Nagising silang magkayakap, parehong walang saplot tanda ng namagitan sa kanila ng nakaraang gabi. Naunang dumilat si Diego at nakitang pareho silang hubad ng asawa. Hindi sya nananaginip, talagang may nangyari sa kanila ng asawa. Inilapit ni Diego ang katawan nya sa asawa at hinalikan ito sa bandang ulo nya. Tila naalimpungatan si Kirsch at napamulat ito."Good morning, Babe." Malambing na bati ni Diego sa asawa.
"Good morning." Wala sa loob ni Kirsch na pagbati.
Pero bigla nya naramdaman na nakahubad sya at bigla sya nataranta. Tinulak nya si Diego sa pagkakayakap sa kanya. Nagtakip sya ng mukha at biglang bumangon.
"Naku Kirsch, ano na naman 'to? Galit ka diba panindigan mo." Naisip ni Kirsch ng maalala ano ang nangyari sa kanila ni Diego. Tumayo ito, binalot ang kumot sa katawan nya at patakbo na pumasok ng banyo.
Nagtataka man ay natawa nalang si Diego sa reaksyon ng asawa. Ang nangyari sa kanila ng nakaraang gabi ay palantandaan lang na mahal sya ng asawa at magkakabati sila at babalik ulit ang lahat sa normal.
Pumasok si Kirsch sa shower at umiyak. Di nya alam bakit sya umiiyak, pero alam nya na dahil sa nangyari sa kanila ng nakaraang gabi. Mag asawa naman sila at kung tutuusin normal lang ang nangyari sa kanila ni Diego. Marahil ay di nya matanggap na naging marupok sya sa asawa. Di nya na alam kung ano gusto nya. Kung patawarin ba si Diego o makipaghiwalay. Kaya umiyak sya ng umiyak sa shower. Nakalimutan nya ilock ang banyo kaya ng mga nakalahating oras na sya sa shower na umiiyak ay pumasok si Diego dahil nag aalala na sa kanya.
Inabutan ni Diego na nasa shower ang asawa kaya binuksan nya ito. Nakita nya itong nakaupo at umiiyak habang ang tubig ay patuloy sa paglagaslas. Pinatay ni Diego ang shower, kumuha ng tuwalya at inalalayan ang asawa.
"Babe, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? O dahil sa nangyari sa atin kagabi?" Nag aalalang tanong ni Diego. Pati sya ay nataranta sa nakita.
Patuloy pa din sa pag iyak si Kirsch. Kaya di na naawat ni Diego ang sarili, niyakap nya ang asawa ng mahigpit.
"Ano nangyayari sa'yo, Babe? Kausapin mo naman ako." Nag aalalang sabi ni Diego na halos sya ay naiiyak na din.
"Ikaw kasi, kahit na galit ako pinipilit mo may mangyari sa atin. At natutuwa ka pa na di ko napigilan. Naiinis ako sa'yo, naiinis ako sa sarili ko." Patuloy na sa pag iyak si Kirsch.
"Babe, normal lang naman ang nangyari sa atin mag asawa naman tayo." Tila nalilito si Diego pero lihim na natatawa sya sa asawa. Ang cute kasi ng asawa nya.
"Normal? Eh galit nga ako sa'yo diba? Naiinis ako sa'yo kasi di mo siniseryoso ang galit ko. Naiinis ako sa sarili ko na ang bilis ko madala sa paglandi mo sa akin." At lalong lumakas ang paghikbi ni Kirsch.
"Sorry na Babe. Hindi ko naman pinilit ang sarili ko kung ayaw mo talaga pero alam mo naman ang nangyari. Gumanti ka ng halik, niyakap mo ako so akala ko ok na pumayag ka na." Di na maalis ang ngiti ni Diego.
"Yan, pinagtatawanan mo pa ako. Di mo talaga iniintindi ang galit ko." Lalong umiyak si Kirsch. Di nya na din alam ano ang dahilan ng pag iyak nya.
"Okay Babe. Di na ako tatawa, seryoso na ako. Di na kita kukulitin ngayon ok. Di ko na aabusuhin na nasa harap tayo ng magulang natin. Di na ako magpapakasweet at di na ako mangngulit okay na ba? Pero ngayon lang kasi susuyuin pa kita hanggang tuluyan ng mawala yang galit mo sa akin." Itinaas pa ni Diego ang mukha ng asawang walang tigil sa pag iyak habang nangangako. Wala naman sya magawa, naawa sya sa itsura ng asawa nya na umiiyak na di nya maintindihan bakit grabe ang pag iyak nito. Kaya naisipan nya nalang na huwag muna kulitin ang asawa sa araw na ito.
BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...