Chapter 8: And they meet again

1.2K 68 1
                                    

Araw ng lunes at busy ang buong Laxa Inc. After office hours kasi may Party para sa anak ng may ari ng kompanya. Bilang opisyal na pagpasok nya sa board at mag tratrabaho na si Diego bilang isa sa VPs ng kompanya. Sabay na dumating ang mag amang Laxa at may welcoming commitee sa main reception hall ng Laxa Inc. Main building. Halos lahat ng empleyado ay nandon para iwelcome ang nakababatang Laxa.

***Kirsch POV***

Ng makitang papasok ang mag amang Laxa laking gulat ni Kirsch sa nakita nya. Katabi nya ang BFF nya na si Mariel na isa sa mga barkada nya noong high school hanggang College. Na nagtrabaho din sa Laxa Inc. sa accounting office din pero mas mataas lang ang posisyon ni Kirsch kesa sa kanya.

"Hala ang pogi at ang kisig nya na ngayon." Pabulong at sabay siko ni Mariel kay Kirsch.

Actually ganoon din ang opinyon ni Kirsch. Gwumapo sya di na sya yong mahiyaing nerdy na nagturo sa kanya maglaro ng chess. May laman na din sya hindi patpatin. Wala na ang makakapal na eye glasses na gamit nya noong high school. At may isa pa nagbago sa kanya, umaapaw ang self confidence ng binata. Yes binata pa sya yon ang usap usapan sa buong Laxa Inc. At napabalita din na papalit palit ito ng girlfriend. Di naman nakakapagtaka gwapo,matalino, mayaman umaapaw ang sex appeal ng binata. Hala sya bat nasali ang sex appeal. Napangiti sya sa naisip nya na napansin agad ni Mariel.

"Bat nangingiti ka jan? Naalala mo cguro yong sinumpa sumpa mo noon na never ever ka ma iinlove sa kanya no? Ngayon para nag sisi ka ba na sinabi mo yon hehehe." Panunukso ng kaibigan.

"Sira, di ko naisip yon no matagal na yon mga bata pa tayo." Depensa ni Kirsch.

"So, may chance na mainlove ka sa kanya, aba matinik sa chicks yan ngayon. Halata pa naman noon na crush na crush ka nyan hehehe." Patuloy na panunudyo ng kaibigan

"Ano ka ba may makarinig sayo matagal na yon at baka nga di na tayo kilala nyan eh." Medyo nahihiya na ang dalaga sa panunukso ng kaibigan.

Natahimik nalang sila ng magsalita si Mr. Anton Laxa.

"Hello at good morning sa inyong lahat maraming salamat sa pagtipon nyo ditong lahat sa reception to welcome my son in our company. I want to introduce to you my son Diego Angelo Laxa, VP for Operations and Planning." Pag papakilala ni Sir Anton sa Anak.

"Hello and Good Morning to everyone, and thank you for your warm welcome. I really want to know each and everyone of you here pero meron pa tayong Business to tend to kaya maraming salamat sa pagtipon ninyo ngayon dito at mamayang gabi gusto ko kayo makilala lahat sa Welcome Party na inihanda ng Company para sa akin at para sa ating pagkakakilala. I really hope na makakaaattend kayo mamaya para magsalo salo tayo at magkakilala bago pa tayo pormal na magkatrabaho. Yon lang at di ko na aabalahin ang umaga nyo. Have a good day everyone and see you all tonight." Maigsing speech ni Diego.

Habang nakikinig si Kirsch nakita nya laki talaga ng pinagbago ng binata, grabe ang self confidence sa bawat salitang binibitawan nyang salita. Talagang hinubog na sya ng panahon at handang handa na pamunuan ang buong kompanya.

Nagsibalik sa kanikanilang pwesto na ang mga empleyado ng Laxa Inc. Matapos ang speech ng mag ama. Samantala dumerecho naman ang mag ama para sa board meeting para din formal na mapakilala si Diego sa Board of Directors ng Laxa Inc.

Habang naglalakad si Mariel at Kirsch papuntang accounting office an bumulong na naman si Mariel kay Kirsch.

"Naku kung wala lang akong asawa kikire talaga ako jan kay Diego eh. Napakagwapo no tapos kahit ang bata nya pa punong puno ng authority sya magsalita. Parang gusto ko palagi nya ako inuutusan ganoon hahaha." Natatawang sabi ni Mariel

"Huwag ka mag alala lagi ka uutusan non boss na kaya natin sya. At masanay ka na Sir Diego ang itawag sa kanya dahil boss nga natin sya. Malamang magagawi sya sa accounting kung sya ang VP ng Operations and Planning kaya pag may iuutos sya ituturo kita dahil gusto mo naman utos utusan ka nya." Pagbibiro ni Kirsch kay Mariel.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon