Chapter 23: I Got You

1.6K 75 14
                                    

"Bert, Bert ano ba? Mikay, Kirsch Kelly tulungan nyo ako ang Daddy nyo." Sigaw ni Mommy Karen na tila nagpapanic.

Dali daling tumakbo si Kirsch sa kwarto ng magulang. Halos magkakasunod sila ni Aling Mikay at Kelly.

Nanginginig ang katawan ni Mang Bert. Mahina ang paghinga at nakahawak sa kanyang dibdib. Dali daling kinuha ni Kirsch ang phone ng Mommy nya para tumawag ng ambulance.

Pilit pinakakalma ni Mommy Karen si Mang Bert. Si Aling Mikay ay kumuha na ng mainit na tubig at bimpo. Habang si Kelly ay pinapaypayan ang ama.

"Papunta na daw ang ambulance." Nag aalalang sabi ni Kirsch.

Tumigil ang chills ni Mang Bert pero mahina pa din ang paghinga neto nakahawak sa dibdib at di makausap.

Nakabantay na si Aling Mikay sa pagdating ng ambulance. After mga 15 mins ay dumating ang ambulance na may kasamang medic.

Chineck ng Medic si Mang Bert at binigyan ng paunang lunas, bago ilagay sa strecher at dinala na sa ambulance. Sinamahan ni Mommy Karen ang asawa. At nag ayos na si Kirsch at Kelly para sumunod na sa ospital. Si Aling Mikay naman ay hinanda ang mga gamit na kakailanganin sa ospital.

Matapos mag ayos ay pumunta na sa ospital si Kirsch at Kelly dala ang gamit ng mga magulang. Pagdating sa ospital ay nasa ICU na si Mang Bert. Habang nasa labas si Mommy Karen na walang tigil ang paghikbi.

Tamang dumating ang doktor ni Daddy Bert at kinausap sila.

"Masama ang lagay ni Daddy. Ito na yong sitwasyon na sinasabi ko na kailangan na talaga sya operahan. Sa lalong madaling panahon. Critical ang first 72 hours kaya dapat before makalagpas sa 72 hours ay maoperahan na sya. Kung maari ngayon na. Kung hindi ay maaring maparalyse sya or worst di nyo na sya makakasama." Direktang sabi ng Doktor sa kanila.

Patuloy pa din ang paghikbi ni Mommy Karen at umiiyak na din si Kelly. Naluluha na si Kirsch pero kailangan nya magpakatatag. Napatingin sya sa kanyang relo. Alas 4 ng madaling araw. Nahihiya man sya kalampagin si Diego ay kailangan nya kapalan ang mukha nya kapalit ang buhay ng kanyang ama kaya tinawagan nya si Diego. Matagal tagal ang pag ring ng telepono nito malamang tulog pa. Matapos ang ilang beses na pagring ng telepono ay sumagot si Diego.

"Good morning Babe. Ang aga mo tumawag may problema ba?" Halata sa boses ni Diego na kagigising lang pero nag aalala ang boses nito.

"Good morning Diego, andito kami sa ospital kasi inatake si Daddy. Wala na ako malapitan kaya kahit ganitong oras tinawagan na kita. Kinausap na kasi kami ng doktor na delikado ang lagay ni Daddy at kailangan within 72 hours ay maoperahan na sya. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko para sa buhay ni Daddy. Kailangan ko ang tulong mo Diego." Halos naiiyak na  sabi ni Kirsch kay Diego.

"Ok papunta na ako jan, ok? Kalma ka lang. Tutulungan kita. Magbibihis na ako at pupunta ako agad jan." Tila naalarma na din si Diego sa sitwasyon ni Kirsch.

Bumangon sya agad agad at nagmamadaling nagshower nag suot ng plain polo shirt at jeans na pants. Lumabas sya nasalubong nya si Yaya Ingrid.

"Ang aga mo ata Diggy, saan ka pupunta?" Tanong ni Yaya Ingrid.

"Nasa ospital ang Daddy ni Kirsch, Yaya. Pakisabi kay Mommy umalis na ako at baka kailanganin ko ang connections ni Mommy. At baka kailanganin ilipad ang Daddy ni Kirsch paManila." Nagmamadaling sagot at bilin ni Diego kay Yaya Ingrid.

"Ok sasabihin ko sa Mommy mo." Maigsing tugon ni Yaya Ingrid.

Nagmamadaling lumabas at nagmaneho agad si Diego. Wala pang 10 minuto ay nasa St. Michael Medical Hospital na sya.
Nagmamadali nyang hinanap ang ICU at nakita nya nag aantay sa labas si Mommy Karen,Kirsch,Kelly at Aling Mikay.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon