Chapter 12: Yes!

1.5K 89 9
                                    

Maagang nagising si Diego, pagka bangon ay nag shower agad ito at sinuot ang light blue nya na polo ibabaon nya nalang ang tie pero di nya muna susuotin. Kinuha nya ang phone nya wala pa ding reply si Kirsch kaya nauna sya nag message.

Hey wifey, just want to wish you a wonderful morning... don't miss me too much ok... see you later... saka na ako mag ii love you...

Di alam ni Diego kung nang iinis lang ba sya sa dalaga o ginagawa nya yon dahil gusto nya. Pero isa ang sigurado sya masaya sya sa ginagawa nya.

Pagbaba nya ay nag aalmusal na ang magulang. Masaya nyang binati ang Mommy nya at humalik pa ito. Tinapik nya naman sa likod ang Ama, na abala sa pagbabasa ng Daily Papers. Magana syang nag almusal at napuna ng Ina ang kasiglahan nito.

"Maganda ata ang gising mo? May kinalaman ba to doon sa kaklase mo daw noong college na nagtratrabaho sa accounting department? Maintrigang tanong ni Mommy Cecille.

Biglang napaangat ang ulo ni Daddy Anton sa narinig tila na intriga sa pang iintriga ng asawa?

"Sino sa nagtratrabaho sa accounting?" Nacurious na din si Daddy Anton.

"Masyado ka kasing busy, isinayaw nya noong welcome party nya na according kay Arjay ay first love daw nitong anak mo. At according to my twitty bird ay napapadalas ang pagkikita nila lately at according din sa aking reliable source sabay silang lumabas ng office kahapon." Pang iintriga pa ni Mommy Cecille.

Nangingiti si Diego sa pang iintriga ng Ina. "Sino naman yang source mo Mom? At anong first love? Nagpapaniwala ka naman kay Arjay intrigero lang yong lalaki na yon no?" Natatawa na si Diego.

"Make sure na di yan fling fling Diego ha sinasabi ko sayo." May pagbabanta si Daddy Anton.

"Dad, Im just being friendly. Tsaka desenteng babae si Kirsten."tila pag depensa ni Diego kay Kirsch.

"Ayoko lang na magsimula pa ang intriga sa kompanya natin kaya kung laro laro lang yan tigilan mo yan." Pagpapaalala ni Daddy Anton.

"I saw this girl Anton mukha naman syang desente. And I've heard na CPA sya, she was once a beauty queen, very charming." Pagbibida ni Mommy Cecille.

"Yong totoo Mom, pinaimbestigahan mo na ba si Kirsten?" Natatawa na talaga si Diego sa Mommy nya.

"Well, actually na intriga ako sa kanya ng sinayaw mo at narinig ko tinutukso ka ni Arjay. And kahit di ko pa sya ganoon ka kilala magaan na loob ko sa kanya. Kaya kung liligawan mo sya boto ako. And I want cute apos kaya I like her more." Parang kinikilig pa sa idea si Mommy Cecille.

Napailing lang si Daddy Anton sa asawa at itinuloy ang pagbabasa ng dyaryo.

"Mommy apo agad? Me and Kirsten are just reconnecting kasi dati kami magka team sa chess sa P.E bago ako pumunta sa Singapore. Kung saan mapupunta to, tignan nalang natin. And tama ka Mom she is very charming." Medyo may kilig sa boses nya na di nya maintindihan.

At natapos na mag almusal ang mag anak. Nauna na si Diego sa opisina dahil nag drive sya mag isa samantalang may driver ang Daddy nya. Si Mommy Cecille naman ay sa bahay lang at may mga aasikasuhin daw na charity works na prinesent sa kanya ng kanyang Org.

Bago dumerecho sa opisina si Diego dumaan muna sya sa isang flowershop. Nag order siya ng bulaklak to be delivered sa office for Kirsch. Nagpa schedule din sya nag everyday flower deliver na may iba't ibang add on options. Meron chocolate, cake at teddy bear. For today pinili nya ang 1 dosen of roses arrangement with chocolate cake pinili nya ang 11 na long stemmed red roses at sa gitna pinalagyan nya ng 1 white rose. Sumulat din sya ng personal hand written message. Sinabi nya na itatawag nya kung anong araw ipapa deliver pero nag advance na sya ng bayad. Nag order din sya ng isang flower arrangement para ipadeliver sa Mommy Cecille nya at isang flower arrangement with fruit basket para naman kay Mommy Karen at Daddy Bert. Di nya alam kung bakit naisipan nya padalhan pati ang magulang ni Kirsch pero masaya sya na ginagawa yon. Pagkatapos ay dumerecho na sya sa opisina.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon