Tahimik lang sina Diego at Kirsch habang kumakain sila. Club Sandwich at Coffee ang inorder ni Diego. Chicken Sandwich at Pineapple Juice naman ang inorder ng dalaga. Tipong walang gusto mag open ng topic sa kanilang dalawa.
Halos patapos na kumain si Diego ng magsalita ulit ito.
"Naasiwa ka ba sa proposal ko? Kung ayaw mo pag isipan kalimutan mo nalang na inoffer ko sayo yon."tila nag sisisi si Diego bakit inoffer nya pa yon."Honestly Diego kaninang umaga dumaan ako sa simbahan, I was asking na mabigyan solusyon ang problema ko at kaya ko gawin kahit na ano wag lang magnakaw. Tapos ito ka nag ooffer sa akin ng ganyan. Di ko alam kung sagot sa dasal ko ang offer mo o baka naman wrong signs ang natatanggap ko. Gusto ko sana mapag isa muna at mag isip pero makulit ka lagi ka nasulpot. Ano ba talaga dahilan bakit gusto mo na mag asawa? Para kasing may something bat ka nag mamadali mag asawa." Di na nakapagpigil si Kirsch sa mga tanong sa utak nya.
"Nagmamadali pa ba ako? Madami na sa ka batch natin ang may asawa at pamilya, di naman ata pagmamadali dahil 26 na tayo." Dahilan ni Diego.
"Eh bakit ako? Di ba madami kang babae sa Singapore. Ang iba pa nga daw foreigner. Di ka naman pangit bakit parang nagmamadali ka na mag asawa?" Sunod sunod na tanong ni Kirsch na parang bigla natauhan at sumabog ang mga tanong na sa utak nya palang tumatakbo ngayon ay nasabi nya na.
"Hey relax. Tsaka bat updated ka sa buhay ko. Iniistalk mo ba ako?" May pilyong ngiti sa mukha ng lalaki.
Inis na inis si Kirsch dahil seryos sya halos naiiyak na sya eh pangiti ngiti pa tong ugok na to.
"Hindi na kita kailangan istalk. Usap usapan na sa opisina na madami ka daw talaga babae. Baka naman may AIDS ka na kaya nagmamadali ka mag asawa." Panic mode na ang utak ni Kirsch kaya kung ano ano naiisip nya.
Nabuga ng bahagya ni Diego ang iniinom nya sa nasabi ni Kirsch.
"AIDS talaga Kirsten? Tsaka bat ako mag aasawa kung may sakit ako. Sige nga kwento mo sa akin mga usapan tungkol sa akin sa opisina." Na curious bigla si Diego sa sinabi ni Kirsch.
"Na ang gwapo mo,tapos mabango at ang hot pa." Pero syempre di nasabi ni Kirsch yon.
"Basta madami sila pinag uusapan nakikinig lang naman ako." Depensa ni Kirsch.
"So ano pag iisipan mo ba ang offer ko sayo o ngayon palang rejected na ang offer ko."medyo naiinip na tanong ni Diego.
"Akala ko ba bibigyan mo ako ng time? Aba 2 taon ng buhay ko hinihingi mong kapalit. Tapos bilang mag asawa pa tayo. Di ba pede mag isip ako kahit itong gabi lang di pa nga ako makapaniwala sa mga inooffer mo." Medyo tumapang na si Kirsch.
"So bukas ka na mag dedesisyon? Sige pag isipan mo muna baka kasi magsisi ka bakit 2 years ka lang pumayag baka kasi gusto mo ma extend after 2 years syempre ibang usapan na yon."may halong pagbibiro ni Diego.
"Aba nakuha pa magbiro ng mokong na to eh seryos na usapin ito." Buti at di nasabi ni Kirsch kay Diego yon instead nasabi nya lang, "Bakit ako napili mo offeran maging asawa?" Seryoso pa din si Kirsch.
"Dahil alam ko di mo sasamantalahin ang offer ko. At safe ako na di mo pagnanasaan ang katawan ko dahil nga sinabi mo na never ever ka magkakagusto sa akin diba." Nangingiti si Diego pero sa totoo lang naiinis sya pag naaalala ang linya na yan ni Kirsch noon.
"Grabe pagnanasaan talaga katawan nya? Kala naman neto lahat ng babae makakaharap nya may pagnanasa agad sa kanya." Syempre di nya din nasabi yon kasi kahit walang offer eh boss nya pa din naman tong over confident na mokong na kaharap nya.
"Pede na ba tayo umuwi medyo nag didilim na eh." Pag yaya ni Kirsch sa binata.
"Ihahatid na kita. Syempre gusto ko malaman saan nakatira ang future Misis ko." Sabay sumenyas na sa waiter si Diego para makapagbayad na.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
Fiksi PenggemarCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...