Matapos ang pagtitipon na hinanda ni Mrs. Laxa. Masaya nang naghiwahiwalay ang lahat. Si Kelly ang pinakamasaya sa pag titipon na iyon. Di na nagpagabi ang mag anak dahil baka mabinat din si Daddy Bert.
Hinatid na sila ng Van nila Diego. Si Kirsch at Diego naman ay magkasama sa kotse ng binata. Nang makapasok na ang lahat ay nagpaiwan na muna si Kirsch at Diego sa nipa hut nila sa may garden.
"Mamimiss kita kasama. Uwi na kita." Paglalambing ni Diego kay Kirsch habang magkatabi sila nakaupo at nakaakbay pa sya kay Kirsch.
"Buti na yong namimiss mo ako baka kasi manawa ka na pag lagi tayo magkasama." Nakangiting sagot lang ni Kirsch.
Kinurot ni Diego ang mukha ni Kirsch.
"Gusto mo na namimiss kita ganoon? Ako kaya kailan mo mamimiss?" Naglalambing pa din ang binata.
"Aray ano ba. Paano kita mamimiss palagi ka sa tabi ko. Baka sa Monday mamiss na kita kasi magtratrabaho na tayo. Pag nagtrabaho tayo huwag ka makulit ha. Magkita lang tayo pag lunch break at pag pauwi na. Tsaka baka sa monday mag overtime ako syempre two weeks din ako nawala. Madami akong ichecheck sa mga accounts ko." Tipo pagpapaaalam na ni Kirsch sa schedule nya sa kasintahan.
"Sasabayan kita mag overtime. For sure madami din ako kailangan gawin. Para sabay pa din tayo umuwi ok. Tsaka mamimiss mo ako pag di tayo sabay umuwi ayoko naman mangyari yon." Nakangiti pang sabi ni Diego.
"Lunch ka sa bahay bukas Babe?" Simpleng pagyaya ni Diego kay Kirsch.
"Andito si Kim this weekend eh minsan nalang kami magkakasama kaya dito ka nalang mag lunch. Tapos don nalang ako mag dinner sa inyo ok ba yon?" Sabi ni Kirsch.
"Oo naman, naiintindihan ko. Gusto ko lang na makasama ka din nina Mommy at Daddy. Para masanay na sila pag kasal na tayo." Sagot naman ni Diego.
Natahimik sila. Pero gusto sana itanong ni Kirsch kung kailan ba ang kasal dahil napapadalas na din ang banggit ni Diego. Tsaka nasunod nya na ang pangako nya na ipapaopera si Daddy Bert so iniisip ni Kirsch na malapit na din ito maningil.
"Oh 'bat natahimik ka? Ano na naman iniisip mo?" Pag uusisa ni Diego kay Kirsch.
"Salamat sa lahat ng tulong mo at ng pamilya mo. Ngayon ok na si Daddy. Handa na ako sa napag usapan natin." Di na mapigilan ni Kirsch ang sarili.
"Yong usapan na naman ba iniisip mo? Kirsten, I will marry you because I want to spend the rest of my life with you not just because may pinag usapan tayo noon. I hope we share the same reason kaya ka din magpapakasal sa akin." Medyo nalungkot ang boses ni Diego pagkasabi noon.
Napatitig si Kirsch kay Diego.
"Mahal na kita Diego, may usapan o wala pakakasalan kita kasi mahal kita. Mabuti kang tao, mabuti pamilya mo. Gusto kita makasama habang buhay." Sincere na sabi ni Kirsch.
"Nakalimutan mo sabihin na ang pogi pa at patay na patay ka kaya ka magpapakasal sa akin." Nakangisi nang sabi ni Diego.
"Tsaka makapal ang mukha na feelingero." Sinakyan na din ni Kirsch ang nobyo.
"Pero mahal na mahal mo kaya patay na patay ka talaga. Hahaha." Tawang tawa na si Diego.
"Feeling ka talaga." Napahalukipkip pa si Kirsch na kunwari ay naasar sa binata.
Inilapit ni Diego ang ulo ni Kirsch at dinampian ng halik.
"Gusto ko ganito tayo yong ang cool lang natin. Di tayo nag aaway tapos ang sweet mo lang." Inaamoy amoy pa ni Diego ang ulo ni Kirsch.
"Hindi naman ako mang aaway kung magpapakabait ka eh." Sagot pa ni Kirsch.
"Ayaw talaga magpatalo." Natatawa pang sabi ni Diego.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...