Nakatulog si Kirsch na nakayakap kay Diego.
"Totoo na 'to. Boyfriend ko na talaga sya. Di na dahil sa usapan lang namin." Tila kinikilig si Kirsch sa idea na totoo na talaga ang relasyon nila.
Napatingin sya sa orasan 3 am. Nauuhaw sya at kailangan nya magbanyo. Dahan dahan sya bumangon at nagpunta sa banyo. Pagkatapos ay pumunta sya sa kusina para kumuha ng tubig.
Di na muna sya bumalik sa kwarto umupo sya sa dining table habang hawak ang iniinom nyang tubig. Napansin nya ang mga sulat na nakapatong sa dining table at mga newsletters. Wala sa loob nyang binuklat buklat ang mga newsletter ng may isang sulat ang nakaagaw ng pansin nya. Isang sulat mula sa isang law firm. Kahit ayaw pakialaman ni Kirsch ang sulat ay nacurious sya. Binasa nya ito ng pahapyaw pero nagulat sya ng makita ang pangalan nya kaya binasa nya na. Ito pala ang kasunduan nila tungkol sa pagpapakasal at pagpapagamot nya sa Daddy nya. Lahat ng kondisyon ay nandoon. Lahat ng napag usapan nila. Napansin nya din na hindi ito ang law firm na gamit ng Laxa Inc.
"So pinagawa nya pa sa ibang law firm. Naninigurado sya? Sabagay businessman sya. Pero ano yong kagabi? Palabas lang ba yon? Gusto nya lang ba manigurado na di ako aatras sa usapan. Gusto ko maniwala na totoo yon kasi yon ang sinisigaw ng puso ko pero iba sinasabi ng utak ko. Gusto nya akong paniwalain na mahal nya ako para di ako umurong sa usapan kasi nakapagpalabas na sya ng pera. Ang sakit naman. Pakakasalan ko naman sya eh. Kung gusto nya pa habang kasal kami magbabayad ako." Litong lito si Kirsch dahil sa nabasa nya. Nagtatalo ang isip nya kung ang pagsabi ni Diego na mahal nya ito ay kasama sa kasunduan. Para mapaniwala sya.
"Ang sakit naman kailangan nya ba gawin yon. Pwede naman sundin ang kasunduan ng walang kasamang damdamin bakit kailangan gawin nya to? Gusto nya ba ako saktan?" Ang daming tanong na naglalaro sa utak nya hanggang maluha sya.
"Tigil na Kirsch, babalik ka pa sa ospital. Madami ka pang dapat harapin. Kung yan ang laro na gusto nya sumakay ka lang. Mahal mo na sya oo. Ano masama kung mahal mo sya at sya di ka mahal. Kung mahal mo handa ka naman talaga masaktan di ba? Hay ewan ko nalang talaga." Pinunasan nalang ni Kirsch ang ayaw patigil na mga luha na lumalabas sa mata.
May nakita sya ballpen kaya pinirmahan nya na ang kasunduan. Para di na mahirapan si Diego na papirmahin sya. Tapos binalik nya kung saan ay paano nya nakita ang kasunduan. Pagkatapos ay bumalik sya sa kwarto. Tulog pa din si Diego. Bumalik sya sa kama at tinitigan nya si Diego.
"Ano bang gusto mo mangyari? Ano ba kasalanan ko sayo para paglaruan mo ang damdamin ko? Di kita mabasa Diego. Di ko alam ang plano mo." Mga katanungang naglalaro sa utak ni Kirsch.
Di nya alam kung bakit pero may tumulak sa kanya na yakapin si Diego. Yakap na tipong kumukuha sya ng sagot sa yakap na yon. Yakap na tipong panghahawakan nya para maniwala at magtiwala na may totoo sa sinasabi ni Diego. Muli syang nakatulog na nakayakap lang kay Diego.
Nagising naman si Diego na nakayakap si Kirsch. Natatawa pa sya at medyo basa ang dibdib nya.
"Tumulo ata ang laway sa pagod." Nangingiting naisip ni Diego.Kung alam lang ni Diego mga luha yon ni Kirsch na pumatak kakaisip ng mga negatibo dulot ng nabasa nyang sulat sa abogado ni Diego.
Niyakap nya ang dalaga.
"Ngayon akin ka na talaga. Girlfriend na kita. Hindi na ako maprapraning kakaisip na kaya ka lang sweet sa akin dahil pinagamot ko si Daddy Bert. Ikaw na ang gusto ko makasama habang buhay." Pangako ni Diego sa sarili nya.Naka idlip ulit si Diego pero nagising sya ng pasado alas 7 na.
"Baka kailangan na namin bumalik sa ospital. Baka gusto na din ni Kim magpahinga." Naisip ni Diego.
Di nya na ginising si Kirsch, mabilis na bumangon na sya para nagshower at nagluto ng almusal.
"Mabuti nalang at naabisuhan ni Mommy si Nilo at pinabili ng basic needs namin." Naisip ni Diego.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...