Chapter 9: A Warm Welcome

1.3K 63 1
                                    

Umuwi muna si Kirsch sa bahay para magpalit ng damit para sa Party. Nagmamadali sya na mag quick shower at nagpalit na ng damit. Napili nyang suotin ang Simple Short Black Dress di naman super short at di revealing. Ayaw nya makaagaw ng eksena sa party. Nag simple make up lang din sya ayaw nya magmukhang over made up. Sinuot nya din ang kanyang silver open stilettos na paborito nya suotin pag may event. Hinayaan nya lang na nakalugay ang buhok nya na lagpas balikat at nilagyan nya lang ng curly touch gamit ang curling iron. Ginamit nya din ang maliit nya naparty clutch na pede pag sidlan ng kanyang phone, maliit na wallet, lipstick at maliit na powder pang retouch. Tinawagan nya na si Mariel dahil sabay sila pupunta sa party.

Pagkakita na pagkakita ni Mariel sa BFF literal na napanganga ito.

"Omg, as in ang ganda mo ngayon. Super simple pero nag glow ka. Hmmm umamin ka in love ka ba? Oh emm gee.. wag mo sabihin in love ka kay Diego? Si SIR DIEGO." Excited na kinikilig na sabi ni Mariel.

"Sira ka talaga. Baka lang fertile ako kaya maganda ako sa paningin mo. At medyo matagal tagal na din ako di nag aayos kaya cguro naninibago ka sa itsura ko. Tsaka hello kahit naman papaano nag mamake up ako sa opisina masyado ka lang OA ngayon." Mataray na sabi ni Kirsch sa kaibigan.

Matapos nila magtuksuhan ay nagpaalam na sa magulang si Kirsch.

"Mommy, Daddy medyo gagabihin na cguro ako sa party. Huwag nyo na ako hintayin at dala ko naman ang susi ko." Nagpaalam at humalik na si Kirsch sa mga magulang.

Pagpasok nila sa Party Hall ng kompanya ay di pa gaano madami ang tao doon kaya hinanap na ni Kirsch at Mariel ang table para sa Accounting Department. Syempre laging on time si Miss Flo kaya nasa table na sya binati ng magkaibigan ang Head ng Accounting sabay umupo sa dalawang magkatabing bakanteng upuan. Medyo malapit sa unahan ang table ng accounting kaya tanaw ni Kirsch ang pamilya Laxa. Nagtama ang mata ni Diego at ni Kirsch. Mahinang tinanguan ni Diego si Kirsch.

Unti unti ng napupuno ang Party Hall. At impunto alas 8 ay naghudyat na ang event organizer na mag uumpisa na ang Party. Tinawag na si Mr. Anton Laxa para sa kanyang speech.

"Thank you everyone for joining us tonight for officially welcoming my Son, Diego in our company. I want to specially thank the board of directors for welcoming my son and of course each of every one of you here tonight. And to officially welcome him to you I want to call my Son Diego Angelo Laxa here up the stage." Nagpalakpakan ang mga tao habang umaakyat si Diego sa stage.

"Thank you everyone for the warm welcome I received since this morning. I dont want to keep you from any boring speech, I just want to have a wonderful working atmosphere with you. I hope you will consider me also as part of Laxa Inc. Company not because im the son of THE ANTON LAXA but as one of you guys. So let us enjoy the night. Lets enjoy the night with food,drink and music. Enjoy and have a wonderful night." Maigsing speech ni Diego at nag upisa na ang kainan.

Tumayo na si Mariel at Kirsch sa Buffet Table. Habang nakapila sila ay matamang nakatitig lang si Diego kay Kirsten. Biglang dumating si Arjay. Invited din sya dahil sya ng provide ng live singer para sa event.

Nag bro hug at mag pinsan at bumati na din si Arjay sa Tito Anton at Tita Cecille nya. At umupo na si Arjay sa tabi ni Diego. Nakatitig pa din si Diego sa may buffet table kaya na curious si Arjay sa kung sino tinitignan nya.

"Uy si Kirsten Tan yon di ba? Ang iyong first love. Bro infairness maganda pa din sya at boss ka na nya ngayon. Single pa din ba sya? Baka ito na pagkakataon mo. Baka totoo ang first love never dies para sayo." Panunukso ni Arjay sa pinsan.

"Sira, matagal na yon. Anong first love ka jan. Wala lang yon no. Masyado kang malisyoso." Natatawang sabi ni Diego kay Arjay.

Habang kumakain si Mariel at Kirsch, napansin pala ni Mariel na panay ang tingin ni Diego sa kanila.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon