***Diego's POV***Pagdating sa bahay tinanong ni Diego kung nasa bahay na ba ang Mommy or Daddy nya. Ngunit dahil wala pa si Yaya Ingrid lang ang inabutan nito.
"Yaya pag dating ng Daddy at Mommy pakitawag ako sa kwarto. Mag shower lang ako at magbabasa ng mga notes ko
"Ok Diggy akyatin kita pagdating ng Daddy at Mommy mo." Sabi ni Yaya Ingrid.
Nakaidlip na si Diego ng mahinang kumatok si Yaya Ingrid.
"Diggy, andiyan na ang Daddy at Mommy mo bumaba ka na din para mag dinner kayo." Mahinang sabi ni Yaya Ingrid habang nakasilip sa may pintuan ng kwarto ni Diego.
Inayos lang ang nagulong buhok at bumaba na din si Diego.
Humalik sa Ina at nagmano sa Ama si Diego bago maupo sa kanyang pwesto sa hapag kainan.
"Inaantay mo daw kami." Panimula ng Daddy Anton ni Diego.
"I was just thinking Dad,next week ay finals na namin and I've decided na ipagpatuloy ang pag aaral ko abroad. I checked online at nakita ko maganda ang standard ng teaching sa Singapore Management University. And since balang araw ako naman mamamahala ng mga negosyo natin naisip ko lang na mas mabuti mag invest tayo sa lahat ng bagong matututunan ko abroad." Mahabang pagbibida ni Diego sa ama.
"Matagal na kitang iniencourage to take Business course abroad pero ayaw mo. Ni sa maynila nga ayaw mo. What makes you decide now na mag aral abroad." May pagtataka sa tono ni Daddy Anton
"After finishing this semister na realize ko lng mas maganda sa credentials ko kung sa abroad ako mag aaral at don na din ako mag MBA after." Pangangatwiran ni Diego sa Ama.
Pero ang totoo gusto nya lang iwasan si Kirsch. At gusto nya mas lalong may mapatunayan sa sarili kaya gusto nya mag aral ng mabuti. Para balang araw kainin ni Kirsch ang sinabi nya na never ever sya magkakagusto sa akin at never ever nya akong papatulan.
"Pero anak di ko ata kaya mahiwalay sa Baby Boy ko." Pag aalala na may halong paglalambing ni Mommy Cecile sa nag iisang anak.
"Mom, 3 oras lang nasa Singapore ka na you can visit me as often as you want." Naglalambing din sa Ina na sambit ni Diego.
"And besides lagi ka naman nagtatravel para mag shopping at least ngayon pede mo na idahilan kay Dad na bibisitahin mo lang ako." Pagbibigay Idea pa ni Diego sa Ina.
"Ok then ipapahanda ko na ang condo unit natin sa Singapore para don ka na tumuloy. I will inquire sa mga Business partners ko kung may connection sila jan sa eskwelahang napili mo. Wala naman problema sa grades mo dahil consistent ka naman na dean's lister. So kung di na tututol ang Mommy mo pede ka na byumahe in 2 weeks para paghandaan ang pag aaral mo doon." Nakapagplano na agad ang Daddy ni Diego. Ganoon ata talaga mag isip ang mga business man. Kakabigay mo palang ng idea nakapagplano na sila ng mga dapat gawin.
"In 2 weeks,bakit naman agad agad paalisin mo na ang anak natin." Naalerto at nag alala bigla si Mommy Cecille.
"Para magamay nya ang lugar sa Singapore bago mag umpisa ang klase tsaka para makahabol sya sa October na klase. Malamang madami pa syang gusto gawin bago mag umpisa ang eskwela nya doon." Pagdepensa naman ni Daddy Anton sa mabilisan nyang desisyon.
"Pwede naman cguro natin pakiusapan si Arjay to join you and study there in Singapore. Di ko lang kasi maimagine na after 17 years na lagi mo kaming kasama tapos bigla ka mag sosolo at sa abroad pa." Nag aalala pa din si Mommy kay Diego.
"Mom, di ko kailangan ng yaya or body guard no." Nangingiting pagtanggi ni Diego.
"Ah basta tatawagan ko ang Tita Arlene mo para palipatin na din sa Singapore si Arjay para may makasama ka."Tila ayaw na din magpaawat ni Mommy Cecille dahil kinuha agad ang phone nya at tinawagan ang kapatid ng Daddy nya.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...