Chapter 17: Cebu First Day

1.7K 77 9
                                    

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Writer's Note:

Sa mga may background sa business and accounting pasensya na po di ko po field yan kung may mga mali pong terms at process about business pasensya na po. Hinati ko ang chapter na to kasi masyado ata napahaba. Pasensya na 💖

-=-=-=-=-=-=-=--=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Kasalukuyang nag hahapunan ang magulang ni Kirsch at ang bunsong kapatid kasama si Aling Mikay. Nagsabi ito na maaga syang susunduin dahil maaga ang flight nila pa Cebu kaya umakyat na sya. Ibinaba nya na ang maleta nya para bukas yong hand carry nalang at bag nya ang dadalhin nya. Pinaalala nya kay aling Mikay na kung pwede gisingin sya ng 2am, sabay umakyat na sya at nag shower. Habang nakahiga sya sa kama di pa din sya dalawin ng antok. Magsosolo sila ni Diego simula bukas magkasama sila buong araw. Nahihirapan sya magtago ng damdamin nya. Natatakot sya na baka ipagkanulo sya ng nararamdaman nya. Halata din kanina na iniiwasan sya ni Diego, binawasan nito ang sweetness nya, pero bat parang hinahanap nya ito. Nasanay na sya na inaasar sya sa sweetness nito naasar sya pero hinahanap nya. Hay magulo ka talaga Kirsten. Nang biglang tumunog ang phone nya nag message si Diego.

"Are you still awake? I can't sleep its too early pa. Can I call you? Promise di ako mangungulit. I just miss you. Yong Kirsten na hindi kanina yong Kirsten na suplada pero kinakausap ako. Can you tell that Kirsten to come back because I miss her na. Can I call her?" Paglalambing ng Diego at tila natunaw na naman ang puso na pilit nya pinatitibay.

"Ok andito na ata ang dating Kerstin. You can call her." Natatawang reply ni Kirsch. Ang totoo kasi na miss nya na din ang sweetness ni Diego.

At nag ring nga ang phone nya.

"Babe, di ka na ba galit? Is this my old Kerstin?" Panimulang tanong ni Diego.

"Sabi ko nga di ako galit diba ikaw lang naman nag pupumilit na galit ako. Baka lang may tupak ako normal sa babae may mood swings masyado mo lang pinalalaki ang issue." Kunwaring asar na sagot ni Kirsch.

"I'm sorry babe, cguro nasanay na ako sayo tapos biglang nagbago ka kaya naninibago ako. Promise kahit di ko ugaling mag adjust gagawin ko. Pag galit ka as much as possible di kita sasabayan. Di din ako mangungulit. Basta wag ganoon ok. Wag na basta nalang di mo ako iimikin kasi nakaka paranoid eh." Mahabang pangako ni Diego.

"Gusto ko na kiligin pero nakakatakot baka kasi,ewan di totoo yong pagpapakilig nya sa akin. Chill lang Kirsten sabi nga ni Mariel magmahal ka wag ka matakot." Pagpapakalma ni Kirsch sa sarili.

"Di ka na nakasagot may tupak ka pa din." Nagbibirong tanong ni Diego.

"Wala na nga, di ba sabi ko ako na ulit to. Baka na stress lang ako sa work, sa "atin" tsaka sa mga mangyayari pa kaya na stress ako." Pangangatwiran ni Diego.

"Don't worry about work kasama mo naman ako dalawa tayo dito. At about sa "atin" wag ka na ma stress just go with the flow. Kung ano tayo ngayon ganito pa din tayo pag mag asawa na, but a little sweeter tsaka baka pag mag asawa na tayo at may tupak ka bugbugin mo na ako." Pagbibiro pa ni Diego.

"Sira, di kaya ako nananakit. Marami lang talaga ako iniisip kaya medyo grumpy ako." Paliwanag ni Kirsch.

"Mukha kayang sasapakin at kakalmutin mo na ako kahit di ka nagsasalita feeling ko sinasaksak mo na ako eh. Monthly period mo ba." Pagbibiro pa ni Diego.

"Sira ganoon na ba ako katapang sa tingin mo. Nope, tupak lang talaga." Pagbibiro din ni Kirsch.

"Sana wag ka dalasan ng tupak mo kasi nakakainis ka alam mo ba yon? Gusto ko na patulan ang tupak mo pero malakas ka sa akin feeling ko mahal na nga kita." Pagpapasweet ni Diego.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon