Chapter 10 : The Offer

1.3K 74 1
                                    

After ng Party ay nabusy na din si Diego. Personal nyang binisita ang operations ng mga restaurants at resort na nasa palibot lang ng Masbate. Kahit di nya obligasyon na mag site visit ay ginawa nya para makita ang mga dapat baguhin at iimprove sa mga negosyo na hawak ng Laxa Inc. Kahit na busy si Diego alam nya na pangalawang araw na di pumapasok si Kirsch. Pero ngayong umaga na check nya na pumasok ito. Di nya maintindihan bakit natuwa sya. Ngayon di nya na mapapalagpas. Kailangan na masabi ni Diego ang offer nya kay Kirsch. Its now or never.

----

Dalawang araw di pumasok si Kirsch dahil kailangan nya asikasuhin ang mga papeles ng maliit nilang palayan at ang titulo ng bahay nila sakaling kailanganin na ibenta na ito para sa operasyon ng Ama. Alam nya mahihirapan sya pag uupa sila ng bahay at pag nawala pa ang dagdag income nila sa palayan pero wala sila magagawa kailangan nila gawin yon kapalit sa dagdag buhay ng Daddy nya. Nakalabas na din sa ospital si Mang Bert kaya papasok na ulit sya sa opisina. Bago pumasok sa opisina ay dumaan muna sya sa maliit na chapel na malapit sa Opisina. Nag sindi si Kirsch ng Kandila at mataimtim na nanalangin.

"Lord God, thank you po at nakalabas na si Daddy sa Ospital. Alam ko po na pagsubok lang po to sa pamilya namin. Sana po ay i guide nyo po ako at ang buong pamilya kung paano pa namin malalagpasan ito, kung kailangan po namin ibenta ang bahay at ang palayan sana po tulungan nyo kami na malagpasan ang araw araw namin na pangangailangan. Kung may ipapadala po kayong tulong tatanggapin ko po ng buong buo. Gagawin ko po ang lahat pwera po ang pumatay at magnakaw para lang po maoperahan na si Daddy at makasama pa po namin sya ng mas mahabang panahon. Lahat po ito ay inaalay ko sa inyo. Amen."

Dumerecho na si Kirsch sa office wala naman naging problema dahil alam na ni Ms Florence na di sya makakapasok ng 2 araw dahil sa family emergency. Agad ng umpisa ng magtrabaho si Kirsch dahil natambakan sya ng trabaho for 2 days. Unti unti naman nababawasan ang mga nakatambak na account sa harap nya ng may tumawag sa phone nya. Si Teresa secretary ni Sir Diego. Pinapupunta ako sa office kung may time daw ako. Aba syempre may time ako boss ko sya eh.

Pumunta na si Kirsch sa office ng VP for OP and planning. Tinawag na ni Teresa na anjan na sya sa labas at pinapasok naman sya agad. Naabutan nya na may mga binabasang papeles si Diego. Ng makita syang nakatayo sa may pintuan ay binitawan nya ang binabasa at tumingin sa dalaga. Tipong kinikilatis nya si Kirsch. Naka slacks sya ng gray at printed green na blouse. Naka pony tail ang buhok nya at gamit nya ang simpleng necklace nya at maliit na hikaw at relo. Simple make up lang din ang nilagay nya. Pero parang na magnet ang mga mata ni Diego sa dalaga. Nang mahimas masan ay pinaupo na ni Diego si Kirsch sa upuan sa tapat nya.

"Do you want something to drink before we start?" Seryosong tanong ni Diego.

Start what? Bat kailangan ng drinks? Panic mode ang utak ni Kirsch pero umarte pa din syang kalmado.

"I'm ok Sir Diego i dont need anything." Pormal na sagot ni Kirsch sa boss.

"Tungkol po ba to sa cebu accounts? Di ko pa po kasi na uupdate dahil wala po ako ng 2 days." Pinangunahan na ni Kirsch ang boss bago pa man ito magsalita.

"Yeah need ko ang update sa Cebu account pero di dahil don kaya pinatawag kita." Seryoso ang dating ni Diego.

Natahimik sila ng pumasok si Teresa na may dalang kape at bottled water para kay Diego.

"Teresa can you please close the door after you leave and please don't disturb me for at least 30 mins or until I say so." May komando sa boses ni Diego.

"Ano daw do not disturb? 30 mins? Di naman cguro ako hahalayin neto makakasigaw naman cguro ako." Nanenerbyos na natatawa nalang sa naiisip si Kirsch sa sarili nya.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon