Tinanghali ng gising Diego, tutal sunday naman at wala silang usapan ni Kirsch ngayon kaya di pa muna sya bumangon. Nag message sya kay Kirsch.
Good Morning Wifey. You awake? Did you have your breakfast na? Thanks for spending time with me kahapon. Looking forward for our Cebu trip. I think I miss you already. Can I see you today? Gusto ko na ata mag I Love You Babe.
Nagbasa basa pa si Diego ng mga messages sa phone nya. Lumipas ang 15 mins wala pa ding reply si Kirsch. Alas 10 na, "grabe naman matulog yon." Naisip ni Diego kaya bumangon nalang sya at nag shower. Bumaba sya at nakita nya ang Mommy nya na nasa garden nya. Nagpahanda sya ng kape kay yaya Ingrid sa garden.
"Good morning mom." Bati nya sa ina sabay halik sa pisngi.
"Wala kang lakad ngayon anak?" Tanong ng Mommy Cecille.
"Ayaw mo ba ako dito sa bahay mom?" Pagbibiro ni Diego sa Ina.
"Hindi naman sa ganoon pero dahil kakabalik mo lang sa Pinas kaya expected ko na maggagala ka." Paliwanag ng ina ni Diego.
"I might visit Arjay later, di ako pinapansin pa ni Kirsten eh." Pagsusumbong ni Diego.
Sabay tingin nya sa phone nya at dumating na din ang kape na hiningi nya kay Yaya Ingrid. "Thanks Ya."
"Wait mom tawagan ko nga wala pa din reply eh." Nag aalala na si Diego.
Kaya tinawagan nya na ang dalaga.
"Hello." Sagot ni Kirsch.
"Good morning babe. Nag alala ako sayo di mo pinansin message ko." Tila pagtatampo ni Diego."Nasa Farm kami eh. Sinamahan namin si Daddy tapos dito na kami mag lunch nagpahatid nalang kami food kay aling Mikay." Paliwanag ng Kirsch.
"Ayaw mo akong invite for lunch?" Nagpapaawa na tanong ni Diego.
"Spend this weekend sa family mo, andito kasi si Kim kaya nag bobonding kami." Sagot ni Kirsch.
"Wala si Dad. Mag clubbing nalang ako mamaya ayaw mo ako makita,maglalasing ako. Kaya sige na maawa ka sa atay ko invite me for lunch. Di mo ba ako na miss" Parang bata na naglalambing si Diego.
"Ang kulit cge na pumunta ka na nga dito, i'll message you for directions." Napilitan naman si Kirsch.
"Yes, see you later babe,tapos pede na ako mag I love you?" Nanunukso na naman si Diego.
"Cge na mag asikaso ka na jan kung gusto mo umabot ng lunch dito. Bye na." Pag iiba ni Kirsch sa usapan.
Nangingiti pa habang pinapatay ni Diego ang telepono nya.
Pasimple palang nakikinig ang ina at narinig nya ang usapan. "Babe na tawag mo kay Kirsch so kayo na?" Pag uusisa ni Mommy Cecille."Malapit na Mom, this week isasama ko sya sa Cebu for site visit tutal sya may hawak ng accounts don. At pag sa sunday nasama ko sya mag lunch dito ibig sabihin kami na Mom. Lalabas ako Mom ha, punta ako kina Kirsch don na ako mag lulunch." Pagpapaalam ng binata sa Ina.
Nagbihis na ng simpleng tshirt at maong jeans si Diego. Bago pumunta sa binigay na direction ni Kirsch ay dumaan muna sa sa bakeshop na nag titinda rin ng dessert at take home goodies. Bumili sya ng crema de fruta, leche plan, isang bowl order ng Buco Pandan. Bumili na din sya ng rellenong Bangus at stuffed squid para madagdag nya sa pang lunch nila.
Pagdating sa maliit pa taniman nila Kirsch ay sinalubong na sya ng Dalaga. Pagbaba ay bumeso pa si Diego kay Kirsch. Di naman tumanggi ang dalaga. Dala dala ang mga binili ay pumunta na sila sa maliit na kubo sa pananiman. May malawak na palayan at sa gilid nito ay may maliit na kubo na pahingahan pero masasabi na naasikaso naman may kuryente, tubig, mga gamit dito at may kwarto pa na pahingahan cguro. Sa palibot nito at maraming punong kahoy kaya presko at maaliwalas. May tatlong malalaking puno ng Mangga na may mga bunga pa at iba pang bungang kahoy na nakapalibot dito. Tumuloy na sila Kirsch at Diego at nilapag ang mga dala nya.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...