Chapter 41: New Chapter

1.7K 72 16
                                    

Pagkalabas nila Diego sa airport ay nag aantay na si Nilo sa kanila sa labasan. Binati nya ang mga amo sa kanilang kasal at saka isinakay na ang mga gamit nila sa sasakyan. Nagulat si Kirsch na nakita nya ang mga gamit nya at tila gamit ni Diego na nasa compartment ng sasakyan. Kaya pinaliwanag na ni Diego sa asawa na pinadala na nila doon via air cargo at pinick up nalang ni Nilo kaya sabay lang nila ang mga gamit nila pagdating sa bagong bahay nila sa Maynila.

Nalula si Kirsch sa laki ng bahay na tutuluyan nila. Nasanay kasi sya sa bahay nila sa Masbate, bigla nya tuloy na miss ang mga magulang. Pagpasok ng sasakyan sa loob ay inaantay na sila ng mga makakasama nila sa bahay. Pagbaba ay nagulat si Kirsch na nandoon si Yaya Ingrid.

Binati sila ng mga sumalubong sa kanila. Dahil si Yaya Ingrid lang ang kilala ni Kirsch ito ang una nyang binati.

"Yaya Ingrid, buti andito kayo di ako gaanong maninibago." Bati sabay yakap ni Kirsch sa yaya ni Diego.

"Pinapili ni Mam Cecille si Diego kung sino gusto nya isama dito at ako ang pinili nya, buti nga at pumayag si Mam Cecille at mapapalapit din ako dito kina Nilo at apo ko." Maigsing paliwanag ng may kaedaran na din na babae.

Niyakap din ni Diego ang halos nagpalaki na sa kanya. Ito na halos ang pangalawang ina nya. Kapag busy ang Mommy nya noon ito ang kasama nya sa bahay, sa eskwela at sa extra curricular activities na sinasalihan nya. Kaya bukod sa mga magulang nya si Yaya Ingrid ang gusto nyang kasama sa pagbuo ng sarili nyang pamilya.

Matapos ang kumustahan ay umakyat na ang mag asawa sa kwarto nila.

"Welcome to our new home. Dito tayo bubuo ng pamilya natin. Kung may gusto kang baguhin sa kwarto at sa buong bahay magsabi ka lang. No need ng approval ko dahil ikaw na ang reyna sa bahay ba ito." Pagkasabi noon ay niyakap pa ni Diego ang asawa.

Napakalaki ng kwarto nilang mag asawa meron pang walk in cabinet kumpleto sa gamit may tv, study table na may computer, maliit na ref, mini dining area at may malaking sliding door papunta sa balkonahe. Kwarto palang nila ay pwede na gawing bahay ng simpleng mapamilya.

"Napakalaki ng kwarto natin magkikita pa kaya tayo dito ng madalas." Nakangiting tanong ni Kirsch sa asawa.

"Kaya kailangan palagi tayo magkadikit para di tayo mawala diba." Panunukso ni Diego sa asawa.

Sabay yakap nito sa asawa at ibinuwal sa may kama at agad agad na hinalikan ang asawa.

Hinampas ni Kirsch ang asawa.
"Ikaw talaga kung ano na naman yang binabalak mo. Kakarating lang natin, di pa natin naayos ang mga gamit natin at ang lagkit ng katawan natin ano ka ba." Natatawang sabi ni Kirsch, kahit nagpipigil ay halata naman ang kilig sa boses nito lalo na at di maalis ang ngiti sa mga labi nya.

Kaya di nagpapigil si Diego pinaghahalikan nya pa din ang sa may bandang leeg ni Kirsch.

"Malagkit ba? Parang di naman." At patuloy sa paghalik si Diego sa asawa.

Hanggang di na napigilan ni Kirsch ang asawa at nauwi sa pag iisa ng katawan nila ang simpleng lambingan.

"Ikaw talaga, di ka pa din nagsasawa halos araw araw na natin 'to ginagawa." Tila nahihiya na si Kirsch, matapos nila "maglambingan" ng asawa.

"Ako magsasawa? Never ata mangyayari yon. Bakit sawa ka na ba, Babe?" Tila nag aalalang tanong ni Diego sa asawa.

"Hindi naman pero simula kasi ng makasal tayo halos inaaraw araw mo na ako. Baka magsawa ka naman at maghanap ng iba." Paliwanag ni Kirsch sa asawa.

"Ang kulit, sabi na di ako magsasawa at di ako maghahanap ng iba. Ikaw lang dapat, sapat na. Ok?" At kinurot pa ni Diego ang ilong ng asawa.

"Naku nilinyahan na naman ako ng asawa ko. Napakafafall mo talaga. Asawa na nga ako dinadaan pa ako sa pick up line." Panunukso ni Kirsch sa asawa.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon