Madaling lumipas ang tatlong linggo at maayos na nailatag ang mga preparasyon para sa nalalapit na Kasal ni Kirsch at Diego."This is it. Almost done na Ate. We are now down sa last week ng preparation. At alam mo na mabilis nalang 'to we will be very busy. May Despedida de Soltera ka by Wednesday sa thursday ang prenup pictorial at friday final rehearsal dinner for wedding tapos sa Sunday na ang kasal. Excited ka na ba Ate sa new chapter ng buhay mo?" Panimula ni Kelly habang chinicheck ang mga to do list nya for the wedding day. Nang makita na halos lahat at nagawa nya na si Kirsch naman ang kinausap nya.
Hapon noon at anim na araw nalang bago ang kasal. Kasalukuyang nasa bahay sila ng mga Tan kasama syempre si Diego dahil hinatid na nila ang huling batch ng wedding invitations.
"Excited ako sa maraming bagay at the same time kinakabahan,nalulungkot, masaya, ganoon mixed emotions. Excited ako na magiging Mrs. Diego Laxa na ako, madami kaming madidiscover sa isa't isa. Kailangan ko tiisin ang mga tupak nya ganoon din sya sa akin. Kinakabahan na bagong environment at role ang gagalawan ko sa Manila at bilang asawa ni Diego. Nalulungkot ako iiwan ko kayo nila Daddy at Mommy at ang Masbate. Masaya sa bagong journey at adventure ng buhay may asawa. Basta ganoon alam mo yong naghahalo halo lahat sa utak ko yon." Nakangiti na tila naluluhang kwento ni Kirsch sa kapatid.
Tamang wala si Diego sa tabi nya dahil nakikipagkwentuhan ito kay Daddy Bert. Mukhang Basketball ang topic.
"You know ate, parang mamimiss din kita pagwala ka na dito. Tsaka alam mo na busy tayo sobra tapos mawawala ka na dito. Pero parang lang naman." Natawang sabi ni Kelly.
"Ikaw talaga, mamimiss mo ang ate mo pag wala na ako dito kala mo. Pag medyo mahaba bakasyon mo dalawin mo ako sa Manila ha. Isama mo si Mommy at Daddy." Sabay niyakap ni Kirsch ang bunsong kapatid.
Napansin ni Diego na nagdradramahan ang magkapatid kaya lumapit sya dito.
"Anong nangyari?" Mausyosong tanong ni Diego.
"Wala naman kailangan ba may mangyari bago ko yakapin ang bunso kong kapatid?" Mataray na sagot ni Kirsch.
"Eh di yakapin mo din ako." Paglalambing ni Diego sa mapapangasawa.
"Hay naku, si kuya Diego, nang aagaw ng moment. Masosolo mo na nga si Ate eh." Panunukso ni Kelly sa magiging bayaw habang naglalambing pa sa ate nya.
Maya maya ay bumukas ang pintuan at bumungad ang isa pang dalaga ng mga Tan si Kim kasama si Markus.
"Ayan na pala sila Kim. Bat di kayo tumawag para masundo kayo." Unang bumati si Diego. Sabay lapit kay Kim para bumeso at kay Markus ay may brotherly na yakap na naganap.
Napalabas si Mommy Karen at Daddy Bert ng marinig na dumating ang isang anak na galing sa Maynila.
"Naku kuya ayaw na namin kayo abalahin alam naman namin na busy kayo." Sagot ni Kim kay Diego. Sabay lumapit na sa mga magulang at kapatid para yumakap at humalik.
Nang makayakap ni Kim si Kirsch biglang naluha si Kirsch.
"Anong drama yan Ate? Sa sunday ka na umiyak." Natatawang pagbibiro ni Kim sa Panganay na kapatid.
Nahampas ni Kirsch si Kim dahil binisto ng huli na umiyak sya.
"Masyado lang ako emotional na kumpleto tayo. Ewan ko ba ano nangyayari sa akin, bakit naging iyakin ako bigla. Hi Markus, thank you sa pagsama mo sa kapatid ko." Sabay bati ni Kirsch sa kasintahan ni Kim.
Nangiti lang si Markus, at nagmano kina Mommy Karen at Daddy Bert.
Nagkumustahan ang pamilya Tan, habang pasimpleng tumabi si Diego kay Kirsch.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...