Chapter 48: Cravings

2K 67 6
                                    

Maagang nagising si Kirsch dahil sa asim ng sikmura nya, bumangon sya at pumunta sa banyo at nagsuka. Nag umpisa bigla ang morning sickness nya. Ayon sa nabasa nya, di naman lahat ng pagbubuntis pare pareho. Nang unang mga linggo halos wala syang naramdaman maliban sa pagiging bugnutin nya at cravings nya sa seafoods. Pero ngayong umaga ay iba naman, nag umpisa sya magsuka. Matapos nya magduwal ay naupo sya saglit.

"Baby Strawberry naman eh, huwag mo naman pahirapan si Mommy." Mahinang sabi ni Kirsch habang hinahaplos ang tyan.

Biglang bumukas ang pintuan sa banyo at naabutan ni Diego na nakaupo si Kirsch.

"Ok ka lang ba Babe? Anong nangyari sayo?" Nag aalala at medyo OA na pagtatanong ni Diego.

"Ito, si Baby Strawberry di mapakali." At bigla na naman syang tumayo at nagduwal na naman sya.

Hinagod ni Diego ang likod ni Kirsch habang naduduwal.

"Huwag mo hagurin ang likod ko." Bigla bigla ay nagalit si Kirsch.

Nagulat si Diego kaya tumigil ito at tumahimik nalang.

Nang medyo tumigil na ang pagduduwal ni Kirsch ay bumalik ito sa kama. Matapos maghilamos at mag toothbrush ay pinuntahan ni Diego ang asawa.

"Ok na ba pakiramdam mo? Gusto mo kumain o kuha kita maiinom?" Nag aalalang tanong ni Diego.

"Huwag mo muna akong kausapin. Nahihilo ako." Reklamo ni Kirsch habang nakapikit.

Bumaba na muna si Diego at pumunta sa kusina.

"Good Morning Diggy, ano gusto mong almusal, gusto mo ba ipagtimpla kita ng kape?" Bati ni Yaya Ingrid sa alaga.

"Good Morning, Ya. Mag tea nalang po ako. Ya, nagduduwal po si Kirsch at nahihilo, ano po ba pwede ko ipainom o ipakain ko sa kanya?" Nalilito ng tanong ni Diego.

"Normal lang namam yan sa buntis, crackers lang ang iinumin depende kung anong gusto nya 'nak. Nagbabago kasi ang katawan ng asawa mo dahil may buhay na nabuo sa katawan nya, kaya habaan mo ang pasensya mo. Napagalitan ka na naman ba?" Nakangiting tanong ni Yaya Ingrid.

"Medyo po, ang sungit nya talaga ngayon. Hinagod ko lang naman ang likod nya kasi nagduduwal, ayaw nya. Tinatanong ko ano gusto nya kainin pinatatahimik ako." Nagsumbong na ng tuluyan si Diego sa yaya nya.

"Intindihin mo na lang anak. Ganyan talaga. Hindi madaling magbuntis. Darating ang oras na basta nalang iiyak yan ng di nya alam. Masyadong mataas ang emosyon ng nagdadalang tao, at bilang asawa habaan mo ang pasensya mo at suportahan mo lang. Huwag mo sabayan ang emosyon ng asawa mo." Payo pa ni Yaya Ingrid kay Diego.

"Kaya nga po bumaba muna ako, walang ano ano, bigla nalang magagalit sa akin. Naawa naman ako sa kanya pag nakikita ko sya nagduduwal." Naguguluhang kwento ni Diego.

"Habaan mo ang pasensya mo 'nak, di naman din madali ito para sa asawa mo. Suportahan mo lang sya kahit nagsusungit, huwag mong personalin, di lang din talaga maintindihan ng buntis ang nararamdaman nila. Baka ikaw pinaglilihian, ayaw mo non kamukha mo magiging anak nyo."  Pampalubag loob ni Yaya Ingrid.

Napangiti si Diego sa idea na kamukha nya ang magiging anak nila ni Kirsch.

Kumuha sya ng ilang crackers at tsaa para kay Kirsch at inakyat sa kwarto. Pero tila nakatulog ulit ang asawa. Nilapag nalang muna ni Diego ang dalang pagkain at umupo sa kama. Pinagmasdan si Kirsch.

"Ang Mommy ng mga magiging anak ko. Sana huwag naman sya mahirapan sa pagbubuntis." Naisip ni Diego habang pinagmamasdan ang asawa. Inayos pa nito ang buhok ni Kirsch at pinagmasdan nya lang ito habang natutulog. Gandang ganda sya sa asawa lalo na pag matagal nya itong tinititigan. Tila naramdaman naman ni Kirsch na pinagmamasdan sya ni Diego kaya napamulat ito.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon