*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*
Writer's Note:
Sorry kung medyo natagalan ang update medyo naaliw sa Vacay. Now I'm back from vacay , i'll try to update more often.
*Sorry kung madaming "intimate" moments si Kirsch at Diego sa chapter na to. Pero kasi umaabot na yong delulu ko na aabot din ang DK sa ganoon stage eh. Pasensya sa iba na gusto na pasweet lang ang characters ko.
*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*
Maagang nagising si Diego. Nagshower at nagbihis sya ng office wear nya. Slacks pants longsleeves polo at nag necktie sya di na nya muna isinuot ang blazer nya pagpasok nya na sa opisina susuotin. Sumabay sya sa mga magulang na nag aalmusal. Uminom sya ng kape at kumain ng tinapay at itlog sabay nagpaalam na sa mga magulang.
"I need to pick up Kirsch pa Dad mauuna na ako sabay kami papasok sa office." Sabay tayo at nagpaalam na si Diego sa magulang humalik na sya sa Ina at tinapik ang ama sa balikat.
Pagdating kina Kirsch ay naabutan ni Diego si Mang Bert na nag aalmusal. Matapos nya makapagmano sa Ama ni Kirsch ay niyaya sya nito para saluhan sya sa pag aalmusal. Ginawan ni Aling Mikay si Diego ng kape at tinaggihan nya na ang almusal.
"Nakapag almusal na po ako sa bahay, kape nalang po ulit." Magalang na sabi ni Diego.
"Kumusta naman ang naging dinner nyo kagabi." Tanong ni Mang Bert kay Diego.
"Maayos naman po. Tanggap naman po ng mga magulang ko ang relasyon namin ni Kirsch at wala naman pong problema." Maigsing kwento ni Diego sa ama ni Kirsch.
Tyempong bumaba na si Kirsch mula sa kwarto nya binati ang ama at humalik sa pisngi nito.
"Good morning, Dad." Masiglang bati ni Kirsch sa ama.
"Good morning, Babe." Bati ni Kirsch kay Diego sabay beso sa binata.
Nagugulat si Diego sa mga kilos ng dalaga na tipong natural na natural sa kanya ang pagkilos na tila mag nobyo sila. Napangiti nalang ang binata na medyo kinilig.
"Good morning, Babe." Maigsing sagot nalang ni Diego sa dalaga.
Napatingin si Kirsch sa relo nya, ng makitang maaga pa naman ay kumuha sya ng mainit na tubig sa kusina at naghanda ng tsaa na iinumin nya.
"Maaga pa naman babe, pede pa ako mag almusal." Sabi ni Kirsch sa binata.
"Sige lang take your time." Nakangiting sagot ni Diego sa dalaga.
"Ayaw mo mag almusal babe? Sabay na tayo." Pag aya ni Kirsch sa "nobyo".
"Nagkape at tinapay na ako sa bahay babe, bukas nalang dito na ako mag almusal para sabay na tayo." Pagtanggi ni Diego sa paanyaya ni Kirsch.
Nag almusal na si Kirsch habang nag uusap na ulit si Diego at Mang Bert tungkol sa NBA.
Natutuwa si Kirsch na magkasundo si Diego at ama nya. Alam ni Kirsch kung gaano kasabik si Mang Bert na magkaanak ng lalaki. Ngayon tila makikita nya na napunan ni Diego ang pananabik na yon ng kanyang ama.
Matapos kumain ay niligpit ni Kirsch ang pinagkainan nya at umakyat saglit sa kwarto para magsipilyo. Pagbaba nya ay nag aantay na si Diego para makaalis na sila.
Matapos magpaalam kay Mang Bert ay hawak kamay na lumabas na sina Diego at Kirsch. Inalalayan ni Diego si Kirsch sa pagpasok sa sasakyan.
"Mukhang ang ganda ng gising mo Babe. Napanaginipan mo ba ako?" Panunukso ni Diego sa dalaga.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...