Chapter 31: Celebrations

1.4K 86 19
                                    

Sumunod na araw ay sinundo pa din ni Diego si Kirsch sa bahay nila at sabay silang pumasok sa opisina. Tila nasanay na din ang mga empleyado ng Laxa Inc. kaya di na bago ang scenario sa kanila ng sabay na pagpasok ni Kirsch at Diego.

Hinatid ni Diego si Kirsch sa opisina nya at di agad ito umalis.

"Pumunta ka na sa opisina mo baka malate ka pa." Tila pagtataboy ni Kirsch sa binata.

"Di na kita makikita ngayon. Mamaya na uling uwian. Mamimiss kaya kita." Tila paglalambing pa ni Diego sa dalaga.

"Ay naku ang arte ha. Magkikita naman tayo mamaya eh. Mabuti na yong mamiss mo din ako." Nakangiting sabi ni Kirsch.

"Huwag kang pipili ng dress na sexy masyado ha. Baka may umagaw sayo sa akin. Baka manapak ako sa party pag may panay ang tingin sayo." Nakangiting pag papaaalala ni Diego sa nobya.

"Ang arte naman pag tumingin sa akin sasapakin mo agad. Magtigil ka nga Diego ang OA mo na. Sige na pumunta ka na sa opisina mo." Pagtataboy ni Kirsch sa binata.

Tumayo ang binata at hinalikan sa mga labi ang dalaga. Tinanggap naman ni Kirsch ang halik ng nobyo dahil tila normal na sa kanila yon ngayon. Niyakap pa sya ni Diego at tinitigan sa mga mata.

"I love you Babe, message me later ok. Pag maaga ako natapos maaga akong susunod sa inyo ni Mommy." Seryosong pagpapaalala ni Diego kay Kirsch.

"Opo mag memessage po ako. I Love you too." Nakangiting sagot ni Kirsch.

Yon lang at humiwalay na si Diego sa pagkakayakap kay Kirsch at hinalikan pa ulit sya sa noo bago lumabas na ng opisina ng dalaga.

Naiiling nalang na bumalik si Kirsch sa upuan nya at nag umpisa ng magtrabaho.

-----

Nang matapos ang unang meeting ni Diego ay nakatanggap sya ng tawag mula sa kanyang ina.

"Hello Hijo, andito na ako sa jewelry shop para iresize ang engagement ring. Wala naman gaanong babaguhin sa singsing kaya palilinisan ko na din ito nilagay sa espesyal na box para sa Saturday." Masayang balita ng Ina.

Ipinasa ni Kelly ang singsing ng ate nya na kinuha nya sa kwarto nito ng nakaraang gabi. Yon ang palihim na inabot nya na nakasobre kay Diego para pagsukatan ng daliri ni Kirsch.

"Thank you so much Mom. Dapat ako gumagawa nyan pero mapilit ka eh." Tila nanghihinayang si Diego na di sya umeeffort para sa singsing.

"Naku, ano naman alam ko sa alahas. At least kilala ko tong shop na 'to at alam ko na di masisira ang singsing na matagal ng napasa sa pamilya natin." Sabi ng Ina ni Diego para di na sumama ang loob nito.

"Ok Mom thanks. But at least yong plan ko at ideas for my proposal ako na yon. I want this to be special at gusto ko ako talaga mag eeffort for this." Pagpapaaalala ni Diego sa Ina.

"Oo naman anak. Hindi ako makikialam kahit gaano pa ako ka excited." Pangako ng ina ni Diego.

"See you later Mom, ingatan mo si Kirsten mamaya ha. Nahihiya pa din yon sa inyo pag di ako kasama." Pagpapaalala pa ni Diego sa ina.

"Oo naman para ko nang anak si Kirsten at Kelly ako na bahala sa kanila." Paninigurado ni Mommy Cecille sa anak.

Pagkababa ng telepono ay tinuloy na ni Diego ang mga gagawin para maaga syang makasunod sa Ina at sa kasintahan.

-----

Dinaanan ni Mrs. Laxa at Kelly si Kirsch sa opisina ng lunch time. Di na sila nakipagkita kay Diego dahil may luncheon meeting din ito sa labas ng opisina.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon