Pagkapasok sa sasakyan ay hinawakan agad ni Diego ang kamay ng asawa.
"I love you wifey." Bulong nya kay Kirsch.
"I love you, Babe." Sagot ni Kirsch.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Kirsch dahil sa honeymoon ay si Diego ang nag asikaso kaya wala syang idea kung saan sila pupunta.
"Surprise nga, pero dito lang tayo sa Pilipinas 'wag ka mag alala." Sagot ni Diego.
Dumating sila sa airport at nag antay sa byahe papunta sa Palawan. Tama lang ang dating nila matapos nila mag check in ay nagboarding na sila. Habang nasa eroplano ay hinilig ni Kirsch ang ulo niya sa balikat ng asawa nya, ang mga kamay nila ay di naghihiwalay. Panakanaka ay dinadampian ni Diego ng halik ang ulo ni Kirsch. Marahil dahil sa pagod ay nakaidlip si Kirsch. Tinapik lang ni Diego amg asawa ng sabihin ng piloto na malapit na sila. Pagdating sa Palawan ay umuulan kaya di pwede magbyahe ang malililiit na airboats.
"Saan ba kasi dapat tayo pupunta?" Tanong ni Kirsch sa asawa.
"Suprise sana pero dapat sa private resthouse namin na malapit nalang dito pero di pwede magbyahe ang airboat kya kailangan natin magpalipas ng gabi at magpatila ng ulan. Sorry at pumalpak ang honeymoon plan ko Babe." Medyo nalungkot na sabi ni Diego.
"Basta kasama kita at kasal na tayo honeymoon na yon kahit saan pa na lugar ok. Huwag kang oa." Pagpapalubag ni Kirsch sa loob ni Diego.
Dumating ang sasakyan nila na maghahatid sa kanila sa hotel na titirahan nila. Bago pa man sila nakarating sa Palawan ay nag message na pala ang piloto ng sasakyan nila na baka nga di sila makabyahe dahil sa biglaang pag ulan kaya nakapagpabook na ang secretary ni Diego sa hotel na tutuluyan nila. Naabisuhan din ang hotel na honeymoon suite ang ibigay at bagong kasal nga ng mag asawa.
Pagcheck-in ay pumunta na sila sa kwarto nila. Bago pa buksan ni Diego ang pintuan ay nagulat si Kirsch ng bigla sya nitong buhatin.
"Anong kalokohan yan Babe." Natatawang sabi ni Kirsch habang buhat sya ni Diego.
"Syempre kahit hindi talaga dito ang honeymoon natin kailangan ang traditional na pagbuhat papasok sa unang kwarto na pagsasamahan natin, well bilang mag asawa." Nakangiting paliwanag ni Diego.
Habang buhat buhat ni Diego si Kirsch ay marahan nyang hinalikan ang asawa hanggang nag init ang mga halik nito. Hinayaan naman ni Kirsch ang asawa dahil karapatan nya ito at obligasyon nya magbigay sa gusto ng asawa dahil kasal na sila. Nang maglayo ang mga labi nila ay napangiti si Diego.
"Asawa na nga kita. Di mo na kasi ako sinasaway pag hinahalikan na kita eh. I love you, Babe." Nakangiting sabi ni Diego at dinampian ulit ng halik si Kirsch.
"Loko loko ka talaga, ibaba mo na ako at mamaya darating na ang maghahatid ng gamit natin." Natatawang sabi ni Kirsch.
Ibinaba ni Diego ang asawa, tamang may kumatok sa pintuan nila. Inihatid na nga ang mga gamit nila.
"Do you want to go down and have dinner or magpa room service nalang ako at dito nalang tayo kakain?" Pakindat na sabi ni Diego na tila nanunukso sa asawa.
"Ikaw bahala, kung ano gusto mo." Sagot ni Kirsch.
"Magdinner nalang tayo sa baba, baka makulob sa amoy ng pagkain ang kwarto natin." Suhestyon ni Diego.
Kaya nagpalit sila ng damit at nag freshen up para bumaba at mag dinner.
Nagulat sila dahil naka reserve na ang table sa kanila sa isang espesyal na honeymoon set up.
"Ang bilis naman naayos ni Teresa ang ganito. Bibigyan ko talaga ng bonus yang sekretarya ko na yan." Nakangiting sabi ni Diego.
"Sayang lang at di na sya ang sekretarya mo sa Manila branch. Padalhan din natin sya ng regalo sa pag organise nito." Sabi ni Kirsch.
BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...