Chapter 51: Weekend

977 36 9
                                    

Nagplano sila na mag outing dahil nga weekend naman. Pinatawagan ni Kirsch si Markus para makasama sa kanila. Nang tumanggi si Kim nakumpirma nila na may tampuhan nga ang kapatid at nobyo nito. Kaya si Kirsch na ang tumawag kay Markus para anyayahan ito sa outing nila. Nahihiyang tumanggi si Markus sa kapatid ng nobya kaya napapayag ito. Halatang iniiwasan ni Kim ang nobyo habang nasa byahe sila kaya di na tinukso ni Kirsch at Kelly ang kapatid. Magkatabi sila sa byahe at halatang sinusuyo naman ni Markus si Kim.

Sa isang resort na pag aari nila Diego sa Batangas sila pumunta. Isa itong private resort na usually ay inuupahan para sa isang event kung gusto nila ng privacy. Usually ay kasalan, debut or birthday ang binobook dito. Dahil low season naman ay walang nakabook na event sa resort kaya nagkaroon sila ng privacy kahit papaano. Excited si Kelly pagkakita palang sa dagat, lumabas ulit ang pagiging bata nito. Panay naman ang alalay ni Diego kay Kirsch, pero sinasaway sya ni Kirsch dahil kaya nya naman na. Isang bonggalow cottage ang ibinigay sa kanila na may tatlong kwarto. May sariling pool pero may access sa dagat. Halos lahat ng gamit na kakailangan nila ay nandoon na. Pagpasok nila sa bonggalow ay pumili na ng kwarto nila si Kirsch. Nahuling pumasok si Kelly.

"Ate, ano isang kwarto lang ba kayo ni Kuya Markus para solo ko 'yong isang kwarto." Pabulong na panunukso ni Kelly kay Kim.

Pinandilatan ni Kim ang bunso kaya tumahimik ito. Lihim naman napangiti si Markus.

Pinili ni Kim ang isang kwarto at sila ni Kelly ang magkasama at si Markus ay solo sa isang kwarto.

Pumasok na sila sa kanikanilang kwarto at inayos ang mga gamit nila.

Habang inaayos ni Kirsch ang gamit nilang mag asawa ay naramdaman niyang niyakap sya ni Diego sa likod at hinalikan sya nito sa balikat.

"Maghoneymoon ulit tayo." Nangingiting bulong ni Diego kay Kirsch.

Hinampas ni Kirsch ang asawa.

"Magtigil ka, ang laki laki na nitong tyan ko." Naiiling na sabi ni Kirsch.

"Magagawan ko naman ng paraan eh. Gawin nating triplet yan." Hinimas pa ni Diego ang tyan ni Kirsch habang hinahalik halikan ang balikat ng asawa.

"Ikaw, porke't hindi ikaw nagbubuntis puro ka kalokohan." Hinarap na ni Kirsch ang asawa at pinandilatan.

Natatawa si Diego pero di binitawan ang asawa sa pagkakayakap nya dito. Magsasalita pa sana si Kirsch pero napatahimik sya ng hagipin ni Diego ang labi nya at siniil nya ito ng halik.

Di na nakatanggi si Kirsch gumanti naman sya sa halik ng asawa. Maya maya pa ay nararamdaman nya na binubuhat na sya ng asawa papunta sa kama nila.

Pumalag si Kirsch ng nakalapat na ang likod nya sa kama. Hinampas nya ulit ang asawa.

"Tama na, alam ko yang binabalak mo. Ikaw talaga, kahit butete na ako ayaw mo pa din akong tigilan." Nandidilat ang singkit na mata ni Kirsch habang nakadagan sa kanya ang asawa.

"Anong butete? Ikaw kaya ang pinakasexy na buntis na nakita ko. At ikaw lang ang sexy sa paningin ko. Kaya nga di ko mapigilan ang panggigil ko sa'yo eh." Pilyo pa din ang pagkakangiti ni Diego at sinimulan nya ng halik halikan ang leeg ni Kirsch.

" Pilyo pa din ang pagkakangiti ni Diego at sinimulan nya ng halik halikan ang leeg ni Kirsch

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon