Chapter 13 : The Plan

1.4K 75 4
                                    

Pag dating sa bahay ay umakyat na si Diego sa kwarto nya. Bago pa sya nag shower ay nag message na sya kay Kirsch.

Hey Wifey, hope you're ok. I just got home. Will take a shower and will take a rest na din. Pahinga ka. Malapit na ako mag I Love You 💖

Yon lang at pumasok na sya sa banyo at mabilis na nag shower.

Pag labas sa shower ni check nya ang phone nya at may reply si Kirsch.

About to sleep. Thanks for dinner.

Simple lang ang reply ni Kirsch pero napangiti si Diego. At natulog na din ang binata.

Kinabukasan ay masaya nagising ang binata. Nag message sya agad kay Kirsch.

Good Morning Wifey, just woke up. Did you sleep well? Can I pick you up later? Baka mamaya mag I love you na ako.

Di pa muna bumangon ang binata tutal sabado naman. Nag antay sya ng reply ni Kirsch.

I'm on my way sa office mag OT ako today. Madami pa ako dapat tapusin.

Bigla bumangon si Diego at nag shower. Nagsuot ng polo shirt at maong jeans. Tutal sabado naman pwede sya mag casual wear lang papuntang office. Nagdala na din sya ng jacket na ipapatong nya if ever kailangan maging semi formal.

Pagkababa nya as usual nag aalmusal ang magulang, balak nya sanang mag skip ng breakfast pero tinignan sya ng ina pag kahalik nito dito. Tapik naman sa balikat sabay "Good morning Dad." Ang bati ni Diego sa ama. Naupo na din sya at kumuha ng tinapay para mag almusal.

"May pupuntahan ka ata at aga mo nagising nakapagbihis ka na. Kagabi late ka na din umuwi. Salamat nga pala sa flowers na pinadala mo kahapon. I really appreciate it. Ang Daddy mo nakalimutan na ako padalhan ng flowers. Kaya yang nililigawan mo ngayon ha kahit mag asawa na kayo tuloy mo pa din pagpapadala ng flowers ok." May halong pagpaparinig ni Mommy Cecille kay Daddy Anton.

"Hon, I already gave you the whole garden di mo na kailangan ng flowers." May halong depensa at paglalambing na sabi ni Daddy Anton.

"Basta anak tuloy ka lang sa pagbibigay ng flowers ha sa magiging future wife mo kahit matagal na kayo mag asawa . Nililigawan mo na ba si Miss CPA?" Maintrigang usyoso nga ina.

"Yes Mom!" Patay malisya pero derechang sagot ni Diego.

"Really?! I want to know her more. Feeling ko sya magpapatino sayo." Excited na sagot ni Mommy Cecille.

"I hope na seryos ka jan Diego. Dinadala mo ang pangalang Laxa. Nachallenge ka ba sa binibigay kong task sayo na kailangan mo muna mag asawa bago ko ibigay ang presidency ng kompanya sayo." Seryosong tanong ni Daddy Anton.

"Dad, actually na challenge talaga ako sa sinabi nyo pero di naman para mag asawa ako ng di ko mahal, then I met Kirsten sa Laxa Inc., yeah I really like her noon pang high school days hanggang pumunta na ako sa Singapore. I tried to be better because of her para makapasa sa standards nya kasi noon I just know di ako papasa sa kanya. But things change kala ko dala lang ng kabataan ko kaya gusto ko ma impress si Kirsten sa akin. Pero ng magkita kami parang nagbalik ang lahat. I feel this young teenager in me na naaliw, na inlove sa kanya." Di nya alam kung saan banda doon ang pag sisinungaling at totoo sa sinabi nya, dahil tila mas lamang ang katotohanan sa sinabi nya sa Daddy nya.

"Well, kung serious ka nga jan sa Kirsten na yan. I will support you all the way. Pero hwag na gagamitin mo lang sya para ipasa ko sayo ang presidency, napaka unfair sa babae yon at I will be very disappointed in you." May halong pagbabanta sa sinabi ni Daddy Anton.

"Kailan mo sya ipapakilala sa akin Diggy? Excited na tanong ni Mommy Cecille.

" I want to know her more. Feeling ko kasi sya na ang mamanugangin ko eh. I let my twitty bird dig for some info about her excited na talaga ako na makilala sya eh." Parang kinikilig pa si Mommy Cel.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon