Chapter 35: Wedding Preparations

1.3K 56 16
                                    

Tulad ng nakasanayan ni Diego ay dumaan muna sya sa bahay ng mga Tan at sumabay sa pag aalmusal ni Daddy Bert. Naabutan ni Kirsch na kausap ni Diego ang ama nito sa hapag kainan.

"Good Morning." Bati ni Kirsch bumeso sya kay Diego at yumakap sya sa ama.

"Aba may payakap ang panganay ko." Nakangiting paninita ni Mang Bert.

"Masama na ba yakapin ang Daddy ko? Di ba ako ang favorite mo? Atin atin lang habang wala ang asungot ko na kapatid." Pabulong na dagdag ni Kirsch.

Natawa naman si Mang Bert.

"Syempre ikaw ang unang paborito ko ikaw ang panganay eh." Nakangiting sagot ni Mang Bert.

"Nagpapaalam si Diego sa akin na tila ilalayo ka na nya sa amin pagkatapos ng kasal nyo. Wala naman kami pagtutol at syempre umpisa na yan ng buhay pamilya nyo. Nakakalungkot syempre pero dadalawin nyo naman kami diba?" Bakas ang lungkot sa boses ni Mang Bert.

"Nagsabi na pala si Diego. Oo naman dadalaw kami dito Dad, parang si Kim kahit every weekend pa." Sabi ni Kirsch habang umiinom ng tsaa nya.

"Di naman kailangan linggo linggo kahit isang beses sa isang buwan ok na kami doon. Alam ko naman papayag ang Mommy mo sa desisyon nyo. Tsaka trabaho yan at pamilya nyo na. Malulungkot lang ako pag nagkaapo ako sayo di ko na regular na makikita." Kahit itago ni Mang Bert nahahalata ang lungkot sa boses nya.

"Dad, matagal pa yon, tsaka makikilala kayo ng apo mo sakaling dumating na sya at maglalaro pa din naman kayo. Kaya habang andito pa ako sulitin natin diba?" Tumayo ulit si Kirsch at niyakap ang ama.

Tahimik at panaka nakang nangingiti lang si Diego habang nakikinig sa mag ama, habang nag aalmusal sya.

"Dalian mo na dyan Diego at may trabaho ka pa. Bago ka mag leave ayusin mo na mga dapat mo ayusin." Paalala ni Kirsch kay Diego.

"Opo Mam Kirsten, sinabi na din ni Daddy na babakantehin ko na din ung posisyon ko sa opisina kasi nga after ng kasal at honeymoon sa Manila na ako mag ooffice. Buti ka nga nag indefinite leave at nauwi sa resignation ako na sesanti. Paano na tayo neto pareho tayong jobless." Natatawa si Diego sa sariling joke.

Nagbalot si Kirsch ng baon ni Diego at iniabot sa binata.

"Ayan magbaon ka na magtipid ka na habang may trabaho ka pa 'wag ka na bumili ng drinks pababaunan nalang kita ng tubig." Nangingiting sabi ni Kirsch.

"Yan na nga ba sinasabi ko sayo kuya Diego kita mo kikukuripot ka na ni Ate." Pagsingit ni Kelly na kakalabas lang sa kwarto nya.

"Di pagkukuripot ang pagbaon. Sure na sya na ginawa ko yan with love,malinis at fresh." Tila pagmamalaki at pagtatanggol ni Kirsch sa sarili nya.

"Gusto ko naman na ginagawan ako ng baon ng Ate mo Kelly eh. Ang sweet kaya." Nakangiting sabi ni Diego.

"Eh di kayo na sweet." Papilisopang sagot ni Kelly kaya nagtawanan sila.

"Miss Kelly what's your agenda for the day po. Huwag nyo po sanang ngaragin ang future wife ko. Gusto ko ng fresh na bride at hindi stressed." Nakangiti habang nagtatanong si Diego sa bunso ng mga Tan.

"Kuya Diego, online po muna kami ngayong umaga. Maghahanap kami ng cake designs, song playlist, photographer at videographer tsaka mga trends sa flower bouquet para updated kami then sa hapon namin puntahan ang florist kasama na din si Tita Cecille non." Pag uupdate ni Kelly kay Diego.

"Good, at sa bahay kayo ng umaga, masyado nyo na nginangarag ang sarili nyo. At pag lahat ng plans covered nyo na look for a wedding coordinator ha. Para di kayo maabala ng ate mo sa wedding day." Paalala ni Diego sa bunso ng pamilya.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon