Chapter 15: Fallen

1.4K 71 1
                                    

Maagang nagising si Kirsch, bumangon na ito at naghanda na para mag shower ng tumunog ang kanyang telepono.

Message mula kay Diego.

Good morning babe, how's your sleep? I dreamt of you last night at pumayag ka na don sa gagawin natin after 3 months hehehe na miss tuloy kita lalo. I'll pick you up in 30 mins. Soon mag Ii love you na ako.

"30 mins? Eh maliligo palang ako. Ang aga namang manundo nitong si Diego." Bigla nag panic mode si Kirsch para maligo na.

10 minutes lang at natapos na maligo si Kirsch. Sinuot nya ang simpleng bestida na printed at pinaresan nya ng open sandals na may heels. Pinatuyo nya saglit ang buhok nya pagkatapos ay naglagay na sya ng simple day make up. Nadala sya ng green blazer na ipapatong nya sa bestida nya pagkailangan nya magpakaformal.

After 25 minutes ay natapos nya na ang pagbihis at pagmake up. Yon ata pinakamabilis nya napaghanda bago pumasok na nagawa nya sa buong buhay nya. Pagbaba nya andoon na si Diego at nakaupo sa dining table nila at nagkakape.

"Mag almusal muna kayo anak." Sabi ni Mang Bert kay Kirsch.

"Good morning Dad." Sabay humalik ni Kirsch sa ama.

"Good morning." Bati nya kay Diego at hinawakan pa ulo nito na parang batang paslit.

"Good morning." Bati ni Diego kay Kirsch.

Umupo sya sa tabi ni Diego. Kumuha sya ng tinapay at itlog at nagtimpla ng gatas. Tahimik lng sya kumain habang nag uusap si Mang Bert at si Diego tungkol sa basketball.

Dumating na si Carlo na taga alaga ni Daddy Bert kaya naputol ang usapan ng dalawang lalaki. Pupunta na sila sa farm para maglakad lakad habang di pa natirik ang araw. Si mommy Karen ay maaga din umalis pumunta sa bigasan.

Nang matapos kumain si Kirsch ay pumanhik muna sya sa banyo para mag toothbrush. Saka lumabas na ulit para makaalis na sila.

Bigla sya sinalubong ni Diego, "Good morning babe." Sabay beso sa pisngi nito.

Nakaalis na pla sina Daddy Bert kaya lumipat na sya sa may salas banda.

"Nag good morning na ako sayo kanina." Pairap na sabi ni Kirsch.

"Good morning nga wala naman good morning Kiss." Panunukso pa ni Diego kay Kirsch.

"Magtigil ka nga. Halika na at baka malate pa tayo. Aling Mikay, aalis na po kami papasok na po kami sa opisina." Nagmamadali na lumabas si Kirsch.

Habang nakasunod si Diego ay pasimple nyang hinuli ang kamay ni Kirsch kaya magkaholding hands sila naglakad hanggang sa sasakyan. Pinagbuksan ni Diego si Kirsch ng sasakyan bago pa sya umikot sa bahagi ng nagmamaneho si Diego.

Tahimik lang sila habang nagmamaneho hanggang makarating sila sa opisina. Sabay din sila pumasok na sa building at laking pasalamat naman ni Kirsch at di na hinahawakan ni Diego ang kamay nya. Pero tila nagsawa na mga tao sa building o sadya lang nasanay na palagi silang magkasama. Sumakay na sila ng elevator patungo sa kanikanilang opisina.

"Sabay tayo mag lunch later ha." Bulong ni Diego kay Kirsch.
Tumango lang si Kirsch. At tamang bumukas na ang elevator sa accounting department, at lumabas na ang dalaga.

Naging busy ang umaga ng dalawa, kaya di na nila namalayan na lunch time na. Nag message si Diego kay Kirsch.

Babe, almost finish sa last meeting ko. Wait for me and we'll have lunch together ok, I miss you.

Nabasa ni Kirsch pero di na sya nag reply at baka maistorbo pa ang meeting ng binata. As usual may flowers na naman na dumating sa opisina nya galing sa binata. Almost 1 week na sya nakakatanggap ng flowers sa office kaya nasanay na mga taga accounting office sa pa flowers nya. Kahit nasanay na si Kirsch di pa din nya maiwasan ang di kiligin sa ginagawa ng binata. "Totoo kaya pinakikita nya sa akin or part pa din ng drama namin to. Natatakot na kasi ako at parang nahuhulog na ako sa kanya. Parang gusto ko na din na plagi syang nakikita at inaantay ko palagi message nya. Ano ba talaga pakay nya bakit kami may ganitong kasunduan." Malalim na pag iisip ni Kirsch.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon