Kirsch sa asawa.

-----

Pagkaalis ni Diego ay nag almusal na si Kirsch. Naghihinay hinay na sya sa pagkain dahil sinabihan na sya ng Ninang Doc nya na di na sya dapat maggain ng weight at baka mahirapan sya manganak. So far ay ok naman ang mga babies nya pati ang laki ni Baby number 2 ay pwede na paglabas kaya di naman sya nangangamba. Di nya na inalam ang gender ng mga anak nya, ang importante ay malusog sila at walang deperensya. Matapos mag almusal ay nag-ayos na sya para sa pagpapacheck up nya. Ramdam nya na ang pagsakit ng balakang at likod nya ang bigat ng mga bata.

-----

Pagkakita ni Mitch kay Diego ay nag alala sya, mukhang di maganda ang pakiramdam ng amo.

"Sir, good morning. Ok lang po ba kayo? You don't look well." Nag aalalang tanong ng assistant ni Diego.

"Masama pakiramdam ko, at mainit ang pakiramdam ko. But I need to attend this meeting with Mr. Rosales. Paki cancel mo na lahat ng appointment ko today. After ng meeting uuwi na ako para magpahinga. Kailangan ko magpalakas at malapit na manganak si Kirsch." Saad ni Diego sa sekretarya nya.

"Ok po. Baka stress lang po yan." Sang ayon naman ni Mitch.

Naging maayos naman ang takbo ng umaga ni Diego. Natapos din ang meeting nya. Kinuha nya ang pabaon sa kanya ni Kirsch at inumpisahan nya na itong kainin.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon