Habang nakahiga si Diego sa kama nya napaisip sya sa nangyari. Oo may tama na sya pero alam nya pa nangyayari pero nawawalan na sya ng control sa mga pangyayari. Muntik na sya makalimot at muntik nya na maangkin si Kirsch.
Unfair sa dalaga na may mangyayari sa kanila na lasing sya. Ayaw nya mangyari ang ganoon. Ano pa man ang kasunduan nila o ang galit nya noon kay Kirsch nirerespeto nya ang dalaga. Pero naisip nya ang pagganti ni Kirsch sa halik nya.May nararamdaman na kaya si Kirsch sa kanya? Nagtulog tulugan sya matapos ang nangyari para di ma awkward si Kirsch. Pero alam nya ang nangyari at ginusto nya. Buti nakapagpigil sya ng maramdaman nya ng tila pumiglas si Kirsch. Di dahil ayoko, dahil kahit papaano ni rerespeto ko pa sya. Ayoko ng may mangyari sa amin dahil aksidente lang.
Gusto ko pag nangyari yon dahil gusto namin pareho, dahil mahal na namin ang isa't isa.
Kahit sa ganoon lang masaya na si Diego. Kung sa ibang babae higit pa don ang nakukuha nya pero kay Kirsch iba. Yong simpleng biruan nila, pag sabay lang sila kumain, hawakan nila ng kamay basta magkasama sila masaya na sya. Mahal na nga nya ang dalaga, pero paano? Mali ang naging umpisa nila. Pati ang kasunduan.
"Iiwasan ko hanggang kaya ko, ayoko na ako maging talo sa kasunduang ito kung saka sakali." Di alam ni Diego bakit natatakot sya palagi na matalo pag di sya gustuhin ni Kirsch.
----
Nagising ng alas 7 si Kirsch medyo masakit ang ulo nya pero bumangon na sya. Inayos ang mga gamit nya dahil aalis na sila sa bandang hapon. Matapos maayos mga gamit at naligo na sya at nag ayos ng sarili. Matapos mapatuyo ang buhok pinili nya magsuot ng ripped jeans at off shoulder na pink bilang pang itaas nya. Hinayaan nya na nakalugay ang lagpas balikat nya na buhok at naglagay ng light make up at lipstick. Saka lumabas na sya sa kwarto.
Nasa kwarto pa din nya si Diego pero tila gising na din ito at naliligo na. Naririnig nya ang lagaslas ng tubig sa shower sa kwarto ng binata. Wala sa loob nya na umupo at nanood ng tv. Umagang balita ang palabas at naaliw naman sya sa panonood. Di nya namalayan lumabas na sa kwarto si Diego at nakalapit sa kanya. Mula sa likod ng inuupoan ni Kirsch ay hinawakan ni Diego ang mga balikat ni Kirsch at hinalikan ang ulo neto. Napatingin si Kirsch sa binata.
"Good morning, Babe." Mahinang bati ni Diego matapos halikan ng ulo ni Kirsch.
"Good morning." Sagot ni Kirsch.
Tinitigan ni Diego si Kirsch, kung may reaction sya sa nangyari kagabi. Pero nagpatay malisya lang ito.
"Babe, hinubaran mo ba ako kagabi?" Casual na tanong ni Diego kay Kirsch habang tumatabi sya dito.
Biglang bigla namula naman si Kirsch.
"Lasing ka kasi kagabi kaya pinunasan kita at pinalitan ng tshirt." Nahihiyang mahinang sagot ni Kirsch.
"Sure ka Babe walang nangyari? Baka kasi nakuha mo na ang pagkalalaki ko di mo lang masabi. Ang shorts ko ba hinubad mo?" Natatawa pang tanong ni Diego sabay inakbayan ang namumulang si Kirsch.
"Kapal nang mukha mo. Iinom inom ka nang di mo kaya tapos gagawin mo akong yaya." Galit galitang sagot ni Kirsch.
"Girlfriend kita, soon magiging asawa masanay ka na na inaalagaan ako." Sabay nilagay pa ni Diego ang ulo sa balikat ni Kirsch.
Dahil sa nangyari ng nakaraang gabi ay tila naiilang si Kirsch na maglapit ang balat nila. Kaya kunwari ay tinulak nya ang ulo ni Diego.
"Ang bigat mo. Lika na almusal na tayo para makabili pa tayo pasalubong. Nakapag empake ka na ba?" Tanong ni Kirsch kay Diego.
"Ipag eempake mo ba ako kung di pa ako nakapag empake?" Tanong ni Diego kay Kirsch.
"Lika na sa kwarto mo mag empake na tayo tulungan kita para makaalis na tayo." Hinila pa ni Kirsch si Diego.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...