Chapter 7: Deal or No Deal

1.1K 71 3
                                    

Pag dating ng Mag Ina sa Mansyon ay naroon na di Si Mr. Anton Laxa, kasalukuyang Presidente ng Laxa Inc. At may major stock sa kumpanya.

Yumakap at bumeso ang kanyang Misis at ng mano naman ang anak. Kahit nanatili ang binata sa Singapore ng ilang taon ay di pa din nya nakakalimutan kung paano gumalang sa kanyang mga magulang.

"Welcome back hijo." Niyakap ng ama ang anak bilang pagbati sa muli nitong pagbabalik Pinas.

"Mukhang hiyang na hiyang ka sa Singapore ah. You look great. Kaya pala madami akong naririnig tungkol sayo. Di ko akalain na magiging playboy ang mahiyain at nerd kong anak." Di mawari kung proud ba o nang iinsulto ang ama.

"Nakahanda na ang lamesa for our Dinner. Naghanda si Yaya Indrid ng mga paborito mong pagkain." Sabay sabay na ang pamilya tumungo sa Dining table.

Ah nakakamiss may Bicol express, laing, sisig at Kare kare di tuloy malaman ni Diego kung saan sya mag uumpisa.

"Grabe na miss ko to idea mo ba to Yaya Ingrid, alam na alam mo talaga mga paborito ko." Takam na takam na sambit ni Diego

Di magkanda ugaga si Diego sa pagkain pero di nya na kinaya. May dessert pa na leche flan, ube halaya at matatamis na manggang hinog.

"Yaya Ingrid, yong natirang ulam ngayon ipagtabi nyo ako may round two pa ako sa mga yan bukas." Parang bata na takam na takam sa mga pagkain si Diego.

Natutuwa naman nakatitig ang mag asawang Laxa sa nag iisang anak.

"Tomorrow is Sunday kaya may isang araw ka pa para mag relax because by Monday ay ibang usapan na yon. I'll introduce you to the board as new Vice President for Operations and Planning." Di pinalampas ng ama ang pagkakataon to talk about Business.

"Bakit sa Operations and Planning Dad. Di ba dapat i train nyo na ako to be President at CEO para makapagpahinga na kayo." Tila nagrereklamo na sabi ni Diego.

"Not so fast Hijo. Kailangan ko malaman muna ang strengths and weaknesses mo. I know you did a very great job sa Singapore sa branch natin don as a CEO pero iba dito sa Pinas mas malawak ang sakop mo dito, and honestly yong pambababae mo isa din sa ikinababahala ko." Prankang sabi ni Mr. Laxa sa anak.

"Ano naman kinalaman ng pambababae ko sa kompanya Dad? Never ko naman pinagsabay ang babae at negosyo." Medyo napipikon na ang binata sa ama.

"My point is pede gamitin ang pambababae mo against you and if you will be the next President of Laxa Inc. You will represent the company and di ko papayagan madungisan ito dahil sa pambababae mo." Strikto at derechang sambit ng Ama.

Humingi ng kape ang mag anak at medyo tahimik na ang pamilya medyo nagkakainitan na ang usapan kaya kanya kanya nalang silang nagpigil ng mga gusto pang sabihin.

Matapos mag kape ay magalang na nagpaalam si Diego sa mga magulang.

Yumakap ang binata sa ama at humalik sa noo ang binata sa Ina. Kahit medyo naging mainit ang diskusyon ng mag ama marunong pa din gumalang ang binata sa nakatatandang Laxa.

Ng wala na ang binata ay naglakas loob nagsalita si Mommy Cecille.

"You went a little overboard on that one. Di naman napapabayaan ni Diego ang negosyo. Inaamin ko against ako sa pambababae nya pero di ba masyadong harsh na ang nasabi mo." Pagdepensa ng Ina sa nag iisang anak.

"Intindihin mo din ang Kalagayan ko Hon. Kailangan ko maging presidente ng kumpanya at maging ama at the same time. Isipin mo na si Diego ang future na may ari ng Laxa Inc. Nakasalalay sa kanya ang kabuhayan ng libo libong pamilya. There is no room for mistake pag nakaposisyon na sya. But I think I already thought of a better solution sa pambababae nya. And I'm gonna serve him that tomorrow.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon